Ang urinary incontinence o hirap sa pagpipigil ng ihi ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan ang abilidad ng pantog na kontrolin ang paglabas ng ihi ay pumapalya. Dahil dito, bigla-bigla na lang tumutulo ang ihi at maaaring maging sanhi ng kahihiyan para sa taong nakakaranas nito.
Ano ang mga sanhi ng urinary incontinence?
Tandaan na ang pagkakaranas ng hirap sa pagpigil ng ihi ay hindi isang sakit, bagkus ay sintomas ng isang mas malalang kondisyon. Ang sumusuod ay ilan lamang sa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa abilidad ng pantog na kontrolin ang pag-agos ng ihi.
- Mga inumin at pagkain na nakakapagparami ng laman ng pantog:
- alak
- inuming may caffein (kape at energy drinks)
- tsaa
- soda
- mga gamot sa altapresyon
- vitamin supplement
- Mga karamdaman na nakakaapekto sa daluyan ng ihi:
Ang kondisyong urinary incontinence ay maaari ding magtagal kung dumaranas ng sumusunod na kondisyon:
- Pagbubuntis
- Panganganak
- Katandaan
- Paglaki ng prostata
- Kanser sa prostata
- obstraksyon o tumor
- Sakit na nakakaapekto sa sistemang neurologikal.
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng ganitong kondisyon?
Ang posibilidad ng pagkakaranas ng urinary incontinence ay naiiba-iba depende sa mga kondisyon na nararanasan ng isang indibidwal. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Pagiging babae. Higit na mas mataas ang posibilidad ng pagkakaranas ng incontinence sa mga kababaihan dahil sa mga kondisyon na tanging sila lang ang nakakaranas gaya na lang ng pagbubuntis, panganganak, at menopause. Ngunit alalahanin na hindi ligtas ang mga kalalakihan sa pagkakaroon nito.
- Katandaan. Sa pagtanda ng isang indibidwal, ang mga kalamnan na tumutulong sa pagkontrol ng ihi ay naaapektohan din. Ito ay humahantong sa incontinence.
- Sobrang timbang. Ang katabaan ng katawan partikular sa bahaging nakapaligid sa pantog ay nakadaragdag ng pressure sa pantog kung kayat madaling lumabas ang ihi.
Ano ang mga komplikasyon na maaaring maranasan sa pagkakaroon ng urinary incontinence?
Maaaring makaranas ng mas nakakabahalang komplikasyon ang pagkakaranas ng hirap sa pagpigil.
- Iritasyon sa balat. Dahil sa hindi makontrol na paglabas ng ihi, maaaring mababad sa ihi ang balat sa ibabang bahagi ng katawan. Ito ay hahantong sa iritasyon sa balat na may sintomas na rashes, pamumula at pamamantal.
- Urinary Tract Infection. Dahil hindi naman madalas nahuhugasan ang madalas at walang kontrol na paglabas ng ihi, maaari ding pag-ugatan ng impeksyon sa daluyan ng ihi ang ganitong kondisyon.
- Kumpyansa sa sarili. Ang biglaang pag-ihi lalo na sa pampublikong lugar ay kadalasang pinagmumulan ng kahihiyan at pagkawala ng kumpyansa sa sarili.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Nararapat lamang na magpatingin na sa doktor kung sa tingin niyo ay:
- Dumaranas na ng komplikasyon mula sa kondisyon ito.
- Nahihirapan nang makakilos at makisalamuha sa lipnang ginagawalawa.
- Naaapektohan na ang pagiging produktibo sa trabaho, pamilya at iba pang aspeto ng buhay.