Kaalaman tungkol sa Tubo bilang halamang gamot
Scientific name: Saccharum violaceum F.-Vill.; Saccharum officinarum Linn.; Saccharum officinale Salisb.
Common name: Tubo (Tagalog); Sugarcane (Ingles)
Ang tubo ay isang kilala at laganap na pananim dahil ito ang pinoproseso at pinagkukunan ng ginagamit na asukal at molasses. Ito ay mataas na damo na may katawan na tila kawayan. Ang mga dahon ay mahaba at patalim. Laganap itong pananim sa maraming lugar sa mundo, pati na sa Pilipinas.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tubo?
Ang iba’t ibang bahagi ng tubo ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Sucrose ang pangunahing substansya na makukuha sa halamang tubo. Ito ang pinoproseso upang maging asukal.
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:
- Ugat. Ang ugat ng tubo ay maaaring ilaga at inumin upang makapanggamot.
- Katas. Matamis na katas mula sa tubo ay maaari din magamit sa ilang panggagamot.
Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Tubo?
- Lagnat. Sinasabing mabisa para sa lagnat ang pag-inom sa matamis na katas ng tubog.
- Dry cough. Ang maingay na ubo o dry cough ay maaaring malunasan din ang pag-inom sa katas ng tubo.
- Hirap sa pagdumi. Makatutulong sa pagdudumi ang pag-inom sa matamis na molasses na produkto mula sa tubo.
- Sugat. Maaaring ipantapal sa bukas na sugat ang sapal ng pinagkatasan ng tubo. Makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling ng sugat.
- Pigsa. Ang paglalagay ng asukal sa pigsa ay pinaniniwalaang makatutulong para sa mabilis na paggaling.
- Altapresyon. Sa ibang lugar, ang pinaglagaan ng dahon ng tubo ay makatutulong daw sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.