Balitang Pangkalusugan: Benepisyo ng PhilHealth Para sa mga Senior Citizen

Nitong Nobiyembre lamang ng nakalipas na taon, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na magbibigay benepisyong pangkalusugan sa mga Pilipinong senior citizen sa pamamagitan PhilHealth. Ang Republic Act No. 10645, o ang batas na ginagawang awtomatikong miyembro ng PhilHealth ang lahat ng Filipino pagtungtong nila ng edad na 60, ay naglalayon na bigyang kalinga ang lahat ng mga Pilipinong senior citizen na hindi pa nagiging miyembro ng PhilHealth.

Mula sa 6.1 milyong senior citizen sa bansa, kung saan 3.94 ay miyembro na ng PhilHealth, tinatayang aabot sa 2.16 milyon na matatanda na hindi pa miyembro ng PhilHealth ang mamakikinabang sa bagong pasang batas na ito.

Ayon sa batas, ang tanging kailangan lamang para makuha ang benepisyong ito ay ang honor card na mula sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) o kaya’y ID na makapagpapatunay na ang pasyente ay senior citizen (60 na taong gulang pataas). Kung sakaling hindi mabigyan ng discount ang matandang pasyente, maaaring lumapit sa opisina ng PhilHealth at magpa-reimburse.

Ang pondo para sa benepisyong ito ay nagmumula sa Sin Tax na pinataw ng pamahalaan sa mga sigarilyo at alak.

Ang PhilHealth ay ang ahenysa na ka-partner ng pamahalaan sa pagbibigay ng murang seguro at mga benepisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.