Kaalaman tungkol sa Repolyo bilang halamang gamot
Scientific name: Brassica oleracea Linn. var. Capitata
Common name: Repolyo (Tagalog); Cabbage (Ingles)
Ang repolyo ay isa sa mga pinakakaraniwang gulay na kinakain ng mga Pilipino. Ang bahaging ginugulay ay bilugan na gitna ng halaman. Karaniwan itong tanim sa malalawak na taniman sa matataas na lugar sa Pilipinas gaya ng Benguet.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Repolyo?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang repolyo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Ang halaman ay may taglay na sulfur
- Taglay din ng halaman ang alkaloids, amino acids, carbohydrates, flavonoids, glycosides, phenols, proteins, saponins, steroids, tannins, at terpenoids
- Maaaring makuhanan din ng Vitamin A, B, at C ang nakakaing bahagi ng repolyo
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
- Dahon. Karaniwang ginagamit sa panggagamot ang dahon ng repolyo.
Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Repolyo?
1. Malalang ubo. Ang ubo na mahirap gumaling ay maaaring malunasan sa tulong ng pag-inom sa katas ng repolyo.
2. Kulugo. Ginagamit naman na pampahid sa bahagi ng balat na may kulugo ang katas din ng repolyo.
3. Hika. Nakakapagpahupa ng mga sintomas ng hika ang pag-inom sa katas ng repolyo.
4. Paltos. Ang paggaling ng mga pagpapaltos sa balat ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng repolyo.
5. Ulcer sa sikmura. Ang ulser sa sikmura ay maaari namang magamot sa tulong ng pag-inom sa katas ng repolyo.
6. Pamamaga sa katawan. Ang dinikdik na dahon ng repolyo ay ginagamit na pantapal sa bahagi ng katawan na may pamamaga.
7. Bronchitis. Tinutulungan din ng pag-inom ng katas ng repolyo na mapahupa ang pamamaga sa daluyan ng paghinga dulot ng sakit na bronchitis
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.