Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Ang alipunga ay maaaring lunasan sa pamamagitan ng mga over-the-counter (OTC) na mga gamot na ipinapahid. Maaari rin itong gamutin sa pamamagitan ng mga mas matatapang na mga prescription na uri ng gamot. Mayroon din namang mga simpleng lunas na maaaring gawin sa tahanan.

Ang mga halimbawa ng mga OTC na gamot laban sa alipunga ay ang mga sumusunod:

  • Butenafine (Lotrimin Ultra)
  • Clotrimazole (Lotrimin AF)
  • Miconazole (Desenex)
  • Terbinafine (Lamisil AT)
  • Tolnaftate (Tinactin)

Ang ilan naman sa mga uri ng prescription na gamot ay ang mga sumusunod:

  • Ipinapahid na clotrimazole o kaya ay miconazole
  • Mga iniinom na uri ng antifungal na gamot, kagaya ng fluconazole (Diflucan), itraconazole (Sporanox), o kaya ay terbinafine (Lamisil)
  • Mga ipinapahid na steroid na uri ng mga gamot na nakatutulong upang mabawasan ang masakit na pamamaga
  • Mga iniinom na antibiotic upang labanan ang anumang uri ng impeksyong dulot ng bacteria dahil sa mga pagsusugat sa paa

May mga manggagamot din na ipinapayo ang pagbababad sa mga apektadong paa sa tubig na may asin o kaya ay sa suka upang matuyo ang mga paltos.

  • Maaari ring gamitin ang mga alternatibong lunas, kagaya ng tea tree oil na napatunayang mabisa laban sa alipunga. Subalit, ang paggamit nito ay dapat na batay sa payo at gabay ng manggagamot.