Bangungot: Kaalaman, Sanhi at Gamot

Ano ang bangungot?

Ang bangungot ay isang karamdaman kung kalian ang isa tao ay nagigising sa gabi, napapaungol, nananaginip ng masama, na may pakiramdam na parang may nakadag-an sa dibdib, o alin man sa mga ‘sintomas’ na ito. Ang bangungot ay karaniwang nakakaapekto sa mga kalalakihan, lalo na sa mga binata o mga lalaki edad 17-30. Ito’y karaniwang nararanasan ng mga kalalakihan na napalayo o malayo sa kanilang mga pamilya. Bagamat mas karaniwan sa mga lalaki, maaari ring bangungutin ang mga kababaihan. “Nasa dugo” daw ang bangungot; may mga pamilya na mas mataas na probabilidad na magkaroon ng bangungot.

Gaya ng “pasma”, walang eksaktong katumas na kahulugan ang bangungot. “Nightmare” ay hindi sapat na ipahiwatig ang kahulugan sa ating mga Pinoy ng salitang “bangungot”. Ngunit ayon kay Prop. Michael Tan ng UP, sa ating mga karatig-bansa, ang bangungot ay nararanasan din ng kanilang mga kalalakihan, kaya maaaring iisa lamang an gating “bangungot” sa “lai tai” ng Thailand, “tsob tsuang” ng Vietnam.

Bakit nagkakaroon ng bangungot?

Ayon sa mga matatanda, ang bangungot ay dahil sa pagtulog kaagad matapos kumain ng marami, o pag-inom ng maraming alak o beer. Sa modernong medisina, ang bangungot ay iniuugnay sa ilang mga kondisyon gaya ng “acute pancreatitis”, o mga sakit sa puso gaya ng “Brugada syndrome” – isang sakit sa puso na napag-alamang karaniwang nangyayari lamang sa mga kalalakihang mula sa Asya. Sa ngayon, “Brugada syndrome” ay tinatanggap na ekplanasyon sa bangungot ngunit dahil ito’y hindi parin tiyak, ang bangungot ay tinatawag na “Sudden Unexpected Death Syndrome” (SUDS).

Sa kabila ng iba’t ibang mga paliwanag, pinakamalapit sa siguro sa katotohanan ang wika ng Prop. Tan, na ang bangungot ay sanhi ng hindi lamang iisang kondisyon; ito’y maaaring kombinasyon ng iba’t ibang kondisyon.

May gamot ba sa bangungot?

Image Source: ptscoaching.com

Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang tao ay binabangungot, dapat siyang gisingin kaagad para makawala sa bangungot. Dapat rin daw niyang subukang igalaw ang daliri o anumang bahagi ng kanyang katawan para makatakas sa bangungot.

Sapagkat ang “bangungot” ay inuumpisahan pa lamang aralin, wala pang mga patakaran na nirerekomenda tungkol dito ngunit kahit walang pormal na patakaran, ang “Bangungot” ay maaaring iturning na isang “medical emergency” at dapat humingi kaagad ng tulong,  o dalhin kaagad ang taong binabangungot sa ospital. Kung ang bangungot ay tunay nga na “Brugada syndrome”, kailang makita ang tibok ng puso sa ECG at gamutin kung kinakailangan.

Paano maiiwasan ang bangungot?

Ayon sa mga matatanda, makakaiwas daw sa bangungot ay hindi pagkain ng maraming pagkain o pag-inom ng maraming alak bago matulog.

Bagamat wala pang patakaran na nagsasabi kung ano ang paraan para makaiwas sa bangungot, ito ay isang suhestyon: Kung ikaw ang binabangungot, magpatingin sa doktor para masiguradong wala kang ibang sakit na maaaring magkomplika sa bangungot.. Siguraduhin ring madaling matutugunan ng doktor o ospital ang emergency kung sakaling ikaw ay bangungutin.