Buod

Isa sa mga karaniwang sakit sa balat na nakaaapekto sa mga Pilipino ay ang an-an o tinea versicolor. Ang an-an ay madali lamang matukoy. Kadalasan, ang itsura nito ay mga malalaki o maliliit na puting patsi-patsi sa balat. Pero sa iba, ang kulay ng an-an ay maaaring pula, brown, o pink batay na rin sa kulay ng balat ng tao. Kung minsan, ang an-an ay makati, kaya naman nakapagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam.

Ang an-an ay sanhi ng isang uri ng fungus at ito ay tinatawag na Malasezzia. Ang fungus na ito ay natural na matatagpuan sa balat. Mahilig itong manirahan sa malalangis at mamasa-masang bahagi ng katawan gaya ng mukha, dibdib, mga braso, likod, at iba pa.

Hindi nakahahawa ang an-an. Subalit maaaring tubuan nito kapag masyadong dumami ang Malassezia sa katawan. Maaaring magkaroon ng an-an kung ang isang tao ay labis na nagpapawis o kaya naman ay natural na malangis ang kanyang balat. Bukod dito, maaari ring magkaroon ng an-an kapag maraming pagbabagong hormonal sa katawan. Kadalasan, maraming pagbabagong hormonal kapag ang isang tao ay nagdadalaga o nagbibinata.

Ang an-an ay mabilis dumami subalit ito naman ay maaaring lunasan. Sa mga normal na kaso ng an-an, maraming nabibiling anti-fungal na produkto sa mga botika upang malunasan ito. Ilan lamang sa mga puwedeng gamitin upang mawala ang an-an ay anti-fungal ointment, cream, lotion, shampoo, at sabon.

Kasaysayan

Bukod sa tinea versicolor, ang an-an ay kilala rin sa tawag na pityriasis versicolor. Ang versicolor ay nagmula sa salitang versare, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “nagbabagong kulay.” Ang unang nakapaglahad tungkol sa kondisyong ito ay si Eichstedt noong 1846, subalit hindi niya nagawang matukoy kung ano ang organismong sanhi nito. Ngunit pagsapit ng taong 1853, nagawa ni C.P. Robin na matukoy ang mga organismong sanhi ng an-an at tinawag niya itong Microsporum furfur.

Noong 1874 naman, natuklasan ni Malassez ang fungus na Malassezia, matapos niyang suriin ang balakubak ng isang pasyente. Pero noong 1904, ayon kay Sabouraud, ang sanhi ng balakubak ay ang organismong Pityrosporum malassez. Dinagdag niya ang salitang malassez bilang pagkilala sa unang nakatuklas nito. Mahalaga ang mga pagkakatuklas na ito sapagkat ang fungus na nabanggit ay siya ring sanhi ng an-an.

Matapos ang pagkakatuklas sa Malassezia at Pityrosporum, maraming mananaliksik ang nag-aral tungkol dito. Pero ito ay nagdulot lamang ng kalituhan at pagtatalo kung ano ba talaga ang dapat itawag sa pamilya ng fungus na sanhi ng balakubak at an-an. Nanaig ang Malassezia at sa kasalukuyan, ang Malassezia ay mayroong mga uring M. furfur, M. pachydermatis, M. sympodialis, M. globosa, M. obtusa, M. restricta, M. slooffiae, at iba pa.

Mga Sanhi

Ang an-an ay sanhi ng fungus na Malassezia. Sa lahat ng kategorya ng Malassezia, ang M. globosa ang pinakalaganap na sanhi ng an-an. Kadalasan, nagkakaroon ng an-an ang isang tao dahil na rin sa mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng malangis na balat. Ang Malassezia ay mahilig manirahan sa mga malalangis na bahagi ng katawan gaya ng anit at mukha. Ang sebum o langis kasi na ginagawa ng katawan ay isa sa mga pangunahing pagkain o pinagkukunan ng nutrisyon ng mga ito.
  • Mainit o maalinsangang klima. Maaari ring magkaroon ng an-an dahil sa mainit o maalinsangang klima. Sa ganitong uri ng klima, ang katawan ay mas mabilis magpawis kaya naman mabilis din ang pagdami ng Malassezia at ito ay nagreresulta sa an-an.
  • Mahinang resistensya. Kapag mahina ang resistensya ng isang tao, hindi nito magagawang labanan nang maayos ang pagdami ng
  • Pagbabagong hormonal. Kadalasan, ang mga taong nasa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata ang nagkakaroon ng an-an, dulot ng pagbabagong Sa pagbabagong hormonal, maaaring maging mas aktibo ang balat sa paggawa ng sebum o langis. Maaari rin itong magdulot ng labis na pagpapawis.

Noon, ang an-an ay pinaniniwalaan na nakahahawa. Subalit, ayon sa mga mas bagong kaalaman, hindi ito nakahahawa sapagkat natural na naninirahan ang fungus na Malassezia sa balat.

Mga Sintomas

Masasabing may an-an ang isang tao kapag siya ay nakikitaan ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pagkakaroon ng maliit na puting patsi sa katawan. Sa mga Pilipino, ang an-an ay kadalasang nagsisimula sa isang maliit na puting patsi dahil ang balat nila ay kayumanggi. Subalit sa ibang lahi na may mapuputing balat, ang an-an ay kulay pula o Sa mga may maiitim naman na balat, ang an-an ay kulay brown.
  • Kumakalat na puting patsi sa katawan. Kung ang puting patsi ay lumaki at dumami, ito ay posibleng an-an. Kadalasan, ang mga bahaging naaapektuhan ay mukha, leeg, dibdib, likod, braso, at iba pa.
  • Puting patsi na lalong dumadami tuwing mainit ang panahon. Mas lalong dumadami ang an-an tuwing mainit ang panahon sapagkat ang katawan ay mas lalong nagpapawis at naglalangis. Pero pagsapit ng malamig na panahon, ang an-an ay tila nawawala.
  • Makakating mga patsi sa katawan. Posible ring an-an ang mga patsing nasa katawan kapag ito ay nangangati. Subalit minsan, ang an-an ay hindi naman makati.

Mga Salik sa Panganib

Image Source: unsplash.com

Ang an-an ay isang sakit sa balat na maaaring makaapekto sa kahit na sinuman at sa kahit na anong kulay ng balat ang mayroon ka. Subalit, mas napatataas ng mga sumusunod na salik ang pagkakaroon ng sakit na ito:

  • Kasaysayan ng an-an sa pamilya. Kung may kasaysayan ng an-an sa mga malalapit na miyembro ng pamilya, mataas ang posibilidad na magkaroon ka nito. Bagama’t hindi pa lubusang maintindihan ang sanhi nito, pinaniniwalaan ng mga doktor na ang mga gene sa pamilya ay isa rin sa mga salik kung bakit nagkakaroon ng an-an.
  • Labis na pagpapawis. Ang katawan ay natural na naglalabas ng pawis lalo na kapag ang isang tao ay nag-eehersisyo o kapag mainit ang panahon. Subalit, may ilan ding mga tao na labis-labis ang pagpapawis kahit wala silang ginagawa o kahit malamig ang panahon. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na Dahil sa labis na pagpapawis ng katawan, ang fungus na Malassezia ay maaaring dumami agad at magbunga ng an-an.
  • Paninirahan sa lugar na may mainit o maalinsangang klima. Madalas ding magkaroon ng an-an ang mga taong naninirahan sa lugar na may mainit o maalinsangang klima. Dahil sa ganitong uri ng klima, ang katawan ay mas mabilis na nagpapawis at naglalangis.
  • Pagkakaroon ng mahinang resistensya. Ang mga taong may mahihinang resistensya ay mas madaling dapuan ng mga sakit sa balat gaya ng an-an.
  • Mga pasyenteng may kanser. Madali ring magkaroon ng an-an ang mga pasyenteng may kanser sapagkat madalas ay mahina ang kanilang resistensya.

Pag-Iwas

Image Source: www.wikihow.com

Sa Pilipinas, marami ang nagkakaroon ng an-an dahil sa mainit at maalinsangang klima. Upang maka-iwas sa sakit sa balat na ito, iminumungkahing gawin ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang paggamit ng mga produkto sa balat na nakapagpaparami ng sebum o langis ng katawan.
  • Gumamit ng sombrero o payong sa tuwing maglalakad sa ilalim ng araw.
  • Huwag magsuot ng mga masisikip na damit upang maiwasan ang labis na pagpapawis.
  • Maligo araw-araw at tuyuing mabuti ang katawan.
  • Maglinis ng katawan bago matulog.
  • Labhan nang maayos ang mga damit at ibang kagamitan upang hindi mairita ang balat.
  • Iwasan ang panghihiram ng mga personal na gamit ng iba, gaya ng mga tuwalya at kasuotan.
  • Punasan agad ang pawis at huwag ito pabayaang matuyo lamang sa katawan.

Kung nagkaroon ng an-an, hindi nangangahulugan na hindi ka malinis sa iyong pangangatawan. Maraming iba’t ibang salik sa pagtubo ng an-an sa katawan kaya hindi dapat manliit ang tingin sa sarili. Upang mabilis itong mawala, kumonsulta lamang sa isang dermatologist.

Sanggunian