Benepisyong Pangkalusugan ng PhilHealth

Ang PhilHealth, o Philippine Health Insurance Corporation, ay ang ahenysa na ka-partner ng pamahalaan sa pagbibigay ng murang seguro at mga benepisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino. Ito ay alinsunod sa Republic Act 9241  o National Health Insurance Act. Kaugnay nito, inaasahang magbayad ang bawat miyembro ng nakatakdang halaga (premium) kada buwan bago matamasa ang alinman sa mga benepisyong pangkalusugan. Nakasaad din na dapat ay may 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital para makuha ang benepisyo ng PhilHealth. Makikita sa artikulong PhilHealth Contribution 2015 ang listahan ng nakatakdang buwanang kontribusyon ng bawat miyembro.

Image Source: www.gmanetwork.com

Nahahati sa apat na kategorya ang mga benepisyong maaaring tanggapin ng bawat miyembro ng PhilHealth. Ito ay ang sumusunod:

  1. Inpatient o mga pasyenteng naka-confine sa ospital.
  2. Outpatient o mga pasyenteng hindi naka-confine sa ospital.
  3. Z Benefits o mga sakit na malubha at nagkakahalaga na napakamahal.
  4. MDG Related o mga sakit na itinakdang labanan ng Millennium Development Goals.

Inpatient Benefits

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin sa ospital gaya ng hospital charges at professional fee ng doktor.
  • Sagot din ng PhilHealth ang mga nakatakdang presyo para sa mga kondisyon at pamamaraang medikal (All Case Rates).
  • Ibabawas ng ospital ang lahat ng gastusing sagot ng PhilHealth sa Total Bill ng pasyente.
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.

Outpatient Benefits

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin sa ospital gaya ng hospital charges at professional fee ng doktor.
  • Sagot din ng PhilHealth ang mga nakatakdang presyo para sa mga kondisyon at pamamaraang medikal (All Case Rates).
  • Ibabawas ng ospital ang lahat ng gastusing sagot ng PhilHealth sa Total Bill ng pasyente.
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.

Z Benefits

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin ng mga pasyenteng dumaranas ng malulubhang sakit na nangangailangan ng matinding gastusan.
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.
  • Ang mga sakit na kabilang sa Z Benefits ng PhilHealth, pati na ang itinakdang presyo na sagot ng benepisyong ito ay ang sumusunod:
    • Acute Lymphocytic / Lymphoblastic Leukemia (standard risk) – P210,000
    • Breast Cancer (stage 0 to IIIA) – P100,000
    • Prostate Cancer (low to intermediate risk) – P100,000
    • End-state renal disease eligible for requiring kidney transplantation (low risk) – P600,000
    • Coronary Artery Bypass Graft Surgery (standard risk) – P550,000
    • Surgery for Tetralogy of Fallot in Children – P320,000
    • Surgery for Ventricular Septal Defect in Children – P250,000
    • Cervical Cancer: Chemoradiation with Cobalt and Brachytherapy (low dose) or Primary surgery for Stage IA1, IA2 – IIA1 – P120,000
    • Cervical Cancer: Chemoradiation with Linear Accelerator and Brachytherapy (high dose) – P175,000
    • Z MORPH (Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help) – first right and/or left below the knee – P15,000; both limbs – P30,000
    • Implants for Hip Arthroplasty: Implants Hip Prosthesis, cemented – P103,400
    • Implants for Hip Arthroplasty: Total Hip Prosthesis, cementless – P169,400
    • Implants for Hip Arthroplasty: Partial Hip Prosthesis, bipolar – P73,180
    • Implants for Hip Fixation: Multiple screw fixation – P61,500
    • Implants for Pertrochanteric Fracture: Compression Hip Screw Set (CHS) – P69,000
    • Implants for Pertrochanteric Fracture: Proximal Femoral Locked Plate (PFLP) – P71,000
    • Implants for Femoral Shaft Fracture: Intramedullary Nail with Interlocking Screws – P48,740
    • Implants for Femoral Shaft Fracture: Locked Compression Plate (LCP) – P50,740
    • End-Stage Renal Disease Requiring Peritoneal Dialysis – P270,000 per year

MDG Related

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin ng mga pasyenteng dumaranas ng mga sakit na kabilang sa mga itinakdang labanan ng Millennium Development Goals (MDG).
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.
  • Ang mga sakit na kabilang sa mga nilalabanan ng MDG, pati na ang itinakdang presyo na sagot ng benepisyo ng PhilHealth ay ang sumusunod:
    • Outpatient Malaria – P600.00
    • Outpatient HIV-AIDS – P30,000.00 per year (P7,500/quarter)
    • Outpatient Anti-Tuberculosis Treatment through Directly-Observed Treatment Short-course (DOTS) – P4,000 (P2,500 – Intensive phase; P1,500 – Maintenance Phase)
    • Voluntary Surgical Contraception Procedures – P4,000
    • Animal Bite Treatment – P3,000