Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Ang karamihan sa mga kaso ng acute bronchitis ay maaaring gumaling nang kusa sa loob lamang ng ilang linggo. Subalit, mayroong mga uri ng gamot na maaaring inumin upang malunasan ang ilan sa mga sintomas nito. Dagdag dito, ilan sa mga maaaring gawin upang makatulong sa paggaling mula sa acute bronchitis ay ang mga sumusunod:

  • Pagtigil sa paninigarilyo
  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pagpapahinga nang sapat

Tungkol naman sa paggamit ng mga antibiotic, may mga pag-aaral na nagpapatunay na maaaring hindi na uminom nito ang mga may acute bronchitis. Maaaring makatulong ito sa pagbawas ng pag-ubo, subalit maaari itong magdulot ng pagtatae o ng pagkahilo. Ang pag-inom nang antibiotic kahit hindi kailangan ay maaari ring maging dahilan ng pagiging resistant ng bacteria sa mga gamot.