Delikado ba sa buntis ang Hepatitis B?

 

Q: Delikado ba sa buntis ang Hepatitis B?

A: Habang ikaw ay buntis, hindi naman magdudulot ng problema ang Hepatitis B sa iyo, ngunit higit na maganda kung ikaw ay nakikipag-ugnayan sa iyong OB-GYN tungkol dito.

Kung kompirmado na mayroon kang Hepatitis B, pagkapanganak na pagkapanganak (hindi lalampas ng 12 hours), siguraduhing maka-tanggap ay bagong-silang na sanggol ng (1) bakuna laban sa Hepatitis B at ng (2) Hepatitis B Immune Globulin (HBIG). Ito’y napaka-halaga.

Bukod dito, siguraduhin rin na maka-tanggap ang baby ng ikalwa at ikatlong bakuna laban sa Hepatitis B sa unang buwan at pang-anim na buwan niya.

Kung hindi, may posibilidad na magkaron ng “chronic Hepatitis B” ang baby – o Hepatitis B na hindi naaalis.

Isa pa, tandaan na OKAY LANG na magpasuso sa iyong baby kahit na may Hepatitis B ka.