Kinumpirma na ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang kinatatakutang Middle East Resperatory Syndrome o MERS. Ito ay ayon mismo kay Health Secretary Janette Garin sa isang press conference na na isinagawa ngayong Lunes.
Ayon sa kalihim, positibo sa MERS-CoV ang isang 36 na taong gulang na dayuhan na hindi pinangalanan at hindi rin sinabi ang lahi at kasalukuyan nang ginagamot sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.
Kasabay nito, isa pang indibidwal na nakasama ng dayuhan ang isinailalim din sa quarantine sa RITM at patuloy pa ring inaalam kung positibo rin sa sakit.
Hawak na ng Department of Health ang dalawang pasyente magmula pa noong Hulyo 4, habang iniimbistigahan pa ang 200 na iba pang indibidwal na posibleng nilang nakasalamuha sa eroplano papasok ng Pilipinas.