Q: Magandang hapon sa iyo doc.. meron po kasi akong napasin sa aking pang amoy, meron pong hindi maganda, mabaho, malangsa at hindi maintindihan. Nanggagaling po sa ilong ko pero nandun p rin siya. minsan nawawala pero bumabalik din pagkaraan ng ilang oras
A: Kung tama ang aking pagkakaintindi sa iyong tanong, ang iyong nabanggit sa akin ay isang hindi-pangkaraniwang sintomas na kung tawagin ay “phantosmia”, isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaamoy ng iba’t uri ng mga amoy na wala namang pinanggagalingan.
May ilang mga posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari. Una, maaaring ito’y resulta ng isang impeksyon. Pangalwa, maaari ring ito’y isang uri di-karaniwang aktibidades sa utak na parang “seizures”. Pwede ring ito’y dahil sa ‘migraine‘ na isang uri ng sakit sa ulo.
Sa dami ng posibilidad, mas maganda kung ipatingin mo ang iyong sintomas sa isang neurologist o kahit sinong doktor upang masuri ng mabuti. Mahalagang maikwento mo kung mayroon pang ibang mga sintomas na nararamdaman. Bagamat may mga sanhi nito na baliwala lamang, may mga sanhi rin na seryoso, kaya’t ito’y ipatingin sa lalong mabilis na panahon.