Q: anu po ba gagawin ako, hirap n hirap n ako sa skit kong TB, kailangan ko pang magbigay ng sample ng plema para kita kung positive ako, tapos isang linggo pa ako mag-aantay para makakuha ng libre gamot eh. Hindi ko na matitiis yun.
A: Nakaka-iyamot man, ang gamutan sa TB ay sadyang matagal – pinakamababa na ang anim na buwan. I’m sorry pero wala akong maihandog sa iyo na solusyon, kundi ang hikayatin kang pag-tiyagaan na lamang ito.
Isipin mo na lang, kapag nakumpleto mo yang gamutan, malaya ka na sa TB, subalit kung hindi na-kompleto ang gamutan, may posibilidad na lumakas lang lalo ang mga mikrobyo sa iyong baga at maging MDR-TB, isang uri ng TB na hindi tinatablan ng karaniwang gamot; ang mga gamot para sa sakit na ito ay mahal, at nabibili lamang sa piling mga ospital sa Pilipinas.
Hindi ka nag-iisa sa suliraning ito. Ang TB ay (nakakalungkot man) isa parin sa pinaka-karaniwang sanhi ng pagkakasakit sa Pilipinas, bagamat ito’y halos nabura na sa maraming mga bansa. Muli, ang tanging paraan ay ang tiyagaang pag-inom ng gamot hanggang matapos ang anim na buwan. Sana ang aking sagot ay makatulong sa’yo.