Kogon

Kaalaman tungkol sa Kogon bilang halamang gamot

Scientific name: Imperata cylindrica (L.) Beauv.; Imperata arundinacea Cirillo; Imperata koenigii (Retzius) P. Beauv.

Common name: Kogon (Tagalog); Cogongrass (Ingles)

Ang kogon ay isang pangkaraniwang damo na madalas makitang tumutubo sa mga bakanteng lote, gilid ng kalsada at mga malawak na kapatagan. Maaari itong tumubo sa taas na 30 hanggang 80 sentimetro. May pahaba at patulis na mga dahon, at bulaklak na maputi at tila mga balahibo. Madali itong tumubo sa kahit na anong uri ng lupa at tinuturing na pesteng halaman sa maraming lugar.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Kogon?

Ang iba’t ibang bahagi ng kogon ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang ugat ay makukuhanan ng lignan glycoside, at impecyloside.
  • Taglay din ng ugat ang arundoin, cylindrin, fernenol, cylindol, cylindrene, grminones at imperanene

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

  • Ugat. Ang ugat ng kogon ang siyang madalas gamitin sa panggagamot sa ilang uri ng sakit. Kadalasan itong nilalaga at pinapainom.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Kogon?

  1. Dysenteria. Ang pinaglagaan ng ugat ng kogon ay mabisang panlunas para sa pagtatae na may kasamang dugo dulot ng dysenteria.
  2. Hirap sa pag-ihi. Mabisang gamot din para sa pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng kogon.
  3. Urinary Tract Infection o UTI. Ang sariwang ugat ng kogon ay mabisang panlunas din sa impeksyon sa daluyan ng ihi.
  4. Diabetes. Ang regular na pag-inom din sa pinaglagaan ng ugat ng kogon ay nakatutulong na iregulisa ang sakit na diabetes.
  5. Bulate sa tiyan. Mahusay din na pampurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng kogon.
  6. Sugat. Dapat na ipanghugas sa sugat ang pinaglagaan ng ugat upang matulungan ang mabilis na paghilom.
  7. Pamamanas. Ang pamamanas sa ilang bahagi ng katawan ay matutulungan din kung regular na iinom ng pinaglagaan ng ugat ng kogon.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.