Kampanya Kontra Paputok, Inilunsad ng DOH

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang “Kampanya Kontra Paputok”, isang kampanya na naglalayong makaiwas sa mga sakunang dulot ng pagpapatuok sa darating na pagdiriwang ng Bagong Taon sa Enero 1, 2011.

Ang kampanya ngayong taon ay naka-tutok sa mga bata: ang mga bata ay hindi dapat hayaang bumili, magbenta, o gumamit ng mga paputok o firecrackers at pasiklab o fireworks. Nakasulat sa poster ng DOH: “Ilayo sa Disgrasya Ang Mga Bata: Walang Batang Magpapaputok” at dagdag pa: “Bawal Bumili, Magbenta, at Gumamit ng Paputok at Pailaw Ang Kabataan”.

Magpunta sa “Listahan ng mga Bawal na Paputok”.

Ang poster ay may litrato ng kamay na naputukan at ito’y ikakalat ng Department of Health sa mga terminal ng tren (MRT at LRT), mga malls at iba pang pampublikong lugar. May mga posters ay magtataglay rin ng impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng paputok sa kalusugan at kaligtasan.

Bukod dito, ang Department of Health (DOH) ay makikipag-ugnayan rin sa mga lokal na pamahalaan upang magtalaga ng mga lugar para sa paputok o “firecracker zone”. Hinihikayat rin ang publiko na makilahok na lamang sa mga “fireworks show” o mga palabas tuwing Bagong Taon upang hindi na sila gumamit ng paputok.

“Magpunta sa “Maging Ligtas sa Paputok: Gabay sa Mga Firecrackers”.

Tinatayang halos 1000 na katao taon-taon ang nagtatamo ng sakuna dulot ng pagpapaputok, ayon sa mga datos ng Department of Health, at marami sa ito ay mga bata. Inaasahang ang kampanyang isinasagawa ngayon ay makakabawas (kung hindi man makakaiwas) sa mga sakuna.