Naitala noong Pebrero 2015 ang pinakamataas na bilang ng kaso ng taong apektado ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa. Umabot na sa 646 ang kaso ng nagpositibo sa HIV sa buwan pa lamang ng Pebrero 2015. Ito ay halos katumbas ng 20 na bagong kaso ng sakit kada isang araw sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon pa sa tala, 262 ng mga kasong ito o 42% ng kabuuang mga kaso ay nagmula sa NCR, 96 (15%) ng kaso ay nagmula naman sa Region 7, 95 (15%) mula sa Region 4-A, at 48 (7%) ng mga kaso ng sakit ay galing naman sa Region 3. Nakababahala rin na 95% ng mga kaso nito ay nakaaapekto sa mga lalaki na kadalasan ay nag-ugat sa pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Pinakamataas naman na nakaaapekto ang sakit na ito sa edad na 25 hanggang 34 na taong gulang na bumubuo sa 51% ng mga kaso.
Payo ng DOH, sapat na kaalaman ang pinakamahusay na sandata laban sa patuloy na pagkalat nito.