Buod

Ang alopecia ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng paglalagas o pangangalbo ang buhok. Subalit maaaring hindi lamang ang mga buhok sa ulo ang maaaring mangalbo, kung hindi pati na rin ang mga buhok sa buong katawan. Batay sa uri, sanhi, at tindi ng kondisyon, ang alopecia ay maaaring maging isang panandalian o permanenteng kondisyon.

Iba’t iba ang mga sanhi ng alopecia. Maaaring ito ay dulot ng pagkamana ng kondisyon sa pamilya, matinding stress, pagbubuntis, biglaang pagbagsak ng timbang, pag-iba ng diet, pagsailalim ng pasyente sa operasyon o gamutan, o kaya naman ay dulot ng ibang karamdaman, gaya ng mataas na lagnat, matinding impeksyon, thyroid disorder, kanser, rayuma, ketong, buni, at marami pang iba.

Kung ang isang tao ay may alopecia, maaari siyang magkaroon ng mga poknat sa ulo o kaya naman ay mayroon siyang mga bahaging napapanot. Kung wala namang mga poknat, maaaring maging kapansin-pansin din ang unti-unting pagnipis ng buhok. Bukod sa mga ito, maaari ring malagas ang kanyang mga balahibo sa iba’t ibang mga bahagi ng katawan, gaya ng kilay, ilong, kili-kili, at iba pa. Sa ibang kondisyon naman, maaari ring makaranas ang pasyenteng may alopecia ng pangangaliskis ng balat.

Bagama’t walang gaanong masamang naidudulot sa katawan ang paglalagas o pangangalbo ng buhok, ito ay nakababawas ng self-confidence ng isang tao. Upang manumbalik ang dating kapal ng buhok, maaari namang sumailalim sa gamutan ang pasyente. Bukod dito, maaari rin siyang magpa-hair transplant at laser therapy. Subalit, ang mga pamamaraang ito ay may kamahalan. Sa ibang mga tao, hinahayaan na lamang nila na ganoon na lamang ang kanilang buhok. Sa iba naman na hindi kaya ang halaga ng gamutan, ay nagsusuot na lamang sila ng mga piluka.

Kasaysayan

Ang salitang “alopecia” ay ginagamit na noon pa man ng mga doktor noong kapanahunan ni Hippocrates. Ito ay nagmula sa Griyegong salita na “alopex” na ang ibig sabihin ay ang hayop na “fox” o soro. Ito ay dahil sa madalas na nakikitaan ang mga soro ng mga patsi-patsi o panlalagas sa kanilang mga balahibo. Samantala, ang salitang “areata” naman ay mula sa Latinong salita na “area” na ang ibig sabihin ay bakante o patsi.

Ayon sa mga tala, ang kauna-unahang gumamit ng salitang alopecia area ay si John Jonston, isang Polish physician. Ang salitang ito ay nabanggit niya sa kanyang libro na may pamagat na “Medicina Practica” noong 1664. Samantala, si Sauvages de Lacroix naman ang kauna-unahang nagpakilala ng terminolohiya na alopecia areata sa kanyang lathala na “Nosologia Methodica” noong 1764. Ayon kay Sauvages, ang alopecia areata ay mga patsi-patsing pagkalagas ng buhok na dulot ng buni o ketong.

Ang nagbigay naman ng kauna-unahing klinikal na depinisyon ng alopecia areata ay si Thomas Bateman. Noong taong 1817, siya ay may lathala na may pamagat na “A Practical Synopsis of Cutaneous Disease.” Sa lathalaing ito, binanggit niya na ang alopecia ay mga bilog na patsi-patsi sa buhok.

Mga Uri

Ang alopecia ay mayroong tatlong pangunahing mga uri. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Alopecia areata. Ito ang pinaka-karaniwang uri ng Sa kondisyong ito, ang isang tao ay nagkakaroon ng mga poknat o mga bahaging napapanot sa kanyang ulo. Bukod sa mga buhok sa ulo, maaari ring magkaroon ng mga poknat sa mga kilay, pilikmata, ilong, balbas, kili-kili, at maging mga tenga.
  • Alopecia totalis. Sa alopecia totalis naman, wala ng natitirang buhok sa ulo ng pasyente.
  • Alopecia universalis. Sa kondisyong ito, walang-wala ng mga buhok ang isang tao sa anumang bahagi ng kanyang katawan. Ayon sa mga doktor, ito ay isang napakadalang na uri ng

Mga Sanhi

Image Source: www.freepik.com

Ang alopecia ay mayroong iba’t ibang mga sanhi. Kung napapansin na naglalagas o nangangalbo ang buhok, maaring ito ay dulot ng alimnan sa mga sumusunod:

  • Pagkamana sa pamilya. Kadalasan, ang alopecia ay namamana. Kung ang tatay o nanay ay napapanot, malaki ang posibilidad na mamana ito ng mga anak. Maaaring lumabas ang mga sintomas ng alopecia kapag ang mga anak ay nagbinata o nagdalaga na.
  • Pagkakaroon ng hormonal changes. Maaari ring magkaroon ng alopecia ang isang tao kung siya ay nakararanas ng hormonal changes sa katawan. Maaaring ang hormonal changes ay kaakibat ng pagbubuntis, panganganak, paggamit ng mga birth control pill, at menopause.
  • Side effect ng mga iniinom na gamot. May mga gamot din na nakapagdudulot ng panlalagas o pangangalbo ng buhok, gaya ng mga gamot para sa kanser, rayuma, depresyon, sakit sa puso, gout, at altapresyon. Samantala, maaari ring magdulot ng pansamantalang pangangalbo ng buhok ang mga gamot na antibiotic, antifungal drug, anticlotting drug, NSAIDs, at
  • Pagkakaroon ng ibang mga karamdaman. Kung ang isang tao ay mayroon ng iniindang ibang karamdaman, maaari rin itong magdulot ng Halimbawa ng mga sakit na may sintomas na alopecia ay hypothyroidism, hyperthyroidism, buni sa ulo, lupus, kanser, iron deficiency anemia, PCOS, anorexia, bulimia, psoriasis, seborrheic dermatitis, depresyon, rayuma, gout, sakit sa puso, autoimmune disease, vitamin B deficiency, at marami pang iba.
  • Pagkaranas ng matinding shock o Maaari ring mangalbo ang isang tao kapag siya ay nakaranas ng matinding shock o trauma, pisikal man o emosyonal. Dahil sa labis na trauma, maaaring hindi makakain nang wasto at sapat ang pasyente at magresulta sa malnutrisyon. Kapag ang katawan ay kulang sa nutrisyon, ang buhok ay manlalagas o hindi tutubo nang maayos.
  • Paggamit ng kung anu-anong hair treatment. Ang iba’t ibang mga hair treatment ay maaari ring magdulot ng alopecia sapagkat ang mga ito ay naglalaman ng iba’t ibang mga kemikal. Bukdo sa mga hair treatment, ang palagiang mahigpit na pagtatali ng buhok ay maaari ring magdulot ng paglalagas ng buhok.

Mga Sintomas

Masasabing may alopecia ang isang tao kung siya ay nakararanas ng isa o higit pa sa alinmang sumusunod na mga sintomas:

  • Pagnipis ng buhok sa ulo
  • Pagkakaroon ng mga poknat o bilog-bilog na patsi-patsi sa anit
  • Paglalagas ng buhok sa iba’t ibang mga bahagi ng katawan, gaya ng kilay, pilikmata, ilong, balbas, tenga, kili-kili, ari, at iba pa
  • Pagkakaroon ng panunuklap o pangangaliskis ng balat

Mga Salik sa Panganib

Ang kahit na sinuman ay maaaring makaranas ng alopecia. Subalit, mas mataas ang posibilidad na magkaroon nito ang isang tao ng dahil sa mga sumusunod na salik sa panganib:

  • Kasaysayan ng alopecia sa pamilya. Gaya ng nabanggit noong una, ang alopecia ay maaaring mamana. Kung ang tatay at nanay ay wala namang alopecia subalit ang iba mong mga kamag-anak ay mayroon nito, maaari pa ring maapektuhan ng ganitong kondisyon.
  • Pagtanda. Kadalasang numinipis ang buhok habang tumatanda. Ito ay dahil sa tumitigil na ang katawan sa paggawa ng mga bagong buhok. Bukod dito, marami na ring mga sakit ang nararanasan habang tumatanda at maaari pa itong makapagpalala o makapagpabilis ng paglagas ng mga buhok.
  • Mga taong nagtratrabaho. Ang mga taong nagtratrabaho ay mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng alopecia sapagkat sila ay palagiang nakararanas ng Dahil sa stress, madalas silang hindi makakain nang wasto upang magkaroon ng sapat na nutrisyon ang mga buhok.
  • Mga taong may eating disorder. Ang mga taong may anorexia, bulimia, o anumang mga eating disorder ay mas mataas din ang posibilidad na maglagas o mangalbo ang buhok. Gaya sa stress, hindi nakatatanggap ng sapat na nutrisyon ang mga buhok kaya ang mga ito ay hindi tumutubo nang maayos.

Mga Komplikasyon

Kung mapababayaan ang alopecia, wala naman itong maidudulot na matinding komplikasyon sa katawan. Subalit, ang paglalagas o pangangalbo ng buhok ay maaaring maapektuhan ang self-esteem ng isang tao. Dahil sa kahihiyan, maaaring hindi niya magawa nang maayos ang kanyang mga pang-araw-araw na gawin. Bukod dito, maaari siyang makaranas ng palagiang pagkalungkot.

Pag-Iwas

Image Source: www.freepik.com

Upang bumaba ang posibilidad na magkaroon ng alopecia, maaaring gawin ang mga sumusunod na paraan. Nakatutulong ang mga ito upang mapanatiling malusog, masigla, at makapal ang mga buhok:

  • Gumamit ng suklay na may malalaking puwang. Ang mga suklay na may malalaking puwang ay nakatutulong upang mabawasan ang mga buhok na nahuhugot at sumasama sa pagsusuklay. Ganunpaman, kailangan pa ring dahan-dahan ang gawing pagsusuklay sa buhok kahit na ang ginagamit na suklay ay may malalaking puwang.
  • Iwasan ang pagplantsa ng buhok. Ang mainit na temperatura mula sa pagpa-plantsa ng buhok ay nagdudulot ng pagkamatay ng mga hibla. Bukod dito, pinababagal din nito ang pagtubo ng mga bagong buhok sa ulo.
  • Huwag mag-ipit nang mahigpit. Ang pag-iipit nang mahigpit ay nakapagdudulot din ng paglalagas ng buhok. Kung mag-iipit ng buhok, luwagan lamang ito.
  • Magsuot ng sombrero. Kung maaraw sa labas, mas mainam na magsuot ng sombrero o magdala ng payong upang maprotektahan ang buhok. Ang araw kasi ay mayroong mga UV ray na nakapipinsala ng mga hibla ng buhok.
  • Iwasan ang paninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay nakapagpapanipis ng buhok. Ito ay dahil sa ang mga kemikal sa sigarilyo ay nakaaapekto sa maayos na pagdaloy ng dugo at nutrisyon sa katawan kaya naman ang mga buhok ay nagiging marupok.

Sanggunian: