Q: kahit ba 4 mos plng nkpanganak may possibility b n magbuntis ulit? Kailan ulit pwedeng mabuntis pagpapanganak?
A: Dalawa ang posibleng sagot sa iyong tanong. Kung hindi ka nagpapasuso sa baby, maaaring bumalik na iyong regla sa loob ng 5-6 na linggo; ibig-sabihin nito ay pagkatapos lamang ng 1-2 na buwan pagka-panganak ay maaari ka nang mabuntis ulit.
Kung naman ikaw ay nagpapasuso sa baby (exclusive breastfeeding o pagpapasuso lamang ang tanging pinagmumulan ng nutrisyon ng sanggol), hindi na nireregla, malaki (98-99%) ang posibilidad na ikaw ay hindi mabubuntis sa loob ng anim na buwan pagkatapos manganak; para kang naka-pills. Hangga’t ang pagpapasuso ay regular, at tuloy-tuloy (Kada 4 na oras kapag araw at kada 6 na oras kapag gabi), ang pagkawala ng regla (at pagkawala ng abilidad na mabuntis) ay pwedeng magpatuloy ng isang taon pagkapanganak, o higit pa dito.
Ngunit kung wala kang planong mabuntis kaagad pagkapanganak, dapat mag-umpisa kaagad ng family planning — makalipas ang dalawang buwan kung hindi nagpapasuso, o kapag tinigil na ang pagpapasuso kung ito ay regular at eksklusibong ginagawa.