Q: 2months ko ng tinigil ang sigarilyo ng biglaan,, ngayon lalong tumindi ang insomia ko may kaugnayan po ba yun?
A: Maaaring may kaugnayan, sapagkat ang insomnia, o hindi makatulog, ay isa sa mga karaniwang nararanasan ng mga taong tumigil manigarilyo. Subalit, ang good news ay ang sintomas na ito ay mawawala rin ng kusa. Bilang isang doktor, ako ay sumusuporta sa iyong desisyon na tigilan ang pagyoyosi at sana ito ay ituloy mo.
Heto ang ilan as mga pwede mong gawin upang mas makatulog:
- Huwag uminom ng alak, sapagkat ito’y nakaka-apekto sa pagtulog.
- Iwasan ang pag-inom ng kape, matatapang na tsaa, at mga energy drink gaya ng Red Bull o Cobra lalo na kapag gabi na.
- Mag-exercise. Kung ikaw ay nagtatrabaho, ang pag-jogging o isang workout pagkatapos ng trabaho, bago kumain ng hapunan, ay isang mabisang paraan upang mas makatulong ng mahimbing.
Muli, tingin ko ay bigyan mo lamang ng ilang linggo pa, at kusa nang mawawala ang iyong pagiging hirap matulog.