Epektibo ba ang ihi bilang pangontra sa lason ng dikya o jellyfish?

Isa sa mga pinaka ayaw nating maranasan kapag tayo’y papasyal sa mga beach ay ang madikitan ng dikya o jellyfish. Sinasabing maaaring makapagdulot ng napakatinding hapdi o sakit ang lason na makukuha mula sa mga galamay ng dikya. Kaakibat nito ay ang luma ngunit napakapopular na paniniwala na dapat ay ihian ang bahagi ng balat na nadikitan ng galamay upang mawala raw ang sakit. Ang tanong ngayon, may katotohanan ba ang paniniwalang ito?

jellyfish
dikya o jellyfish

Unang una, dapat nating malaman na ang lason na dulot ng mga galamay ng dikya ay isang alkaline. Upang maalis ang epekto ng lasong alkaline, dapat itong malagyan ng acidic na substansya, gaya ng suka. Ang ihi na kadalasang nilalagay ayon sa popular na paniniwala ay hindi acidic kung kaya’t masasabi nating walang epekto ang paglalagay nito sa lason ng dikya. Ang pinakamainam na gawin ay malagyan ito ng suka sapagkat mababawasan nito ang epekto (neutralize) ng lasong alkaline. Kung walang makuhang suka, makakatulong din na buhusan ito ng tuloy-tuloy ng tubig-dagat upang maalis ang mga cells na nagbubuga ng lason (nematocytes) na nakuha mula sa galamay ng dikya. Huwag na huwag itong huhugasan ng tubig na iniinom o kahit naanong tubig tabang sapagkat palalalain lamang nito ang sakit na nararanasan.

Kung ang tusok ng dikya ay patuloy na nananakit o kaya’y nagdulot ng allergic reaction, makabubuting dalhin agad sa pagamutan ang pasyente.