Naglabas ng babala ng Food and Drugs Administration (FDA) laban sa 5 produktong pampaputi at pampapayat na mabibili online. Ang mga ito ay hindi nakarehistro at maaaring may masamang epekto sa kalusugan kung gagamitin.
Ayon sa advisory na nilabas ng FDA, ang limang produktong tinukoy ay ang sumusunod:
- Slim White Extreme and Slim Fast Extreme,
- Slim Max Garcinia Cambogia Complex,
- Detox Max Acai Berry Extract,
- Pure African Mango Weight Loss supplement,
- Bright Skin.
Ang paggamit at pagbebenta ng mga produktong hindi nakarehistro ay labag sa Republic Act No. 9711, or the FDA Act of 2009. Pinayu
Buhat nito, pinayuhan ni Health Secretary Janette Garin, na tumatayo ding acting FDA director general, na umiwas at huwag tangkilikin ang mga nabanggit na produkto. Mariin din niyang sinabi na ang mga hindi nakarehistrong gamot na ito ay maaaaring magdulot ng panganib sa kalusugan sapagkat ang mga ito ay hindi sumailalim sa tamang proseso ng pagsusuri kung ligtas at epektibo nga ba ang mga ito na gamitin.
dagdag pa ng FDA, bumili lamang sa mga kilalang pamilihan na may mabuting reputasyon upang makasiguro sa kaligtasan.