Singkamas

Kaalaman tungkol sa Singkamas bilang halamang gamot

Scientific name: Pachyrhizus erosus L. Urban; Pachyrhizus angulatus Rich.; Pachyrhizus jicamas Blanco

Common name: Singkamas (Tagalog); Potato Bean, Jimaca (Ingles)

Ang singkamas ay isang uri ng bungang-ugat na karaniwang nakikita sa mga pamilihan sa Pilipinas. Ang halaman nito ay gumagapang, at may bunga na kahalintulad ng bataw (legumes). Ang mga bulaklak naman ay maaaring kulay asul o puti, habang ang mga dahon ay maliit lang ngunit palapad. Ang bungang-ugat na karaniwang kinokonsumo ay bilugan at may makatas at maputing laman. Karaniwan itong tumutubo sa mabababang lugar at mga paanan ng bundok at orihinal na nagmula sa Timog-Amerika.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Singkamas?

Ang iba’t ibang bahagi ng singkamas ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang bungang ugat ay mayaman sa carbohydrates. Mayroon din itong mga mineral na calcium at iron.
  • Ang mga buto ay may talgay din na calcium at iron.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Ugat. Ang bungang ugat ng halaman ay karaniwang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong kainin lamang nang hindi niluluto.
  • Tangkay. Ang malalambot na tangkay ng halaman ay maaari namang dikdikin ay ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Singkamas?

  1. Hirap sa pag-ihi. Ang pinaglagaan ng bungang ugat ng singkamas ay mahusay na panlunas sa hirap sa pag-ihi.
  2. Pananakit ng kalamnan. Ang dinikdik na tangkay ng singkamas ay maaari namang ipantapal sa nananakit kalamnan sa katawan.
  3. Hirap sa pagdumi. Ang mga pagkain sa buto at mismong bungang ugat ng singkamas ay makatutulong sa kondsiyon ng pagtitibi o hirap sa pagdumi.
  4. Osteoporosis. Ang pagkain nang regular sa bungang ugat ng singkamas na mayaman sa calcium ay makatutulong sa kondisyon ng osteoporosis sa mga matatanda.
  5. Bungang araw. Ang starch o gawgaw na maaaring makuha sa katas ng ugat ng singkamas ay mabisang ipanlagay sa balat na apektado ng bungang araw.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.