Kaalaman tungkol sa Patatas bilang halamang gamot
Scientific name: Solanum tuberosum Linn.; Solanum sinense Blanco; Solanum esculentum Neck
Common name: Patatas (Tagalog); Potato (Ingles)
Ang patatas ay isang karaniwang halaman na tinatanim sa mga taniman sa maraming lugar dahil sa bungang-ugat nito na maaaring kainin. Itinatanim ito sa matataas na lugar, partikular sa kabundukan ng Cordillera at Mindanao. Ang halaman ay maliit lamang at may bulaklak na maaaring kulay puti o lila.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Patatas?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang patatas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Ang halaman ay may solanine na isang gluco-alkaloid
- Ang bungang ugat ay makukunan ng fiber, vitamins B at C, potassium, iron at kaunting calcium
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
- Dahon. Maaaring gamitin sa panggagamot ang dahon ng patatas sa pamamagitan ng pagdikdik at pagkuha ng katas nito. Maaari din itong ilaga at ipainom na parang ugat.
- Bungang-ugat. Ang bungang-ugat ng patatas ay maaaring ilaga at kainin, durugin at ipantapal sa katawan.
Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng Patatas?
1. Hirap sa pagdumi. Mabisang lunas para sa kondisyon ng hirap sa pagdumi ang pagkain mismo sa bungang-ugat ng patatas.
2. Nagpapasusong ina. Nakatutulog para sa produksyon ng gatas sa nagpapasusong ina ang pagkain din ng patatas.
3. Gout. Ang malalang kaso ng rayuma ay maaaring matulungan ng pagkain ng patatas.
4. Altapresyon. Ang pagtaas ng presyon ng dugo ay maaaring maisaayos ng pag-inom sa tsaa na nagmula sa balat ng patatas.
5. Hyperacidity. Ang pagkain din sa mismong bungang-ugat ng patatas ay makatutulong para pababain produksyon ng asido sa sikmura at mapigilan ang kondisyon ng hyperacidity.
6. Ubo. Ang ubo na mahirap gumaling ay maaaring inuman ng pinaglagaan ng dahon ng patatas.
7. Paso. Ang mga paso sa balat ay maaari namang tapalan ng dinikdik na patatas upang maibsan ang pakiramdam.
8. Pangangati. Ang ginadgad na patatas ay makatutulong naman na pahupain ang pangangating nararanasan sa balat.9.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.