Pakwan

Kaalaman tungkol sa Pakwan bilang halamang gamot

Scientific name: Curcubita citrullus Linn.; Citrullus edulis Spach; Citrullus vulgaris Schrad.

Common name: Pakwan (Tagalog), Watermelon (Ingles)

Ang pakwan ay kilalang prutas sa Pilipinas na paborito ng marami. Ang halaman ay gumagapang, may malapad na dahon at may madilaw na mga bulaklak. Nag malaki at bilugang bunga ay kulay berde sa labas, habang ang makatas na laman ay kulay pula. Puno rin ang loob ng bunga ng maliliit na buto na karaniwang kulay itim. Madaling tumubo ang halamang ito  sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Pakwan?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pakwan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang katas ng bunga ng pakwan ay makukuhanan ng carbohydrates, proteins, amino acids, steroids, glycosides, flavonoids, tannins at polyphenols.
  • Ang balat ng bunga ay may taglay na langis, arachidic acid, at kaunting copper
  • Ang mga buto ay may taglay din na langis na mayroong linoleic acid, oleic acid, palmitic at stearic acids. May taglay din na cucurbocitrin at urease ang mga buto.
  • Ang halaman ng pakwan ay makukuhanan nanam ng pentadecanoic acid, monopentadecanoin, 2, 3-dihydroxypropyl nonadecoate, lignoceric acid-2, 3-dihydroxy-propanenyl ester, lancerebroside 5, salicylic acid, 4-hydroxybenzoic acid, hydroquinone, succinic acid at vanillic acid

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

  • Bunga. Ang bunga ng pakwan ay karaniwang kinakain o kinakatasan upang mainom ang sabaw.
  • Balat ngbunga. Maaari ding gamitin sa ilang mga kondisyon sa katawan ang balat ng bunga ng pakwan sa pamamagitan ng pagpapatuyo dito at ihahalo sa inumi.

Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring matulungan ng Pakwan?

  1. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong sa kondisyon ng problema sa pag-ihi ang madalas na pagkain o pag-inom sa katas ng bunga ng pakwan.
  2. Uhaw. Ang matinding uhaw ay maaaring matulungan ng pagkain sa bunga ng pakwan.
  3. Pagtatae. Ang pinatuyong balat ng bunga ng pakwan ay makatutulong sa kondisyon ng pagtatae. Ito ay karaniwang pinatutuyo, dinudurog at hinahalo sa inumin.
  4. Diabetes. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagkain sa bunga ng pakwan ay epektibong pangkontrol sa asukal sa dugo lalo na kung mayroong diabetes.
  5. Sobrang timbang. Epektibong paraan din sa pagkokontrol ng tamang timbang ang pagkain ng sa bunga ng pakwan sapagkat madali itong makabusog.
  6. Free radicals. Kaya ding malabanan ng antioxidants na taglay ng bunga ng pakwan ang mga free radicals na nakakapagpabilis ng pagtanda ng katawan ng tao.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.