Buod

Napakahalaga ng trabahong ginagampanan ng atay sa katawan ng tao. Subalit, kagaya ng ilang bahagi ng katawan, ito ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang uri ng sakit at kondisyon. At kapag nanghina at tuluyang napinsala ito, hindi lamang mahihirapan ang buong katawan na gumana. Kaya naman sa mga malalalang pagkakataon, ang paghina ng atay ay maaari ring humantong sa kamatayan.

Paano gumagana ang atay?

Image Source: www.acs.org

Ang atay ay isa sa pinaka-malaking bahagi ng digestive system ng katawan na matatagpuan sa ilalim ng mga tadyang sa may kanang bahagi ng tiyan. Nasa ilalim nito ang apdo at ang lapay. Ang atay, apdo, at lapay ay nagtutulungan upang matunaw sa mga pagkaing pumapasok sa katawan. Tumutulong din ang atay upang alisin ang mga nakalalasong mga sangkap sa katawan.

Sinasala rin ng atay ang dugo na pumapasok sa digestive system at naglalabas din ito ng bile na dumadaloy pabalik sa mga bituka. Bukod sa mga ito, gumagawa rin ang atay ng mga protina na kailangan upang lumapot ang dugo at para sa iba pang kaukulan.

Ang atay ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sakit at kondisyon. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Ang mga karaniwang sanhi ng mga nabanggit na kondisyon ay impeksyong dulot ng virus, mga tumor, problema sa immune system, labis na katabaan, maging ang pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin.

Ang mga taong mayroong sakit sa atay ay may mga sintomas na gaya ng paninilaw ng balat, pananakit ng tiyan, pamamanas, pag-iiba ng kulay ng ihi o ng dumi, pagkapagod, maging ang hindi maipaliwanag na pagkakaroon ng mga pasa.

Ang mga lunas na maaaring ilapat sa sakit sa atay ay batay sa uri nito. Ang mga karaniwang lunas ay ang mga gamot na para sa hepatitis A, B, o C, liver transplantation, lunas sa kanser sa atay, o ang endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP).

Kasaysayan ng sakit sa atay

Mula pa sa sinaunang panahon ay kilala na ang mga kondisyong nagdudulot ng pinsala sa atay. Sa katunayan, may mga katibayan na mula sa mga pagsusuring ginawa sa mga mummy sa Ehipto na nagpapakitang nagkaroon ng malawakang impeksyong dulot ng parasitikong Bilharziasis na pumipinsala sa atay.

Noon namang 400 B.C. ay inilarawan ni Hippocrates ang abscess, o pamumuo ng nana sa atay. Samantala, ang Romanong dalubhasa sa anatomy na si Galen ay ipinakilala ang atay bilang pinakamahalagang bahagi ng katawan. Natukoy din niya ang kaugnayan ng atay sa apdo at sa lapay.

Noon namang 100 C.E, inilarawan ni Areteus ng Cappadocia ang jaundice, o ang paninilaw ng balat at mga mata. Samantalang ang Muslim na manggagamot na si Avicenna ay napansin ang malaking kaugnayan ng ihi sa pag-diagnose sa sakit sa atay.

Ang kauna-unahan naman na pagpapalit ng atay, o liver transplantation, ay isinagawa sa aso noong 1958 ni Francis Moore. At ang kauna-unahang pamamaraang ito sa tao ay isinagawa noong 1963 ni Dr. Thomas E. Starzl. Ito ay ginawa sa tatlong taong gulang na batang lalaki na may biliara atresia.

Mga Katangian

Bagama’t may iba’t ibang uri ng kondisyon na maaaring umapekto sa atay, ang mga sintomas ng mga ito ay halos magkakatulad. Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang katangian ng mga taong may sakit sa atay:

  • Jaundice, o paninilaw ng balat at ng mga mata
  • Pananakit at pamamaga ng tiyan
  • Pamamanas ng mga hita at mga bukung-bukong
  • Pangangati ng balat
  • Pagkakaroon ng kulay kayumanggi na ihi
  • Pamumutla, pangingitim, o kaya ay pagkakaroon ng dugo sa dumi
  • Pabalik-balik na pagkapagod
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Madaling pagkakaroon ng pasa

Mga Sanhi

Marami ang mga sanhi ng sakit sa atay. Ang pinaka-karaniwan sa mga ito ay ang impeksyon at ang pamumuo ng mga sangkap sa loob nito.

Impeksyon

May mga uri ng parasitiko at mga virus na maaaring magdulot ng impeksyon sa atay. Kapag naimpeksyon, maaaring magkaroon ito ng pamamaga at ng pagnhina sa paggana nito. Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang uri ng sakit na dulot ng impeksyon sa atay ay ang mga sumusunod:

Nakukuha ang virus na nagdudulot ng mga sakit na ito sa pamamagitan ng mga kontaminadong pagkain at tubig, pagsasalin ng dugo mula sa taong apektado, maging sa pakikipagtalik sa taong mayroong ganitong uri ng mga sakit.

Pagkakaroon ng kondisyon sa immune system

May mga kondisyon kung saan ang immune system ay nagdudulot ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kasama na ang atay. Ang mga kondisyong ito ay katulad ng mga sumusunod:

  • Autoimmune hepatitis
  • Primary biliary cirrhosis
  • Primary sclerosing cholangitis

Mga kondisyong namamana

May mga uri ng abnormal na gene na maaaring mamana mula sa isa o sa dalawang magulang na maaaring magdulot ng pamumuo ng mga sangkap sa loob ng atay at magbunga ng pinsala rito. Kabilang sa mga namamanang kondisyon na ito ay ang mga sumusunod:

Mga kanser at iba pang tumutubo sa atay

Ang mga tumor at mga polyp ay maaari ring magdulot ng pinsala sa atay. Ang mga ito ay maaaring tumubo sa mismong atay at maging sa mga daluyan ng bile.

Iba pang sanhi ng sakit sa atay

Ang pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin ay napatunayan ding nagdudulot ng pinsala sa atay. Maging ang pagpili sa mga pagkaing may labis na taba at kolesterol ay sanhi din ng pinsala rito sa paraang nabubunga ito ng pamumuo ng mga sangkap na nagpapahina sa paggana nito.

Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng sakit sa atay

Ang mga sumusunod naman ay ang iba’t ibang salik na nagpapataas sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa atay:

  • Paggamit ng mga hiringilya na itinuturok sa balat na ginamit na ng iba
  • Pagpapa-tattoo gamit ang unsterile o hindi malinis na mga karayom
  • Pagkakaroon ng uri ng hanap-buhay kung saan lantad sa mga dugo at likido ng katawan
  • Pakikipagtalik nang walang gamit na sapat na proteksyon
  • Pagkakaroon ng diabetes o ng mataas na antas ng kolesterol sa dugo
  • Pagkakaroon ng malapit na kamag-anak na may sakit sa atay
  • Pagiging labis na mataba
  • Pagkalantad sa mga nakalalasong kemikal kagaya ng mga pamatay-peste
  • Pag-inom ng labis na dami ng mga herbal supplement
  • Paghahalo ng ilang uri ng gamot sa mga nakalalasing na inumin
  • Pag-inom ng mga gamot nang higit sa ipinapayo ng manggagamot

Paggamot at Pag-Iwas

Kapag nagkaroon ng sakit o anumang uri ng kondisyon sa atay, ang espesyalista na dapat sangguniin o gumagamot sa mga ito ay ang

May mga uri ng sakit sa atay na pabalik-balik at maaaring hindi na mawala. Subalit, may mga ipinapayo ang mga hepatologist ukol sa maayos na pamamahala sa mga sintomas, kahit sa mga pabalik-balik na sakit sa atay. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Image Source: unsplash.com

  • Pagtigil sa pag-inom o kaya ay pagbawas sa iniinom na nakalalasing na inumin
  • Pagpapanatili ng wastong timbang
  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pagpili sa mga pagkaing mayaman sa fiber
  • Pag-iwas sa mga pagkaing may labis na taba, asukal, at asin

Batay naman sa uri ng kondisyong umaapekto sa atay, ang pasyente ay maaaring painumin ng mga sumusunod na uri ng gamot:

  • Mga antiviral na gamot laban sa hepatitis
  • Mga steroid upang bawasan ang pamamaga ng atay
  • Mga gamot laban sa hypertension
  • Mga antibiotic
  • Mga gamot na para sa pangangati ng balat
  • Mga bitamina at iba pa na tumutulong sa pagpapalakas ng atay

Sa mga malalalang kaso ng sakit sa atay ay maaaring mangailangan ng operasyon para tanggalin ito. Ang liver transplantation ay ginagamit kapag hindi naging matagumpay ang iba pang uri ng lunas.

Pag-iwas sa sakit sa atay

Katulad ng ibang uri ng mga sakit, pinaka-mainam pa rin ang pag-iwas sa sakit sa atay upang makatulong sa ikapananatiling malusog ng kabuuan ng katawan. Ang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang sakit sa atay ay kagaya ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng katamtaman lamang na dami ng nakalalasing na inumin. Para sa mga kalalakihan, hindi dapat na uminom nang higit sa dalawang nakalalasing na inumin sa loob ng isang araw. Sa mga kababaihan naman, ipinapayo na dapat ay hanggang isang inuman lamang sa loob ng isang araw ang gawin.
  • Pag-iwas sa mga kaugaliang magsasapanganib sa kalusugan. Iwasan ang paggamit ng mga drogang itinuturok, at huwag gagamit ng mga syringe o hiringilya na ginamit na ng iba. Ugaliin din ang ligtas na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng proteksyong katulad ng condom. Kapag magpapa-tattoo naman, tiyaking malinis ang mga kasangkapang gagamitin ng magta-tattoo.
  • Magpa-bakuna. Sumangguni sa manggagamot at magpabakuna laban sa hepatitis virus upang maging mas malakas ang resistensya laban dito.
  • Wastong paggamit ng mga gamot. Ang pag-inom ng anumang uri ng gamot, prescription o non-prescription man, ay dapat na batay sa payo ng doktor. Hindi rin ito dapat na hinahalo sa mga nakalalasing na inumin.
  • Pag-iwas sa pagkadikit sa dugo o likido mula sa katawan ng ibang tao. Alalalahanin na maaaring mahawaan ng hepatitis sa pamamagitan ng pagkakadikit sa mga dugo o likido na mula sa taong apektado ng sakit na ito.
  • Mag-ingat sa mga Ang mga air freshener, maging ang mga insecticide, ay may mga sangkap na maaaring magdulot ng pinsala sa atay. Kaya, tiyakin na bukas ang mga bintana ng silid at gumamit ng takip sa mga ilong at bibig tuwing gumagamit ng alinman sa mga ito. Iwasan ding mapatakan ng mga ito sa balat.
  • Panatilihin ang tamang timbang ng katawan. Ang labis na katabaan ay maaaring magdulot ng kondisyong kung tawagin ay non-alcoholic fatty liver disease.

Mga Uri ng Sakit

Narito ang iba’t ibang uri ng sakit sa atay at ang maikling paglalarawan sa bawat isa:

  • Alagille syndrome. Ang kondisyong ito ay isang uri ng namamanang sakit na umaapekto sa atay, puso, maging sa iba pang bahagi ng katawan. Sa atay, ang Alagille syndrome ay nagdudulot ng pinsala sa pamamagitan ng pagkakaroon ng abnormalidad sa daluyan ng bile mula sa atay papunta sa apdo at sa maliit na bituka.
  • Sakit sa atay na kaugnay ng mga nakalalasing na inumin. Ang alcohol-related liver disease (ARLD) ay dulot ng pinsala sa atay na bunga ng ilang taong pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin. Sa kondisyong ito, namamaga ang atay at nagkakaroon ng peklat o Ang cirrhosis ay ang pinaka-malala o huling bahagi ng sakit sa atay.
  • Alpha-1 antitrypsin deficiency. Ang kondisyong ito ay namamana at nagpapataas sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa atay at baga. Ang Alpha-1 antitrypsin (AAT) ay isang uri ng protina na ginagawa sa atay na nagbibigay ng proteksyon sa mga baga. Kapag hindi tama ang hugis ng mga protinang ito, bumabara sila sa mga selula ng atay at hindi makararating sa baga. Kapag nangyari ito, maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay.
  • Autoimmune hepatitis. Nagkakaroon nito ang katawan ng tao kapag ang immune system ay inaatake ang mga selula ng atay. Ito ay pabalik-balik at maaaring humantong sa cirrhosis at pagtigil ng paggana ng atay. Ito ay pangunahing nilulunasan sa pamamagitan ng pagpapalit ng atay (liver transplantation)
  • Benign na mga tumor sa Kung minsan ay nagkakaroon ng mga bukol na hindi nakaka-kanser sa atay. Ang tatlong uri nito ay ang hemangiomas, focal nodular hyperplasias, maging ang hepatocellular adenomas. Hindi nangangailangan ng lunas ang mga ito. Ang pinaka-karaniwan sa mga bukol na ito ay ang hemangiomas, na binubuo ng mga kumpol ng ugat.
  • Biliary atresia. Ito ay hindi pangkaraniwang sakit sa atay at sa daluyan ng bile ng mga sanggol. Sa kondisyong ito, ang bile ay hindi makadaloy mula sa atay papunta sa apdo. Sa mga sanggol na may ganitong uri ng sakit, ang mga sintomas nito ay mapapansin mula sa ikalawa hanggang sa ika-walong linggo mula nang ipanganak.
  • Cirrhosis. Ang kondisyong ito ay isang uri ng komplikasyon sa atay kung saan nawawalan ng selula ang atay at nagkakaroon pa ng mga peklat na hindi na naaalis. Bagama’t iba’t iba ang maaaring sanhi nito, ang pinaka-karaniwan sa mga ito ay ang pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin at ang hepatitis B at C.
  • Crigler-Najjar syndrome. Ito ay isang malalang kondisyon sa atay kung saan may mataas na antas ng bilirubin sa dugo. Ang bilirubin ay ang mga nalabi sa mga red blood cell na dinurog ng katawan.
  • Galactosemia. Ito ay isang hindi pangkaraniwang metabolikong kondisyon kung saan naaapektuhan ang kakayahan ng isang tao na i-proseso nang wasto ang asukal na galactose. Ito ay nakaaapekto sa maayos na paggana ng atay at maaari pang magdulot ng komplikasyon dito.
  • Gilbert syndrome. Isa itong uri ng banayad na kondisyon na makikilala sa pamamagitan ng pabalik-balik na pagkakaroon ng mataas na antas ng nakalalasong sangkap na bilirubin sa dugo. Ito ay karaniwang umaapekto sa mga nagbibinata o nagdadalaga.
  • Hemochromatosis. Sa kondisyong ito ay nagkakaroon ng labis na dami ng iron sa dugo. Kapag hindi nailabas ng katawan, naiipon ito sa mga kasu-kasuan at sa lapay, sa puso, maging sa atay. Ang karaniwang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng arthritis.
  • Hepatic Encephalopathy. Sa kondisyong ito ay hindi maayos na naaalis ng atay ang mga nakalalasong sangkap mula sa dugo. Dahil dito, naiipon ang mga ito sa dugo at nagdudulot ng pinsala sa utak.
  • Hepatitis A. Ang hepatitis A ay isang lubhang nakahahawang impeksyon sa dugo na dulot ng hepatitis A virus. Sa kondisyong ito ay namamaga ang atay at nahihirapang gumana ang atay.
  • Hepatitis B. Ang hepatitis B ay isa ring uri ng nakahahawang impeksyon sa atay na nagdudulot ng pagpepeklat nito. Maaari rin itong magbunga ng kanser at ng pagtigil ng paggana ng atay.
  • Hepatitis C. Isa itong uri ng impeksyon sa atay na dulot ng hepatitis C virus. Kapag hindi nalunasan, ang sakit na ito ay maaari ring magdulot ng kanser sa atay.
  • Hepatitis D. Ang sanhi ng hepatitis D ay ang hepatitis D virus hepatitis delta virus (HDV). Hindi kayang mabuhay ng HDV kung wala ang hepatitis B virus sa katawan.
  • Hepatitis E. Maaaring makuha ang HEV kung nakakonsumo ang isang tao ng pagkain o tubig na kontaminado ng dumi ng tao o hayop na infected.
  • Hepatorenal syndrome. Ang hepatorenal syndrome (HRS) ay ang malubhang pagkapinsala ng atay na nagdudulot ng pagtigil ng paggana ng mga kidney o bato. Sa pagtigil naman ng paggana ng bato ay naiipon ang mga nakalalasong sangkap sa atay hanggang sa ito ay maaaring tumigil na rin sa paggana.
  • Intrahepatic cholestasis of pregnancy (ICP). Ang ICP ay isang uri ng kondisyon sa atay na karaniwang umaapekto sa mga nagbubuntis. Naaapektuhan nito ang normal na pagdaloy ng Bunga nito ay naiipon ang mga bile acid sa dugo. Ang karaniwang sintomas nito ay pangangati.
  • Lysosomal acid lipase deficiency (LAL-D). Ang sakit na ito ay hindi pangkaraniwan, subalit pabalik-balik na namamang uri ng kondisyon. Ito ay ang pagkakaroon ng kakulangan ng katawan ng kakayahang gumawa ng enzyme na lysosomal acid lipase (LAL) na kailangan upang lusawin ang mga taba at kolesterol sa mga selula. Dahil sa kondisyong ito, lubhang naapektuhan ang maayos na paggana ng atay.
  • Liver cysts. Ang mga cyst sa atay ay mga namumuong laman na may lamang likido. Ang mga ito ay hindi nagdudulot ng kanser. Subalit, kapag hindi nalunasan ay maaaring magkaroon ng banayad na epekto sa atay.
  • Kanser sa atay (liver cancer). Ang kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng mga abnormal na selula sa atay. Maaaring ang mga ito ay nag-uumpisang kumalat mula sa labas ng atay. Kapag hindi naagapan ay maaari itong magdulot ng kanser sa mga kalapit na bahagi, katulad ng apdo, lapay, at maliit na bituka.
  • Paninilaw ng bagong panganak na sanggol (Newborn Jaundice). Ang kondisyong ito ay umaapekto sa mga kapapanganak lang na sanggol. Ang sintomas nito ay ang paninilaw ng sanggol bunga ng pagkakaroon ng mataas na antas ng bilirubin sa kanilang atay.
  • Non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD). Ang kondisyong ito ay karaniwan at tumutukoy sa grupo ng mga kondisyon kung saan naiipon ang labis na dami ng taba sa atay ng taong hindi naman uniinom ng nakalalasing na inumin. Ang pinaka-karaniwang uri ng kondisyong ito ay tinatawag na fatty liver.
  • Non-alcoholic steatohepatitis (NASH). Ang kondisyong ito ay isang uri ng advanced non-alcoholic fatty liver na sakit. Kapag nagkaroon ng labis na pamamaga sa atay na hindi naman dulot ng nakalalasing na inumin, maaaring magkaroon ng pagpepeklat o cirrhosis
  • Primary biliary cholangitis (PBC). Ang kondisyong ito ay kilala rin bilang biliary cirrhosis. Ito ay isang uri ng autoimmune na sakit sa atay. Ito ay bunga ng mabagal, subalit tuloy-tuloy na pagkapinsala ng mga daluyan ng bile sa atay. Dahil dito, nagkakaroon ng pamumuo ng mga bile at nakalalasong sangkap sa loob nito na kung tawagin ay
  • Primary sclerosing cholangitis (PSC). Ang PSC ay isang uri ng pabalik-balik na sakit sa atay na makikilala sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pamumuo ng bile sa loob ng atay. Ang itinuturing na pinaka-sanhi nito ay ang autoimmunity.
  • Progressive familial intrahepatic cholestasis (PFIC). Ang sakit na ito ay nagdudulot ng tuloy-tuloy na pagkakaroon ng mga kondisyon sa atay na karaniwang humahantong sa tuluyang pagtigil ng paggana ng atay. Dahil sa kondisyong ito, nawawalan ang atay ng kakahayang maglabas ng
  • Reye’s syndrome. And kondisyong ito ay hindi pangkaraniwan. Nagdudulot ito ng pamamaga sa utak at sa atay sa mga taong mayroong impeksyong dulot ng Ang karaniwang nagkakaroon nito ay mga bata at mga teenager.
  • Type I glycogen storage disease. Ang kondisyong ito ay kilala rin bilang GSDI o kaya ay von Gierke disease. Ito ay isang uri ng namamanang kondisyon na nagdudulot ng pamumuo ng glycogen sa mga selula ng katawan na maaari ring makaapekto sa maayos na paggana ng atay.
  • Wilson’s disease. Ang kondisyong ito ay isang uri ng namamanang sakit na nagdudulot ng pamumuo ng mga copper o tanso sa katawan. Ang isa sa mga pangunahing naapektuhan ng kondisyong ito ay ang atay.

Sanggunian