Buod

Image Source: www.freepik.com

Ang balat ay ang pinaka-malaking bahagi ng katawan. Tumutulong ito sa pagpapanatiling ligtas ang buong katawan laban sa anumang uri ng sakit at impeksyon. Subalit, ang balat ay maaari ring magkaroon ng iba’t ibat karamdaman at sakit.

At dahil sa napakalaki ng pangkalahatang nasasakupan ng balat, napakarami rin ng mga uri ng sakit na maaaring umapekto rito. Ang bawat sakit ay may iba’t ibang sintomas na magkakaiba rin ang kalubhaan. Ang mga sakit na ito ay maaaring pansamantala o kaya naman ay pangmatagalan. Maaari ring hindi masakit ang mga ito at maaari rin namang napakahapdi.

Karagdagan pa rito, ang mga sakit sa balat ay maaaring banayad lamang o kaya ay maaari rin namang nakamamatay kapag hindi naagapan.

Ang mga sakit sa balat ay maaaring dulot ng impeksyong bacterial, viral, o kaya ay fungal. Maaari rin itong bunga ng mga namamanang kondisyon o kaya ay pinsala na dulot ng mga aksidente at iba pa.

Paano umaapekto ang mga sakit sa balat sa katawan?

Ang mga sakit sa balat ay maaaring walang sintomas na ipinakikita. Subalit, ang ilan sa mga ito ay maaaring magdulot ng panghihina at kawalan ng ilang bahagi ng katawan na gumana nang maayos.

Ang ilan sa mga sintomas ng sakit sa balat ay gaya ng mga sumusunod:

  • Pamumula o pamamaga ng balat
  • Pananakit o paghapdi sa apektadong bahagi
  • Paninigas o pagkatuyo ng apektadong bahagi
  • Pagkakaroon ng mga bukas na sugat
  • Pagkakaroon ng labis na pamumula
  • Pagkakaroon ng nana

Ang mga lunas sa sakit sa balat ay batay sa uri ng kondisyon o kalubhaan nito. Kung ang sakit ay bunga ng impeksyong dulot ng bacteria, ito ay maaaring gamutin ng mga karaniwang antibiotic. Kung ito naman ay dulot ng virus, maaari itong gamutin ng mga antiviral na mga gamot. Samantala, ang mga fungal infection naman ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga antfiungal na mga gamot na ipinapahid sa apektadong bahagi ng katawan.

Samantala, ang mga namamanang kondisyon ay nilulunasan gamit ang mga hindi pangkaraniwang mga therapy o kaya ay operasyon.

Kasaysayan ng sakit sa balat

Ang mga kondisyon sa balat ay kilala na mula pa noong unang panahon. Ang isa sa mga pinakalumang talaan na naglalaman ng mga ulat ukol sa mga sakit sa balat ay ang Ebers Papyrus na mula sa Ehipto noong 1500 B.C. Sa talaang ito ay inilarawan ang iba’t ibang kondisyon sa balat, kasama na ang mga tumor, mga pamamantal, at ulser. Inilarawan din dito ang mga gamot at mga iba’t ibang paraan ng paglunas sa mga sakit na ito.

Noon namang 1572 ay nakumpleto ni Geronimo Mercuriali ng Forli, Italya, ang De morbis cutaneis, isang talaan ng mga sakit sa balat. Kinilala ito bilang kauna-unahang siyentipikong paggawa na ukol sa dermatology. At noon namang 1799, sinulat ni Francesco Bianchi ang aklat na Dermatologia, isang komprehensibong aklat ng modernong pag-aaral ukol sa balat para sa mga mag-aaral sa larangan ng medisina.

Noon namang 1801, naitatag ang kauna-unahang paaralan ukol sa pag-aaral sa balat sa Hôspital Saint-Louis sa Paris.

Mga Katangian

Dahil sa dami ng mga sakit sa balat, napakarami rin ng mga sintomas nito. Subalit, dapat malamang hindi lahat ng sintomas na makikita sa balat ay dulot ng sakit. Maaaring ang ilan sa mga ito ay bunga ng iba pang uri ng problema, kagaya ng mga paltos na dulot ng pagsusuot ng bagong sapatos, o kaya ay pagkakaroon ng gasgas sa mga singit dahil sa pagsusuot ng masikip na pantalon.

Ang ilan sa mga karaniwang katangian ng mga sakit sa balat ay kagaya ng mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng mga butlig na maaaring kulay pula o puti
  • Pagkakaroon ng mga pantal na maaaring mahapdi o kaya ay makati
  • Pagkakaroon ng paggaspang o kaya ay pangangaliskis ng balat
  • Pagkakatuklap ng balat
  • Pagkakaroon ng ulser sa balat
  • Pagkakaroon ng mga bukas na sugat
  • Pagkakatuyo o pagbibitak ng balat
  • Pagkakaroon ng patse-patse na iba-iba ang kulay sa balat
  • Pagkakaroon ng mga kulugo sa balat
  • Pagkakaroon ng pagbabago sa laki at kulay ng mga nunal
  • Pagkawala ng kulay ng balat
  • Pagkakaroon ng labis na pamumula

Mga Sanhi

Marami sa mga uri ng sakit sa balat ay napaka-kati. Narito ang ilan sa mga ganitong uri ng kondisyon at ang kanilang mga sanhi:

  • Dermatitis. Ito ay ang pamamaga ng balat
  • Eczema. Ito ay pabalik-balik na uri ng sakit sa balat na mayroong pangangati at pangangaliskis nito
  • Psoriasis. Isa itong uri ng autoimmune na sakit na nagdudulot ng pamumula, pagtigas, at paghapdi ng balat
  • Dermatographism. Ito ay naka-umbok na pantal na karaniwang namumula at makati bunga ng labis na pressure sa balat

Mayroon ding mga uri ng sakit na dulot ng bacterial o kaya ay ng viral na uri ng mga impeksyon, kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Bulutong
  • Impeksyong dulot ng mga pinworms
  • Pamamantal na dulot ng fungi
  • Pangangati bunga ng mga mites at mga surot
  • Pangangating bunga ng mga kuto
  • Pangangating dulot ng galis
  • Tigdas (measles)

May ilang uri naman ng mga sakit sa balat na dulot ng mga irritant. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang:

  • Poison ivy
  • Poison oak
  • Kagat ng lamok
  • Pangangating dulot ng ilang uri ng tela
  • Pangangating dulot ng mga pabango, sabon, o pampakulay ng buhok
  • Mga allergens na matatagpuan sa ilang uri ng pagkain (umaapekto ito sa mga taong nakararanas ng alerhiya sa ganitong uri ng mga sangkap)

Mayroon ding mga pangloob na mga kondisyong nagdudulot ng sakit sa balat. Kabilang dito ay ang mga sumusunod:

  • Anemia
  • Cirrhosis o ang pagkakaroon ng peklat sa atay
  • Leukemia
  • Lymphoma
  • Mga sakit sa nervous system
  • Mga sakit sa thyroid
  • Pagbabara ng daluyan ng bile
  • Pagtigil sa paggana ng kidney

Ang ilan naman na uri ng sakit na nakaaapekto sa mga ugat ay maaari ring magdulot ng kondisyon sa balat. Ang ilan sa mga ito ay ang:

Samantala, may mga uri naman ng gamot na nagdudulot ng pamamantal at pangangati sa balat, lalo na sa mga may allergic reaction sa mga ito. Ang mga gamot na ito ay kagaya ng mga sumusunod:

  • Mga antifungal na gamot
  • Mga ilang uri ng antibiotic
  • Mga narcotic painkiller
  • Mga anticonvulsant na mga gamot

Ang mga nagbubuntis ay maaari ring makaranas ng iba’t ibang uri ng pangangati sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang stress ay maaari ring magdulot ng sakit sa balat, kagaya ng mga sumusunod:

  • Eczema
  • Psoriasis
  • Acne
  • Rosacea
  • Ichthyosis
  • Vitiligo
  • Hives
  • Seborrheic dermatitis
  • Alopecia areata

Maging ang araw (sun) ay maaari ring magdulot ng sakit sa balat, lalo na kapag sobrang nalantad sa sikat nito. Ang ilan sa mga kondisyon sa balat na maaaring idulot ng pagkakabilad sa araw ay ang mga sumusunod:

  • Pagbabago ng mga nunal
  • Pagkakaroon ng mga kulubot sa balat
  • Pagkakaroon ng sunburn
  • Actinic keratosis o ang pangangaliskis ng balat dahil sa sikat at init ng araw
  • Pagkakaroon ng kanser sa balat
  • Pagkakaroon ng kondisyon kung saan nagiging maselan sa sikat ng araw ang balat

Mga mikrobyo at iba pang organismong nagdudulot ng mga sakit sa balat

Narito naman ang iba’t ibang uri ng mga sakit sa balat na dulot ng bacteria:

Ang mga sakit naman sa balat na dulot ng virus ay ang mga sumusunod:

  • Shingles (herpes zoster)
  • Bulutong (chickenpox)
  • Molluscum contagiosum
  • Mga kulugo (warts)
  • Tigdas
  • Sakit na kung tawagin ay hand, foot, and mouth disease

Mayroon din namang mga sakit sa balat na bunga ng fungi. Ang mga ito ay karaniwang umaapekto sa mga mamasa-masa na bahagi ng katawan, kagaya ng sa mga pagitan ng daliri sa paa o sa kilikili. Ang iba sa mga ito ay hindi naman nakahahawa at hindi nakamamatay. Ang mga sakit na ito ay kagaya ng mga sumusunod:

Mayroon ding mga parasitiko na nagdudulot ng sakit sa balat. Ang mga sakit na bunga ng kagat ng mga  ito ay maaari ring umapekto sa ibang bahagi ng katawan, maging sa dugo. Ang mga parasitikong ito ay ang mga sumusunod:

  • Mga kuto
  • Mga surot
  • Mga galis
  • Cutaneous larva migrans

Anu-ano naman ang mga salik na maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng sakit sa balat?

Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa balat

Ang mga sakit sa balat ay maaaring umapeto kaninuman. Subalit, higit na mataas ang panganib na magkaroon ng alinman sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Mga taong may kakulangan sa kalinisan sa katawan o kaya sa paligid
  • Mga taong namamalagi sa mga lugar kung saan ay may kumakalat na impeksyon sa balat
  • Mga nagtatrabaho sa ospital
  • Mga nagbubuntis
  • Mga may kondisyon sa atay
  • Mga mayroong allergic reaction sa mga uri ng pagkain, balahibo ng hayop, o kaya mga kemikal
  • Mga taong may mahihinang resistensya
  • Mga taong may mataas na antas ng stress sa uri ng hanap-buhay o pamumuhay
  • Mga nakikipagtalik nang walang suot na sapat na proteksyong kagaya ng condom

Paggamot at Pag-Iwas

Ang doktor na maaaring sangguniin ukol sa mga sakit sa balat ay ang dermatologist. Sila ang magpapayo kung anong uri ng lunas ang ilalapat sa uri ng sakit sa balat na mayroon ang isang pasynte.

Marami sa mga sakit sa balat ang maaaring gamutin. Ang ilan sa mga karaniwang gamot o paraan upang lunasan ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Mga antihistamine.  Ito ay karaniwang ginagamit upang lunasan ang mga allergic reaction sa balat.
  • Mga medicated cream at mga ointment. Karaniwang nilulunasan nito ang pangangati.
  • Mga antibiotic. Ginagamot nito ang mga sakit sa balat na dulot ng bacteria.
  • Mga steroid injection. Ginagamit ito upang lunasan ang pamamagang dulot ng sakit sa balat.
  • Laser therapy. Karaniwan itong ginagamit upang maalis ang anumang mga imperfection sa balat.
  • Mga targeted prescription medication. Ang mga ito ay ginagamit upang patayin ang mga impeksyon sa mga tiyak na bahagi ng katawan.

Anu-ano naman ang mga maaaring gawin upang makaiwas sa ilang uri ng sakit sa balat?

Pag-iwas sa mga sakit sa balat

Dapat maunawaang may ilang uri ng mga sakit sa balat na hindi maiiwasan, lalo na ang mga namamanang kondisyon at ang iba pang mga sakit na bunga ng iba pang karamdaman, kagaya ng tigdas.

Para naman sa ilang uri ng mga sakit sa balat, narito ang ilang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ito:

Image Source: unsplash.com

  • Ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig na may katamtamang init
  • Iwasan ang pagpapagamit ng mga kagamitan sa pagkain at ang mga inumin sa ibang tao
  • Iwasan ang pagkakadikit sa taong may sakit sa balat
  • Linisin ang mga kagamitan sa mga pampublikong lugar, kagaya ng sa mga gym, bago gamitin ang mga ito
  • Iwasan ang pagpapahiram sa mga personal na kagamitan, kagaya ng mga kumot, suklay, o kaya damit panligo
  • Sikaping makatulog nang hindi bababa sa pitong oras gabi-gabi
  • Ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig
  • Iwasan ang mga pisikal at emosyonal na stress
  • Piliin lagi ang mga masusustansyang pagkain
  • Magpabakuna laban sa mga nakahahawang sakit sa balat, kagaya ng bulutong

Mayroon ding mga sakit sa balat na hindi nakahahawa na maaaring iwasan. Kabilang sa mga ito ang taghiyawat at ang atopic dermatitis. Narito naman ang ilan sa mga maaaring gawin upang maiwasan ang mga sakit na ito:

  • Regular na paghuhugas ng mukha gamit ang banayad na cleanser at tubig
  • Paggamit ng mga moisturizer
  • Pag-iwas sa mga allergen na sa paligid at pagkain
  • Pag-iwas sa mga matatapang na mga sangkap na maaaring maka-irita sa balat
  • Pagtulog nang sapat
  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pagpili sa mga masusustansyang pagkain
  • Pag-iwas na malantad ang balat sa labis na lamig, init, o ihip ng hangin

Makatutulong din nang malaki sa pangangalaga sa balat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa iba’t ibang uri ng mga sakit na maaaring umapekto rito. Kaya, narito ang talaan ng mga sakit at iba’t ibang kondisyon sa bahaging ito ng katawan.

Mga Uri ng Sakit

Narito ang iba’t ibang uri ng mga sakit sa balat:

  • Acanthosis nigricans. Ang sakit na ito ay makikilala sa pamamagitan ng mga maiitim, makinis, at makakapal na pamamantal na matatagpuan sa mga tupi ng balat. Ito ay karaniwang umaapekto sa kilikili, singit, at leeg.
  • Acne. Nagkakaroon ang balat ng acne kapag ang mga follicle ng buhok ay nabarahan ng mga patay na selula ng balat o kaya ng sebo. Nagdudulot ito ng ng pagkakaroon ng mga taghiyawat, whitehead, at ng blackhead na matatagpuan sa mukha, noo, dibdib, itaas na bahagi ng likod, maging sa balikat.
  • Acne scars. Ang mga ito ay ang mga peklat na nalabi sa gumaling na mga taghiyawat. Maaari rin itong bunga ng pagpiga o pagtiris sa mga
  • Actinic keratosis. Ang kondisyong ito ay ang magaspang na pangangaliskis ng balat bunga ng ilang taong pagkakabilad sa sikat ng araw. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mukha, sa mga labi, sa mga tenga, sa mga kamay, sa mga bisig, maging sa anit o leeg.
  • Alopecia areata. Ito ay isang uri ng autoimmune na sakit na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok.
  • Atopic dermatitis. Ito ay kilala rin bilang Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng pamumula at pangangati ng balat at maaaring may kasamang hay fever o kaya ay hika.
  • Balakubak (Dandruff). Ang sakit na ito sa balat ay pangunahing umaapekto sa anit. Sa kondisyong ito ay natutuklap ang balat sa anit at nagdudulot ng pangangati.
  • Balat (Birthmarks). Ang balat ay palatandaan na karaniwang may kulay kayumanggi na nasa ilalim ng balat. Ito ay nag-uumpisa bago pa ipanganak ang sanggol o kaya ay pagkaraang ito ay maipanganak. Ito ay maaaring bunga ng mga pigment sa balat, o kaya ay mga ugat na hindi wasto ang pagkakabuo sa ilalim ng balat.
  • Basal cell carcinoma. Ito ay isang uri ng kanser sa balat. Ang mga basal cell ay mga uri ng selula na gumagawa ng mga bagong selula ng balat.
  • Bulutong (Chicken pox). Ang bulutong ay isang nakahahawang impeksyon na dulot ng virus na varicella-zoster. Bagama’t ang mga bata ang karaniwang nagkakaroon nito, maaari rin nitong maapektuhan ang mga may sapat nang edad. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga makakating pantal na may lamang likido.
  • Buni (Ringworm). Isa itong uri ng impeksyong dulot ng fungi na namumuo sa mga patay na selula ng balat, buhok, at mga kuko. Napaka-kati ng kondisyong ito.
  • Bungang araw (Prickly heat rash). Ito ay isang pangkaraniwang sakit sa balat na tinatawag ding miliaria rubraprickly heat, o kaya ay heat rash.
  • Cellulitis. Ito ay isang uri ng karaniwang impeksyong dulot ng Ang apektadong bahagi ng balat ay namamaga at karaniwang nananakit. Ito ay karaniwang umaapekto sa binti, sa mukha, maging sa mga braso.
  • Cold sores. Ang mga ito ay mga uri ng paltos na nagsusugat na karaniwang umaapekto sa labi, baba, pisngi, sa gilagid, sa bibig, maging sa loob ng ilong. Maaari itong nagdudulot ng pananakit at pangangati sa apektadong bahagi. Kapag pumutok ang mga paltos, tumitigas ang bahagi ng balat na apektado nito.
  • Contact dermatitis. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng pangangati at pamumula ng balat na may kasamang pamamantal bunga ng mga Hindi ito nakahahawa.
  • Diaper rash. Ito ay bunga ng napabayaang basang diaper na suot-suot ng sanggol. Napaka-kati nito at maaari ring magdulot ng pagsusugat.
  • Dermatofibrosarcoma protuberans. Ito ay isang bihira na uri ng kanser na umaapekto sa ilalim na bahagi ng balat. Ayon sa paglalarawan, ang kondisyong ito ay may mga galamay na maaaring tumubo sa mga taba, kalamnan, maging sa mga buto sa paligid nito.
  • Dyshidrotic eczema. Tinatawag din itong dyshidrosis. Ito ay isang uri ng kondisyon na nagdudulot ng pagkakaroon ng paltos sa talampakan maging sa mga palad. Ang mga paltos na ito ay napaka-kati at may lamang likido. Ang sakit na ito ay maaaring dulot ng mga
  • Eczema. Ang sakit na ito ay ang pagkakaroon ng mga patse na namamaga, makati, namumula, magaspang, at nagbibitak. Maaari ring itong magdulot ng pagkakaroon ng paltos sa balat.
  • Genital herpes. Ito ay uri ng herpes na panguhaning umaapekto sa balat sa paligid ng ari. Ito ay dulot ng herpes simplex virus (HSV). Kumakalat ito sa pamamgitan ng pakikipagtalik.
  • Genital warts. Ang mga ito ay nakahahawang kondisyon sa balat na dulot ng virus na human papillomavirus (HPV). Karaniwan itong umaapekto sa balat sa paligid ng ari.
  • German Measles (Rubella). Ang sakit na ito ay dulot ng rubella virus at may mga sintomas na may hawig sa karaniwang tigdas.
  • Herpes simplex. Ang sakit na ito ay isang uri ng impeksyong dulot ng Umaapekto ito sa bibig, sa ari, o sa paligid ng butas ng puwet. Ito ay nakahahawa at nagdudulot ng pagsusugat sa apektadong bahagi ng balat.
  • Hidradenitis suppurativa. Ito ay isang pangmatagalan at masakit na kondisyon sa balat na may pagnanana at pagkakaroon ng peklat nito. Hindi pa matiyak ang sanhi nito, subalit ito ay namumuo malapit sa mga follicle ng buhok at sweat glands sa paligid ng puwet, singit, suso, at kilikili.
  • Hives. Ang sakit na ito ay tinatawag ding urticaria. Ito ay ang pagkakaroon ng namamaga na mamula-mulang bukol sa balat. Maaaring ito ay bunga ng mga allergen at napaka-kati o mahapdi.
  • Hyperhidrosis. Ito ay ang labis na pagpapawis ng mga kilikili, palad, at mga talampakan.
  • Impetigo. Ang sakit na ito ay karaniwan at labis na nakahahawa. Ang karamihan sa mga naapektuhan nito ay ang mga sanggol at mga bata. Ang impetigo ay namumuo sa mukha, lalo na sa may ilong at bibig, maging sa mga kamay at paa.
  • Ichthyosis vulgaris. Ang sakit na ito ay isang uri ng ichthyosis, isang grupo ng mga magkakaugnay na kondisyon sa balat. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng balat ng kakayahan na alisin ang mga patay na selula nito na nagbubunga naman ng pagkapal nito.
  • Kanser sa balat (Skin cancer). Ang sakit na ito ay ang pagkakaroon na abnormal na pagdami ng mga selula ng kanser sa balat. Ito ay karaniwang dulot ng labis na pagkakalantad sa sikat ng araw.
  • Keloids. Ang mga ito ay mga nakaumbok na mga peklat. Nagkakaroon nito kapag gumaling na ang sugat sa balat. Subalit, hindi katulad ng karaniwang peklat, ang mga keloid ay mas malaki kaysa sa naunang sugat.
  • Keratosis pilaris. Ito ay karaniwan, subalit hindi nakakapinsala na uri ng sakit sa balat. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng tuyo at magaspang na patse sa balat ng braso, hita, pisngi, o sa puwet. Karaniwan ay hindi ito masakit o makati.
  • Ketong (Leprosy). Tinatawag din itong Hansen’s disease. Ito ay isang uri ng pabalik-balik na impeksyong dulot ng Mycobacterium leprae. Ang pangunahing naapektuhan nito ay ang balat, subalit maaari ring umapetko sa iba pang bahagi ng katawan.
  • Kulugo (Warts). Ang mga ito ay impeksyong dulot ng humanpapilloma virus, o HPV. Iba’t iba ang mga uri ng kulugo na idinudulot nito na ang karamihan ay tumutubo malapit sa ari.
  • Lichen planus. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pamamga ng balat na may kasamang makakating pantal. Ito ay hindi nakahahawa at ipinalalagay na maaaring isang uri ng autoimmune na uri ng sakit.
  • Lupus. Ang sakit na ito ay isang uring ng systemic autoimmune na kondisyon. Nagkakaroon nito kapag inaatake ng immune system ang ibang mga bahagi ng katawan. Dahil dito, maaaring mamaga o magkaroon ng iba pang kondisyon ang balat.
  • Melanoma. Ito ay isang uri ng kanser sa balat na nag-uumpisa sa mga selula na nagtataglay ng melanocytes, mga sangkap na nagbibigay ng kulay sa balat. Maaari rin itong umapekto sa bibig, sa mga bituka, o sa mga mata.
  • Melasma. Ito ay isang uri ng karaniwang sakit sa balat. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga kayumanggi na patse, lalo na mukha.
  • Merkel cell carcinoma. Ito ay isang bihirang uri ng kanser sa balat na tinatawag ding neuroendocrine carcinoma of the skin. Nagdudulot ito ng pagkukulay pulang-asul ng balat sa mukha, ulo, o leeg.
  • Mga Nunal (Moles). Karaniwan ang mga nunal sa balat. Karamihan sa mga tao ay mayroon nito. Ang mga ito ay ang pamumuo ng mga pigment, o mga sangkap na nagbibigay kulay sa balat. Ang mga taong mapuputi ay tila may mas maraming mga nunal.
  • Molluscum contagiosum. Ang sakit na ito ay isang uri ng impeksyon na dulot ng poxvirus (molluscum contagiosum virus). Dahil sa sakit na ito ay nagkakaroon ng mga pagsusugat sa iba’t ibang bahagi ng buong balat.
  • Nail fungus. Ito ay ang pagkakaroon ng mga puti batik sa loob ng mga kuko. Kalaunan, mag-iiba ang kulay ng mga kuko at magkakaroon ng mga bitak sa dulo nito.
  • Neurodermatitis. Nag-uumpisa ang sakit na ito bilang makakati na patse sa balat. Lalo itong kumakati kapag kinakamot. Habang kinakamot, ang apektadong bahagi ay kumakapal.
  • Nickel allergy. Ito ay dulot ng allergic contact dermatitis o isang makataing pamamantal na namumuo kapag ang balat ay nadikit sa mga bagay na may nickel, kagaya ng alahas, barya, zipper, o frame ng salamin.
  • Nummular dermatitis. Ang sakit na ito ay tinatawag ding nummular eczema o discoid eczema. Ito ay pabalik-balik na kondisyon na nagdudulot ng pagkakaroon ng mistulang barya na mga batik o sugat sa balat. Karaniwang makati ang mga ito.
  • Pagkalagas ng buhok (Hair loss). Ang kondisyong ito ay kilala rin bilang alopecia. Bagama’t maaaring malagasan ng buhok ang alinmang bahagi ng balat na mayroon nito, ito ay karaniwang nangyayari sa ulo.
  • Pagkalat ng mga kuto sa ulo (head lice infestation). Ang mga kuto ay mga uri ng parasitiko na namamahay sa anit. Ang mga ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsisip ng dugo ng
  • Pagkatuyo ng balat (Dry skin) – Ang pagkatuyo ng balat ay isang uri ng kondisyon kung saan ang balat ay nangangaliskis, nangangati, at nagbibitak. Maaari itong makaapekto sa alinmang bahagi ng katawan.
  • Peklat (Scars). Ang mga peklat ay mga tumubong balat sa ibabaw ng bahaging nasugatan. Ito ay normal na tugon ng katawan sa anumang uri ng sugat sa ikagagaling ng mga ito.
  • Pemphigus. Ang sakit na ito ay hindi pangkaraniwan na uri ng autoimmune na kondisyon na umaapekto sa balat at sa mga mucous membranes.
  • Pigsa (Boil). Ang mga ito ay mga uri ng impeksyong dulot ng Namumuo ito sa mga follicle ng buhok maging sa mga oil glands. Karaniwan itong namumuo sa mga bahagi ng balat na kumikiskis, kagaya ng sa singit, kilikili, at puwet. Ito ay mahapdi at may lamang nana.
  • Pityriasis rosea. Ito ay isang uri ng sakit sa balat na nagdudulot ng mga pamamantal. Maaari itong mawala nang kusa kahit walang gamot makaraan ang may anim hanggang walong linggo.
  • Psoriasis. Ang sakit na ito ay isang uri ng immune-mediated na kondisyon o abnormal na paggana ng resistensya. Makikilala ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng naka-angat nga mga mapupulang mala-kaliskis na patse sa balat. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga siko, tuhod, anit, at maging isa iba pang bahagi ng katawan. Ang sakit na ito sa balat ay makati at mahapdi.
  • Psoriatic arthritis. Ito ay isang uri ng arthritis na kasunod ng pagkakaroon ng psoriasis.
  • Rosacea. Ito ay isang uri ng karaniwang sakit sa balat. Ito ay nagdudulot ng pamumula ng balat sa ilong, pisngi, noo, maging sa baba.
  • Galis (Scabies). Ang sakit na ito ay dulot ng mga maliliit na parasitikong sarcoptes scabiei na nagiging sanhi ng pangangati at pamamantal. Ito ay nakahahawa sa pamamagitan ng pagkakadikit ng balat sa taong apektado nito.
  • Scalp psoriasis. Isa itong uri ng psoriasis na matatagpuan sa anit. Maaari itong kumalat sa noo, sa likod ng leeg, o kaya ay sa likod ng mga tenga.
  • Scerloderma. Ang sakit na ito ay tinatawag ding systemic sclerosis. Ito ay pabalik-balik na kondisyon sa mga connective tissue.
  • Sebaceous carcinoma. Ang sakit na ito ay isang uri ng hindi pangkaraniwang kanser na tumutubo mula sa isa sa mga oil gland ng balat. Madalas na sa mga talukap ng mata ito nag-uumpisa.
  • Seborrheic dermatitis. Tinatawag din itong seborrheic eczema. Ito ay isang uri ng karaniwang kondisyon sa balat na nagdudulot ng pamumula at ng mga patse-patseng pangangaliskis. Karaniwan itong matatagpuan sa anit, subalit maaari ring matagpuan sa mga masesebong bahagi ng balat.
  • Seborrheic keratosis. Ito ay isang uri ng ng bukol na hindi naman nagdudulot ng kanser. Maaari itong tumubo sa likod o kaya ay sa dibdib, subalit maaari ring matagpuan sa iba pang bahagi ng katawan.
  • Shingles. Ito ay tinatawag ding herpes zoster. Nagkakaroon nito kapag ang virus ng bulutong na hindi aktibo sa dugo ay muling nabuhay.
  • Squamous cell carcinoma. Ang sakit na ito ay pangalawa sa pinaka-karaniwang uri ng kanser sa balat. Matatagpuan ito sa mga bahagi ng balat na napinsala ng UV rays, kagaya ng sa ulo, dibdib, leeg, itaas na bahagi ng likod, mga tenga, mga braso, mga hita, maging mga kamay. Ang kanser na ito ay mabagal ang pag-usbong.
  • Stasis dermatitis. Ang kondisyong ito ay ang pag-iiba ng kulay ng balat bunga ng pamumuo ng dugo sa mga veins sa binti.
  • Tigdas (Measles o Rubeola). Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ito ay dulot ng rubeola virus na bukod sa iba pang mga sintomas ay nagdudulot din ng pangangati at pamamantal sa balat.
  • An-an (Tinea versicolor). Ang sakit na ito ay isang uri ng karaniwang impeksyon na dulot ng fungus. Nagbubunga ito ng pag-iiba ng kulay ng balat.
  • Vitiligo. Ang kondisyong ito ay ang pangmatagalan na pagkakaroon ng mga patse-patseng pamumuti ng balat bunga ng kakulangan sa melanin, isang uri ng sangkap na nagbibigay kulay sa balat. Maaari itong umapekto sa alinmang bahagi ng katawan, subalit higit na karaniwan ito sa mukha, leeg, mga kamay, maging sa mga singit ng balat.

Sanggunian