Gamot at Lunas

Ayon sa pinakahuling mga pananaliksik, aabot sa humigit-kumulang 15 milyong Pilipino ang may altapresyon o high blood pressure. Halos 1.13 bilyon naman ang tinatayang mayroon nito sa buong mundo. Nakababahala ang mga bilang na ito, lalo pa’t pinatataas ng altapresyon ang panganib na magkaroon ng iba-ibang mga sakit, tulad ng mga sakit sa

Salamat sa makabagong medisina, marami na’ng uri ng gamot ang maaaring gamitin para malunasan ang altapresyon. Ang mga pinkamadalas na inirereseta ng mga doktor ay ang mga sumusunod:

  • Angiontensin-converting enzyme (ACE) inhibitor. Ang katawan ng tao ay may likas na kemikal na nagpapakitid or nagpapasikip ng mga blood vessel o daluyan ng dugo. Pinipigilan ng mga ACE inhibitor, tulad ng benazepril at captopril, ang pagbuo ng nabanggit na kemikal. Karagdagan pa rito, pinabababa rin ng mga ACE inhibitor blood volume o dami ng dugo ng mayroong altapresyon. Ang dalawang magka-akibat na epektong ito ay mabisang nakapagpapababa ng presyon ng dugo at nagpapababa rin sa kinakailangang dami ng oxygen ng puso.
  • Angiotensin II receptor blocker (ARB). Ang mga ARB ay halos katulad lamang ng mga ACE Subalit, sa halip na pigilan ang pagbuo ng likas na kemikal na nabanggit sa itaas, pinipigilan ng mga ARB, tulad ng losartan at candesartan ang epekto ng kemikal na ito. Madalas na inirereseta ang mga ARB kung hind naging mabisa and ACE inhibitor sa pasyente.
  • Calcium channel blocker. Ang mga calcium channel blocker ay nagpapalambot o nagpapa-relax ng mga daluyan ng dugo. Mayroon ding mga calcium channel blocker na nagpapabagal sa pagtibok ng puso. Ang mga kilalang calcium channel blocker ay amlodipine at diltiazem. Madalas ay mas mabisa ang ganitong uri ng mga gamot sa mga nakatatandang pasyente.

Kung sakaling hindi naabot ang sapat o inaasahang bisa ng mga naunang nabanggit na mga gamot, maaaring dagdagan ng iyong doktor ang iyong mga maintenance medicine. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga puwedeng isabay na gamot sa naunang reseta:

  • Thiazide diuretics. Tandaan na isang sanhi ng pagkakaroon ng altapresyon ay ang labis na asin sa katawan. Sa pag-inom ng thiazide diuretic, mababawasan ang sobrang asin at tubig sa katawan sa pamamagitan ng mas madalas na pag-ihi.
  • Alpha blocker. Ang mga alpha blocker ay may kakayahang bawasan ang mga nerve impulse sa mga daluyan ng dugo. Dahil dito, nababawasan din ang bisa ng likas na kemikal sa katawan na nagpapasikip sa mga daluyan ng dugo.
  • Alpha-beta blocker. Bukod sa naunang nabanggit na epekto, pinababagal rin ng mga alpha beta blocker ang tibok na puso. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang dugong kailangan ng puso kung kaya’t nababawasan rin ang dugong dumadaloy sa mga blood vessel.
  • Aldosterone antagonist. Ang ganitong uri ng gamot ay pumipigil sa pagpapanatili ng sobrang asin at iba pang likido sa katawan, na maaaring maging sanhi or makapagpalala ng altapresyon.
  • Vasodilator. Ang mga vasodilator ay uri ng gamot na nagpapaluwag sa mga artery o malalaking ugat. Pinipigilan nito ang sobrang pagsikip o pagkitid ng mga muscle sa mga arterial wall para mapabilis ang pagdaloy ng dugo.

Tandaan na hindi lahat ng kaso ng altapresyon ay kailangan ng gamot. Kung hindi pa naman ganoon kataas ang presyon o kaya naman ay nasa prehypertensive range pa lamang ang kondisyon ng pasyente, maaaring malunasan ito sa pamamagitan lamang ng mga pagbabago sa pamumuhay o mga lifestyle change. Narito ang ilang mga halimbawa:

Image Source: www.nytimes.com

  • Pagbabawas ng timbang. Kadalasan, kasabay ng pagdagdag ng timbang ang pagtaas ng presyon ng dugo. Kapag labis ang iyong timbang, tumataas din ang panganib na magkaroon ng sleep apnea o pahintu-hintong paghinga habang natutulog na maaaring magpalala sa altapresyon. Ayon sa mga pag-aaral, puwedeng mabawasan ng halos 1 mm Hg ang presyon ng katawan sa bawat kilong maibabawas sa timbang.
  • Pag-eehersisyo. Kung ikaw ay may altapresyon, makatutulong ang ehersisyo sa pagpapababa ng presyon. Kung ikaw naman ay nasa hypertensive range, maaaring mapigilan ng ehersisyo ang pagkakaroon ng altapresyon. Ilan sa mga magagandang ehersisyo para sa pagpapababa ng presyon ng dugo ay ang paglalakad, pagtakbo, pagbibisikleta, maging ang paglangoy. Kung naghahanap naman ng iba pang mas kakaibang gawain, ilan rin sa mga magagandang uri ng ehersisyo ang pagsasayaw, pagsali sa mga sports activity, maging ang sailing o paglalayag gamit ang isang yate o yacht.
  • Pagsunod sa “DASH” eating plan. Mayroong diyetang tinatawag na DASH o Dietary Approaches to Stop Hypertension. Ito ay isang eating plan na binubuo ng mga prutas at gulay at mga pagkaing mababa sa saturated fat, trans fat, and kolesterol. Ayon sa mga pagususuri, aabot sa 11 mm Hg ang puwedeng ibaba ng presyon ng dugo sa pamamagitan ng DASH diet.
  • Pag-iwas sa labis na sodium. Ang labis na sodium sa katawan ay puwedeng magdulot ng altapresyon dahil naaapektuhan ang kakayahan ng mga bato sa pagbabawas ng sobrang tubig sa katawan. Dahil sa sobrang tubig at karagdagang puwersa sa mga daluyan ng dugo papunta sa mga bato, tumataas ang presyon ng dugo. Ang pinakamainam na dami ng sodium sa pang-araw-araw na pagkain ay dapat nasa 1,500 mg lamang. Ang pinakamadaling paraan naman para mapababa ang dami ng sodium sa katawan ay ang pag-iwas sa mga processed food at pagbawas sa dami ng asin sa pagkain.
  • Pag-iwas sa stress. May mga pag-aaral na nagsasabing nakapagpapalala ng altapresyon ang stress. Kaya naman nakabubuting iwasan ang mga stressors o mga bagay na nagdudulot ng Mainam rin ang pagbabakasyon mula sa trabaho. Kahit ang simpleng pagpapahinga ay puwede ring makabawas sa stress. Panghuli at pinakamahalaga sa lahat, sikaping matulog nang mula pito hanggang walong oras. Malaking salik ng pagkakaroon ng altapresyon ang madalas na pagpupuyat.

Mapapansin na karamihan sa mga nabanggit sa taas ay ipinapayo rin sa mga pasyenteng mayroon nang altapresyon. Kapag isinabay ang mga ito sa gamot, mas maigiging madali at mabisa ang pagpapababa ng presyon.

Samantala, may mga pagkakataon rin namang biglaang tumataas ang presyon ng dugo ng mga taong walang altapresyon. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng subukan ang mga sumusunod:

Image Source: unsplash.com

  • Pagpapahinga o pagbawi sa tulog. Kung minsan, nagiging sanhi ng altapresyon ang kakulangan sa pahinga at tulog. Subukang magpahinga o umidlip para bumaba ang presyon, at mawala rin ang pagsakit ng ulo at iba pang sintomas.
  • Uminom ng tubig. Isang madaliang lunas para sa biglang pagtaas ng presyon ng dugo ang pag-inom ng maraming tubig. Mas mabuti kung maligamgam na tubig ang iinumin upang mas mapaginhawa ang katawan at mabawasan ang paninikip ng mga daluyan ng dugo. Makatutulong din ang pag-inom ng maraming tubig sa pagpapdalas ng pag-ihi upang mailabas ang sobrang asin sa katawan.
  • Pagkain ng bawang. Ayon sa Department of Health o DOH, mabisa ang bawang sa pagpapababa ng altapresyon. Puwedeng kumain ng isa o dalawang piraso ng hilaw na bawang o kaya naman ay maghalo ng garlic powder sa mga pagkain.

Sanggunian