Balitang Kalusugan: Panibagong kaso ng food poisoning, naitala sa Albay

Halos 30 katao naman ang napatumba sa barangay Tuburan sa Albay noong Lunes dahil sa pagkain ng Pancit Malabon na handa sa isang birthday party sa lugar.

Ayon sa ulat ni Dr. Nathaniel Rempillo ng Albay provincial health office, isa-isang nakaranas ng pagsusuka, pagtatae, pananakit ng tiyan, at pagkahilo ang ilang mga bisitang dumalo sa handaan ng isang birthday party. Agad silang sinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital.

Sa ngayon ay dinala sa sa regional office ng Department of Health ang pansit na tinuturong dahilan ng pagkakasakit ng mga biktima upang mapag-aralan. Pinasara na rin ang tindahan kung saan nabili ang pansit na pinaghanda.