Dighay ng dighay at namamaga ang lalamunan

Q: Doc, ano ang mabisang gamot para sa hirap, makati, dighay ng dighay at kinakabag at namamaga ang lalamunan?

A: Ang mga sintomas na iyong nabanggit ay maaaring tumukoy sa reflux esophagitis o gastroesophageal refluex disease (GERD), o pamamaga ng lalamunan dahil sa pag-balik ng pagkain mula sa tiyan papunta sa lalamunan. Dahil ang tiyan natin ay maraming asido (acid), ang pag-akyat nito sa lalamunan ay nakaka-irita dito. Ito ang sanhi ng pangangati at pamamaga.

Kinakailangang ipatingin mo ito sa doktor upang maresetahan ka ng gamot para sa GERD o anumang karamdaman na matukoy ng doktor base sa iyong mga sintomas.

Narito rin ang mga payo na ibinibigay sa mga taong may GERD:

  • Huwag kumain ng maramihan. Dapat, pa-unti-unti, kahit mas madalas.
  • IWasan ang kape, tsokolate, at alak
  • Huwag kaagad humiga o matulog bago kumain
  • Mag exercise at magbawas sa pagkain upang lumiit ang tiyan
  • Huwag magsuot ng mahihigpit na damit
  • Iwasan ang maaanghang o sobrang asim na pagkain