Lagtang

Kaalaman tungkol sa Lagtang bilang halamang gamot

Scientific name: Anamirta cocculus (Linn.) W. and A.; Anamirta paniculata Colebr.

Common name: Lagtang (Tagalog); Fish berry (Ingles)

Ang lagtang ay isang uri ng halaman na gumagapang na may matigas o mala-kahoy na mga sanga. Ang mga dahon ay hugis puso at malapad. May bulaklak din ito na kulay dilaw, maliliit ngunit mahalimuyak. Karaniwan itong tumutubo sa mabababang kagubatan sa Pilipinas partikular sa Hilagang Luzon at Mindanao.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Lagtang?

Ang iba’t ibang bahagi ng Lagtang ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Makukuha sa halaman ang ilang kemikal gaya ng alkaloids, steroids, fixed oils, proteins, at carbohydrates
  • Ang mga ugat at tangkay ay mayroong berberine, palmatine, magnoflorine, at columbamine.
  • Ang bunga ay mayroon ding picrotoxinin, picrotin at cocculin

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Buto. Ang mga buto ng halamang lagtang ang pangunahing ginagamit sa panggagamit.
  • Bunga. Karaniwan naman kinakatasan ang bunga ng lagtang para makagamot.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Lagtang?

  1. Kuto at lisa. Ang dinikdik na buto ay maaaring ihal sa tubig at ipanghugas sa ulo na apektado ng kuto at lisa.
  2. Galis. Ang katas ng bunga ay dapat namang ipahid sa balat na apektado ng paggagalis.
  3. Bronchitis. Sinasabing mabisa rin para sa bronchitis ang pagnguya sa bunga ng halaman.
  4. Pagkahilo. Pinapanguya din ng bunga ng lagtang ang mga taong dumaranas ng pagkahilo.
  5. Sugat. Ang katas ng halaman ay maaari naman ipampahid sa sugat upang mabilis na gumaling.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.