Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Kapag nagkaroon ng Addison’s disease, ang pasyente ay sasailalim sa habambuhay na gamutan sapagkat ang mga adrenal gland ay may pinsala na. Ang mga karaniwang lunas na isinasagawa sa mga pasyenteng may Addison’s disease ay ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng mga corticosteroid Ang gamot na ito ay nakatutulong upang dumami ang cortisol at aldosterone sa katawan. Kalimitang iniinom ito 2-3 beses isang araw.
  • Pag-inom ng mga hydrocortisone. Bukod sa corticosteroid, maaari ring magreseta ang doktor ng hydrocortisone upang dumami ang cortisol hormone. Kung walang hydrocortisone, maaari ring magreseta ang doktor ng prednisolone o dexamethasone.
  • Pag-inom ng mga fludocortisone. Upang dumami naman ang aldosterone hormone sa katawan, maaaring magreseta ang doktor ng fludocortisone.
  • Pagbabago ng diyeta. Bukod sa mga gamot, maaari ring imungkahi ng doktor sa pasyente na kumain ng mga pagkaing maaalat. Ito ay dahil sa bumababa ang dami ng asin sa katawan kapag nagkaroon ng Addison’s disease. Kasabay ng pagbaba ng dami ng asin ay ang pagbagsak ng presyon ng dugo, kaya naman nangangailangan na dagdagan ang kinakaing maaalat na pagkain ng pasyente.

Upang hindi lumabas ang mga sintomas ng kondisyon na ito, kailangang sundin nang mahigpit ang tamang dosage at oras ng pag-inom ng gamot. Kung makaliligtaan ang pag-inom ng mga ito, ang pasyente ay maaaring makaranas ng matinding pagkapagod, hirap sa pagtulog, o kaya naman ay mahimatay at maaksidente sa daan.