Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Health noong nakalipas ng Disyembre 2014, 1 sa bawat 4 na apektado HIV/AIDS ay nakaaapekto sa mga kabataang ang edad ay 15-24 na taon. Ang datos na ito na nakuha sa HIV and AIDS Registry ng DOH ay nagmula sa bilang na 509 na bagong kaso ng HIV/AIDS sa taong 2014 kung saan 129 dito ay kabilang sa 15-24 ang edad. Nakasaad din sa kanilang talaan na umabot na sa 6,011 ang mga kasi ng sakit sa kabuuang taon ng 2014.
Base sa pag-aaral na ito, tumaas ng 42 na porsyento ang mga bagong kaso kung ikukumpara sa taong 2013 na 358 na bagong kaso lamang.
Sinasabi rin ng DOH na mula sa 509 na bagong kaso ng sakit, pinakamataas na nakukuha ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik (475), at mula naman sa bilang na ito, pinakatalamak ay sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki (85). Ang ibang kaso ay nagmula naman sa paggamit ng tinuturok na gamot (33), at ang isa pa ay naipasa ng inang may sakit sa kanyang anak.
Umabot naman sa 188 na kaso ng AIDS ang namatay sa taon na 2014. Dagdag ito sa 1,118 na kabuuang bilang ng pagkamatay sa sakit na ito mula pa noong taon na 1984.
Ang iba pang grupo ng edad na mataas na naaapektohan ng sakit ay sa grupong 25-39 na bumubuo sa 31% ng mga kaso, at sa grupong 30-34 na bumubuo sa 19% ng mga kaso.
Lubos ding ikinababahala ng Philippine National AIDS Council (PNAC) ang patuloy na pagkalat ng sakit mula sa high-risk group kung saan nabibilang ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki patungo sa iba pang populasyon sa pamamagitan ng mga babaeng binabayaran para makipagtalik.