Gamot at Lunas  

Ang paglunas sa allergic rhinitis o hay fever ay nakabatay sa sanhi, tindi ng kondisyon, at kung gaano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kadalasan, ang mga lunas para sa kondisyong ito ay naglalayon na maibsan ang mga sintomas ng pasyente, gaya ng pagbahing, patuloy na pagtutulo ng sipon, pagbara ng ilong, at iba pa.

Kung ang kondisyon ay hindi naman gaanong malubha, maaari namang gamutin ito ng kahit nasa bahay lamang. Halimbawa ng mga home remedy o lunas na maaaring gawin sa bahay ay ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng antihistamine. Ang antihistamine ay isang uri ng gamot na mabibili sa mga botika, kahit walang reseta ng doktor. Halimbawa nito ay fexofenadine, diphenhydramine, desloratadine, loratadine, levocetirizine, cetirizine, at iba pa. Sa tulong ng gamot na ito, napipigilan ang pagdami ng histamine, isang uri ng kemikal sa katawan, na responsable sa pagkakaroon ng mga sintomas ng alerhiya, gaya ng pangangati, pagbahing, tuluy-tuloy na pagtulo ng sipon, at maluha-luhang mga mata. Iminumungkahi na huwag iinom ng gamot na ito kung magmamaneho ng sasakyan, sapagkat nagdudulot ito ng labis na pagka-antok.
  • Pag-inom ng decongestant. Nakatutulong din ang pag-inom ng decongestant kung naaapektuhan ng allergic rhinitis. Gaya ng antihistamine, nabibili rin ang decongestant kahit walang reseta ng doktor. Batay sa iyong nais, maaari kang bumili ng tableta o likido na uri nito. Ginagamit ito upang mabawasan ang labis na pagbabara ng ilong nang sa gayon ay makahinga ang pasyente nang maayos.
  • Paggamit ng cromolym sodium. Ang cromolym sodium ay isa ring uri ng gamot na ginagamit upang maibsan ang mga sintomas ng allergic rhinitis. Maaaring bumili ng nasal spray o eye-drop na uri nito kahit walang reseta ng doktor. Sa tulong ng gamot na ito, napipigilan nito ang katawan na gumawa ng mga
  • Pagsasagawa ng nasal irrigation. Upang mabawasan ang pagtutulo ng sipon at baradong ilong, regular na linisin ito sa pamamagitan ng nasal irrigation. Hindi naman komplikado ang pamamaraang ito. Kailangan lamang bumili ng saline solution sa botika. Kapag nakabili na nito, pumunta sa lababo at lagyan ng tubig ang palad. Dapat ay medyo nakakulob ang palad upang maipon at hindi gaanong umagos ang tubig. Ihalo ang kaunting dami ng saline solution sa tubig na nasa palad, pagkatapos ay singhutin ito sa isang butas ng ilong. At pagkatapos ay sa kabilang butas naman. Ulit-ulitin ito hanggang guminhawa ang pakiramdam. Kung minsan, ang sininghot na saline solution ay maaaring mapunta sa lalamunan. Hindi naman ito delikado kung malulunok, subalit mas makabubuting maidura ito kung kaya.
  • Paggamit ng dehumidifier o HEPA filter. Upang hindi lumubha ang mga sintomas ng allergic rhinitis, mas mainam na gumamit sa bahay ng dehumidifier o HEPA filter. Sa tulong ng dehumidifier, nananatiling tuyo ang hangin sa bahay, kaya naman naiiwasan ang pagtubo ng mga amag o pamamahay ng mga dust mite o surot. Ayon naman sa mga pag-aaral, ang HEPA (high-efficiency particulate air) filter ay natuklasang nakababawas sa mga sintomas ng allergic rhinitis. Ang HEPA filter kasi ay nakatutulong sa pagbitag ng mga allergen na nasa hangin.

Kung hindi bumibisa ang mga nabanggit na lunas sa bahay, magpakonsulta sa doktor. Maaaring imungkahi ng doktor na gawin ang mga sumusunod na lunas:

  • Paggamit ng mga nasal spray. Ang mga nasal spray para sa allergic rhinitis ay kadalasang nangangailangan ng reseta. Ang mga ito ay naglalaman ng corticosteroid upang mabawasan ang pamamaga at pangangati ng ilong. Nakatutulong din ang mga ito upang mabawasan ang pagtutulo ng sipon. Halimbawa ng mga nasal spray ay mometasone at May iba ring uri ng nasal spray na naglalaman naman ng antihistamine at steroid, gaya ng azelastine at fluticasone.
  • Pag-inom ng leukotriene modifier. Ang leukotriene modifier ay isang uri ng tableta na nakatutulong sa pagbawas ng labis na produksyon ng sipon sa ilong. Karaniwan din itong ginagamit para sa mga taong may hika. Ang gamot na ito ay nangangailangan ng reseta sapagkat ang maling paggamit nito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sikolohikal na reaksyon, gaya ng pagkabalisa, guni-guni, depresyon, at iba pa.
  • Paggamit ng nasal ipratropium. Ito ay isang uri ng nasal spray na naglalaman ng Mabisa ang gamot na ito para mabawasan ang labis na pagtutulo ng sipon, pagbahing, at pagbabara ng ilong. Gaya ng ibang uri ng nasal spray, nangangailangan din ito ng reseta ng doktor sapagkat maaari itong magdulot ng mga side effect lalo na sa mga taong may glaucoma at mga kalalakihang may enlarged prostate.
  • Pag-inom ng oral corticosteroid. Ang mga oral corticosteroid na gaya ng prednisone ay nakatutulong sa paggaan ng pakiramdam ng pasyente. Subalit, ang matagalang paggamit nito ay maaaring magdulot ng katarata, osteoporosis, at panghihina ng mga kalamnan. Dahil dito, iminumungkahi lamang ng mga doktor na inumin ang gamot na ito ng ilang mga araw.
  • Pagsasailalim sa immunotherapy. Kung hindi nagiging mabisa ang mga gamot, maaaring isailalim ang pasyente sa immunotherapy. Sa pamamaraang ito, ang pasyente ay bibigyan ng mga allergy shot o allergy tablet upang malantad ang katawan at masanay sa mga allergen nakapagdudulot ng allergic rhinitis. Karaniwang isinasagawa ito sa loob ng 3 hanggang 5 taon upang kalaunan ay hindi na ganoon kalala ang reaksyon ng katawan sa alerhiya.

Sa kasalukuyan, ang mga mananaliksik ay naghahanap pa rin ng iba’t ibang paraan kung paano malulunasan ang allergic rhinitis. Bukod sa mga nabanggit na lunas, tinitingnan din ng mga mananaliksik kung may mabuting maidudulot sa pasyenteng may allergic rhinitis ang pagsasailalim sa acupuncture, at pag-inom ng mga butterbur supplement, pulot, o probiotic. Dahil wala pang sapat na pag-aaral sa mga ito, hindi karaniwang iminumungkahi ng mga doktor ang mga lunas na ito.