Ayon sa paniniwala at payo na rin ng maraming eksperto, ang isang tao na nasa hustong edad ay nangangailangan ng hindi bababa sa walong oras na tulog sa bawat gabi. Ito ay upang makapagpahinga nang sapat ang bawat bahagi ng katawan at makapag-ipon muli ng lakas at mapalitan ang mga nasirang cells dito. Ngunit sapat na nga ba ang walong oras ng tulog upang masabi na nakakumpleto na ng tulog?
Kaiba sa paniniwalang walong oras ang sapat na tagal ng tulog, ang tunay na haba ng oras ng tulog na pupuno sa pangangailangan ng bawat tao ay naiiba-iba at nakadepende sa klase at istilo ng kanyang pamumuhay. Ito ay ayon sa ayon sa pag-aaral ni Dr. Peter Hauri na sinaad niya sa kanyang libro “No More Sleepless Night“. Dagdag pa niya, walang makapagsasabi na ang walong oras na tulog ay sapat na, sapagkat para sa ibang tao maaaring lumampas pa sa walong oras o umabot pa sa 9, 10, o 11 oras ang kumpletong tulog.
Basahin ang mabubuting epekto ng pagtulog: 5 Kahalagahan ng pagtulog.