Q: Doc tanung ko lang po kasi yung bunso ko mag 2 yrs old na ngaung october pero ang alam lang nyang salita ay mama. may diperensya po ba ang bata pagganun. salamat po.
A: Kadalasan, kung 9ang baby ay nasa 13-18 buwan na (1 taon at 1-6 na buwan) ay ito’y makakapagsalita na ng ilang salita at bago mag dalawang taon ay marami-rami na siyang alam na salita. Subalit. iba’t iba ang paglaki ng mga baby at yung iba minsan sadyang nahuhuli. Para tiyak na walang problema, maganda kung magpatingin na kayo sa isang pediatrician o doktor para sa mga bata. Narito ang mga tanong na maaaring itanong sa inyo ng doktor:
1. Ang baby ba ay tumitingin kapag tinatawag?
2. Nakakausap ba sya at sumusunod sa mga simpleng direksyon gaya ng “oo”, “hindi” o “smile”?
3. Bukod sa hindi siya nakakapagsalita, may iba pa bang problema?