Balitang Kalusugan: Kaso ng mga naputukan, bumaba ng 16%

Maituturing na matagumpay ang isinagawang kampanya ng Department of Healt (DOH) laban sa pagpapa-putok sa kakalipas pa lang na bagong taon. Ayon sa ulat ni DOH Acting Secretary Janette Loreto-Garin, bumaba ng 16% ang mga kaso ng naputukan ng mga paputok at natamaan ng mga ligaw na bala mula Disyembre 2014 hanggang sa unang bahagi ng Enero 2015. Tinatayang aabot lang ng 860 na mga kaso, 840 dito ay naputukan ng paputok, 7 ang mga nakalunok ng paputok, at 13 ang natamaan ng ligaw na bala. Ito ay mas mababa kaysa 16% sa pagsalubong sa bagong taon noong 2013 na umabot sa 1018 na mga kaso.

Image Source: www.thestar.com.my

Ayon din sa ulat, pinakamataas na naapektohan ang mga kabataan, 25% ng mga kaso ay nakaapekto sa mga kabataang nasa edad 6-10, at 22% sa mga kabataang nasa edad 11-15. At ang pangunahing sanhi ng mga pinsala ay ang piccolo (32%) at kwitis (15%).