Buod

Image Source: toxtutor.nlm.nih.gov

Sa Pilipinas, ang mga sakit sa bato o kidney disease ay isa sa mga pinaka-nakamamatay na uri ng sakit. At dahil na rin sa ginagampanan ng mga bato (kidney) ng katawan, maituturing ang mga ito na kasinghalaga ng puso, utak, atay, at mga baga. Ang mga bato ay bahagi ng renal o urinary system na kinabibilangan din ang mga ureter, bladder (pantog), at urethra. Sa pagtutulungan ng mga bahaging ito, ang mga dumi sa katawan gaya ng ihi ay nailalabas.

Ang pangunahing ginagawa ng mga bato ay magsala ng dumi sa dugo upang maging ihi. Ang mga ureter naman ang mga tubo na nagdadala ng ihi papuntang pantog. Ang pantog ay nagsisilbing taga-ipon ng ihi at kapag kailangan na itong ilabas, dadaan ito sa urethra.

Bukod sa pagsasala ng dumi sa dugo, ang mga bato ay nagpapanatili rin ng tamang balanse ng tubig at mga mineral sa katawan gaya ng sodium, potassium, at phosphorus. Gumagawa rin ang mga bato ng renin enzyme upang mapanatiling normal ang presyon ng dugo. Ang mga bato rin ang gumagawa ng erythropoietin, isang sangkap na naghuhudyat upang gumawa ng mas maraming mga red blood cell ang katawan. May ginagampanan din ang mga bato sa pagproseso ng vitamin D upang mas maging malusog ang mga buto.

Sa dami ng ginagawa ng mga bato, hindi malayong magkaroon ng problema ang mga ito. Sa katunayan, maaaring magkaroon ng iba’t ibang uri ng sakit sa bato lalo na kung hindi malusog ang paraan ng pamumuhay ng isang tao. Maaaring magkaroon ng sakit sa bato kung ang isang tao ay naninigarilyo, labis na umiinom ng alak, labis na kumakain ng maaalat at matatabang pagkain, at marami pang iba. Maaari ring magkaroon ng sakit sa bato na bunga ng komplikasyon mula sa ibang karamdaman.

Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng sakit sa bato, maaaring siyang makaranas ng panunuyo ng balat, pamamaga ng paligid ng mga mata, pamamanas ng mga paa, pananakit ng mga kalamnan, kawalan ng kontrol sa pag-ihi, pag-iiba ng kulay at dami ng ihi, pagkakaroon ng dugo o mabulang ihi, kawalan ng gana sa pagkain, matinding pagkapagod, hindi makatulog nang maayos, at iba pa.

Batay naman sa uri ng sakit sa bato at tindi ng kondisyon, iba’t ibang paraan ang maaaring panglunas dito. Maaaring magbigay ang doktor ng mga gamot upang maibsan ang mga sintomas ng pasyente o kaya naman ay isasailalim ang pasyente sa dialysis, kidney transplant, o operasyon.

Kasaysayan ng sakit sa bato

Natukoy ang sakit sa bato o kidney disease bilang isang uri ng sakit matapos magsulat si Richard Bright ng isang libro na pinamagatang Reports of Medical Cases noong 1827. Dito inilahad ni Bright ang mga katangian ng sakit sa bato at kung ano ang magiging epekto nito sa buong katawan. Dahil dito, ang anumang uri ng sakit sa bato ay tinawag na Bright’s disease bilang pagkilala sa kaniyang pananaliksik.

Dahil sa isinulat ni Bright, nagbigay-daan ito sa ibang mananaliksik upang maisagawa ang kauna-unahang urine testing o pagsuri ng ihi upang malaman kung may sakit sa bato. Bukod dito, nagkaroon din ng inspirasyon ang ibang mananaliksik na alamin ang iba’t ibang uri ng sakit sa bato gaya ng acute nephritis at ang pagkaka-ugnay ng sakit sa bato at altapresyon.

Pagsapit ng ika-20 na siglo, naging mas malinaw kung ano ang ginagampanan ng mga bato sa katawan matapos itong ilahad ni Homer Smith. Nagbigay-daan naman ito upang makagawa ang mga doktor at mananaliksik ng mga angkop na gamot at lunas para sa iba’t ibang uri ng sakit sa bato.

Noon namang 1945, naisagawa ni Willem Kolff ang kauna-unahang matagumpay na hemodialysis. Ang paraan ng paggamot na ito ay gumagamit ng isang makina na tumutulong sa pagsala ng mga dumi ng dugo kung ang mga bato ay hindi na gumagana nang maayos.

Noong 1954, naisagawa naman ang kauna-unahang matagumpay na kidney transplant sa pasyenteng kambal sa pangunguna ni Joseph E. Murray. Sa patuloy na pag-aaral ni Murray sa immunology, nadiskubre niya rin na maaaring isagawa ang kidney transplant kahit hindi magkadugo ang magbibigay at ang tatanggap ng organ. Sa pamamagitan ng paggamit ng immunosuppressive therapy, nagawa ni Murray at ng kaniyang grupo na isagawa ang kidney transplant sa pagitan ng mga taong hindi magkadugo.

Mga Katangian

Ang mga bato o kidney ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang uri ng sakit. Bagama’t maraming uri nito, mayroong mga pangkaraniwang sintomas na maaaring maranasan ng pasyente, gaya ng mga sumusunod:

  • Panunuyo ng balat. Ang mga bato ay pinapanatiling balanse ang dami ng tubig at mineral sa katawan. Kaya, ang panunuyo ng balat ay senyales na hindi nagagampanan ng mga bato ang tungkulin nilang ito.
  • Pamamaga ng mukha o paligid ng mga mata. Ang pamamaga ng mukha o paligid ng mga mata ay senyales din na may problema ang mga bato. Kapag nangyari ito, nangangahulugan na may protinang sumama sa ihi. Ito ay hindi dapat nangyayari sapagkat ang protina ay dapat manatili lamang sa mga kalamnan ng katawan.
  • Pamamanas ng mga paa. Kung napapansin na tila lumalaki ang mga paa, maaaring ang mga ito ay namamanas. Ang pamamanas ng mga paa ay isa rin sa mga sintomas ng sakit sa bato. Kung hindi man sakit sa bato, maaaring ang puso o atay ang may problema sa pasyente.
  • Pananakit ng mga kalamnan. Kung ang mga bato ay may pinsala, maaaring tumaas o bumaba ang dami ng mga mineral sa katawan gaya ng calcium at Kapag ang dami ng mga mineral na ito ay hindi napangasiwaan nang mabuti, maaaring magdulot ito ng pananakit ng mga kalamnan.
  • Kawalan ng kontrol sa pag-ihi. Ang madalas na pag-ihi o kawalan ng kontrol sa pag-ihi (incontinence) lalo na habang tulog ay senyales na may problema ang mga bato. Kung ang mga bato ay walang pinsala, dapat ay nakokontrol ng pasyente ang kaniyang pag-ihi, lalo na tuwing gabi.
  • Pag-iiba ng kulay at dami ng ihi. Ang normal na kulay ng ihi ay dapat malinaw na may pagka-dilaw (clear, light yellow). Pero kapag may sakit sa bato, maaari itong maging dark yellow, brown, pula, at kulay ube. Tungkol naman sa dami ng ihi, kadalasang umuunti ito kapag may sakit sa bato.
  • Pagkakaroon ng ihi na mabula o may dugo. Ang pagkakaroon ng dugo sa ihi ay hindi pangkaraniwan. Maaaring ito ay hudyat ng impeksyon sa ihi, pagkakaroon ng tumor, o mga kidney stone. Kapag naman ang ihi ay mabula, nangangahulugan ito na may sumamang protina sa ihi at hindi rin ito normal.
  • Kawalan ng gana sa pagkain. Kung may sakit sa bato, naiipon ang mga dumi sa dugo at katawan na nagreresulta sa masamang pakiramdam. Dahil dito, maaaring mawalan ang pasyente ng gana sa pagkain. Bukod dito, ang mga may sakit sa bato ay nakararanas ng pag-iba ng panlasa. Ayon sa karamihan ng pasyente, ang pagkain ay naglalasang metal.
  • Pakiramdam na laging pagod. Gaya ng nabanggit, ang mga bato ay tumutulong sa paggawa ng mga bagong red blood cell. Ito ay ang mga selula ng dugo na nagdadala ng oxygen at nutrisyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kapag nagkaproblema ang mga bato, uunti rin ang mga selulang ito. Dahil dito, ang utak at mga kalamnan ng katawan ay hindi nakatatanggap ng sapat na oxygen at nutrisyon kaya nakararamdam ang pasyente ng pagkapagod.
  • Hindi makatulog nang maayos. Maaaring hindi rin makatulog nang maayos ang mga pasyenteng may sakit sa bato sapagkat ang mga dumi sa katawan ay hindi nailalabas.
  • Pakiramdam na laging nilalamig. Kapag ang isang tao ay mayroong sakit sa bato, mababa rin ang bilang ng kaniyang red blood cells. Dahil dito, nagiging anemic ang pasyente at pakiramdam niya ay lagi siyang nilalamig kahit mainit ang panahon.
  • Hirap sa paghinga. Maaari ring makaranas ng hirap sa paghinga ang pasyente sapagkat ang sobrang tubig sa katawan ay hindi nailalabas. Maaaring maipon ito sa mga baga ng pasyente na siyang nagdudulot ng hirap sa paghinga.
  • Pagkahilo at panghihina. Dahil kulang ang mga red blood cell, hindi nakatatanggap ang utak ng sapat na oxygen at nutrisyon. Kaya naman, ang pasyente ay laging nakararamdam ng pagkahilo at panghihina.
  • Pangangati ng katawan. Sa pagkapinsala ng mga bato, ang mga dumi sa katawan ay naiipon at nagdudulot ito ng pangangati sa balat, kalamnan, at mismong sa loob ng katawan.
  • Pagkakaroon ng mabahong hininga. Kung may sakit sa bato ang pasyente, maaaring bumaho ang kaniyang hininga at mag-amoy ihi, ammonia, o malansang isda.
  • Pagduduwal, pagsusuka, at pananakit ng tiyan. Dahil hindi nasasala ang mga dumi sa dugo, nagkakaroon ng uremia o pagkalason ng dugo ang pasyente. Kapag may uremia, kadalasang nakararamdam ng pagduduwal, pagsusuka, at pananakit ng tiyan.

Mga Sanhi

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng kidney disease o sakit sa bato. Kabilang na rito ang mga sumusunod:

  • Hindi malusog ang pamumuhay. Maaaring magkaroon ng sakit sa bato kung ang isang tao ay hindi malusog ang pamumuhay. Ang mga kalimitang nakapipinsala sa mga bato ay ang:
    1. Paninigarilyo
    2. Labis na pag-inom ng alak
    3. Labis na pagkain ng maaalat at matatabang pagkain
    4. Hindi sapat na iniinom na tubig
    5. Kakulangan sa pag-eehersisyo
  • May ibang kondisyon o karamdaman. Bukod sa hindi pagkakaroon ng malulusog na pamumuhay, maaari ring magkasakit sa bato ang isang tao kapag siya ay may ibang kondisyon o karamdaman, gaya ng mga sumusunod:
    1. Diabetes
    2. Altapresyon
    3. Kanser
    4. Impeksyon
    5. Sakit sa puso
    6. Sakit sa metabolismo
    7. Autoimmune disease, gaya ng lupus
  • Madalas at matagal na pag-inom ng mga gamot. Hindi lamang ang atay ang naaapektuhan kapag palagiang umiinom ng mga gamot. Maging ang mga bato ay maaaring magkapinsala dahil dito. Ilan lamang sa mga gamot na maaaring magdulot ng sakit sa bato ay:
    1. Mga analgesic o pain reliever
    2. Gamot sa utak gaya ng lithium
    3. Gamot sa kanser
  • Aksidente o trauma. Kung ang mga bato ay napinsala dahil sa aksidente o trauma, maaaring magkasakit sa bato. Ilan lamang sa mga aksidente o trauma na maaaring makapinsala sa bato ay ang pagkasunog, pagsaksak, maging ang pagsasailalim sa operasyon. Alinman sa mga nabanggit ay maaaring magdulot ng komplikasyon o pinsala sa bato.
  • Namana sa pamilya. Maaari ring mamana ang sakit sa bato. Kabilang sa mga namamanang sakit ay polycystic kidney disease (PKD) at Alport syndrome. Sa PKD, nagkakaroon ng ubas-ubas na bukol ang mga bato. Samantalang sa Alport syndrome, nagkakaroon ng mutation o pagbabago ang gene na bumubuo sa bahagi ng bato na Dahil dito, nagsusugat at nagpepeklat ang mga bato kalaunan.
  • Ipinanganak na may problema ang mga bato. Maaari ring ipanganak ang isang sanggol nang may problema agad ang kaniyang mga bato dulot ng malnutrisyon habang nasa sinapupunan. Ang sanggol ay maaaring isilang ng iisa lamang ang bato o kaya naman ay may 2 bato na hindi gumagana. Maaari rin isilang ang sanggol na mababa ang puwesto ng mga bato kaysa sa normal kaya naman ang mga ito ay hindi gumagana nang maayos.

Mga salik sa panganib

Maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa bato o kidney disease dahil sa mga sumusunod na salik:

  • Pagiging matanda. Sa pagtanda, ang mga bato ay nagiging marupok. Dahil dito, hindi na nito nagagampanan nang maayos ang kanilang trabaho.
  • Mga bata. Madalas magkaroon ng sakit sa bato ang mga bata, partikular na ang impeksyon. Ito ay dulot ng pagpipigil ng ihi at labis na pagkain ng maaalat o kaya naman ay ng junk food.
  • Lahi o etnisidad. Base sa pag-aaral, ang mga madalas magkaroon ng sakit sa bato ay ang mga African-American, Native American, at mga Asyano.
  • Mayroong diabetes o altapresyon. Ang diabetes at altapresyon ang mga pangunahing sanhi ng sakit sa bato. Kadalasan, kung hindi ginagamot ng pasyente ang mga kondisyong ito, nagreresulta ito sa komplikasyon gaya ng sakit sa bato.
  • May sakit sa puso. Mataas din ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa bato kung may sakit sa puso ang pasyente. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng problema sa puso ay nagdudulot din ng hindi sapat na pagdala ng dugo, oxygen, at nutrisyon sa mga bato.
  • Hindi malusog na paraan ng pamumuhay. Ang madalas maapektuhan ng sakit sa bato ay ang mga taong hindi malusog ang pamumuhay. Kabilang na rito ang mga taong may labis na timbang, mahilig kumain ng maaalat at matatabang pagkain, naninigarilyo, labis na umiinom ng alak, at hindi palagiang nag-eehersisyo.
  • Kasaysayan ng sakit sa bato sa pamilya. Kung may kasaysayan ng sakit sa bato ang malalapit na miyembro ng pamilya, tataas din ang posibilidad na magkaroon nito.

Paggamot at Pag-Iwas

Batay sa uri ng sakit sa bato, ang mga doktor ay maaaring magreseta lamang ng gamot o kaya naman ay isailalim ang pasyente sa dialysis o operasyon.

Paggamot sa sakit sa bato

Narito ang mga karaniwang gamot na inirereseta ng doktor upang maibsan ang mga sintomas ng sakit sa bato ng pasyente:

  • Antihypertensive medication. Ginagamit ito upang bumaba ang presyon ng dugo ng pasyente.
  • Mga diuretic. Nakatutulong ito upang mailabas ang naipong tubig sa katawan sa pamamagitan ng madalas na pag-ihi.
  • Erythropoietin (EPO). Ang EPO ay dapat ginagawa ng mga bato, subalit kung may pinsala ang mga ito, kailangang magturok ng artipisyal na EPO upang makagawa ng panibagong mga red blood cell.
  • Hepatitis B vaccination. Kadalasan itong itinuturok kapag sumasailalim sa dialysis ang pasyente. Nakatutulong ito upang makaiwas sa sakit na hepatitis B, isang uri ng sakit sa atay.
  • Iron supplement. Ibinibigay ito upang hindi maging anemic o magkulang sa red blood cell ang pasyente.
  • Mga phosphate binder. Ang mga phosphate binder ay nakatutulong upang hindi humina ang mga buto ng pasyente. Nakatutulong din ito upang mabawasan ang pangangati at panghihina ng mga kalamnan.
  • Sodium bicorbonate. Kadalasan itong ibinibigay upang hindi magkaroon ng komplikasyon sa puso ang pasyente.
  • Statin. Ang statin ay nakatutulong upang bumaba ang dami ng cholesterol sa katawan ng pasyente.
  • Vitamin D. Ang mga may sakit sa bato ay kadalasang mahina rin ang mga buto. Kaya naman, nagbibigay din ang mga doktor ng vitamin D na tableta upang lumakas ang mga buto.

Bukod sa mga nabanggit na gamot, ang sinumang pasyente na may mas malalang kondisyon ay maaaring sumailalim sa mga sumusunod:

  • Hemodialysis. Ang hemodialysis ay kilala rin sa tawag na dialysis. Sa pamamaraang ito, tutulungang linisin ng isang makina ang dugo ng pasyente kapag hindi na gumagana ang kaniyang mga bato. Kadalasang isinasagawa ang dialysis tatlong beses sa loob ng isang linggo o depende sa kondisyon ng pasyente. Ang isang sesyon ng dialysis ay karaniwang nagtatagal ng apat na oras.
  • Peritoneal dialysis. Isa itong uri ng dialysis na mas mabilis isagawa. Sa prosesong ito, sa halip na gumamit ng makina, ang doktor ay magkakabit ng tubo sa peritoneal cavity o tiyan ng pasyente. Sa tubong ito ay papadaanin ang dialysate isang likidong panglinis ng dugo ng pasyente. Sa pamamagitan ng sa prosesong ito, ang dugo ay nililinis na mismo sa loob ng katawan at hindi na inililipat pa sa isang makina.
  • Kidney transplant. Kung may matatagpuang donor ang isang pasyente, maaari naman siyang sumailalim sa kidney transplant. Isang uri ito ng operasyon kung ay kakabitan ang pasyente ng malusog na bato. Alalahanin na maaaring mabuhay ang isang tao kahit iisa lamang ang gumaganang bato.

Pag-iwas sa sakit sa bato

Ang sakit sa bato ay kadalasang isang lifestyle disease o sakit na nakukuha sa hindi malusog na paraan ng pamumuhay. Upang maiwasan ito, iminumungkahing gawin ang mga sumusunod:

Image Source: www.bbc.com

  • Itigil ang paninigarilyo.
  • Bawasan ang pag-inom ng alak.
  • Mag-ehersisyo kahit 30 minuto sa loob ng isang araw.
  • Bawasan ang pagkain ng maaalat at matatabang pagkain.
  • Panatilihin ang tamang timbang.
  • Iwasang tumaas ang presyon ng dugo.

Kung may nararamdamang mga sintomas ng sakit sa bato, magpatingin agad sa doktor. Ang mga doktor na dalubhasa sa sakit na ito ay tinatawag na nephrologist.

Mga Uri ng Sakit

Narito ang mga uri ng sakit sa bato at mga bahagi ng urinary system ayon sa alpabetikal na pagkakasunud-sunod:

  • Abderhalden–Kaufmann–Lignac syndrome (Nephropathic cystinosis)
  • Abdominal compartment syndrome
  • Acetaminophen-induced nephrotoxicity
  • Acute lobar nephronia
  • Acute phosphate nephropathy
  • Acute tubular necrosis
  • Adenovirus nephritis
  • Alagille syndrome
  • Alport syndrome
  • Altapresyon
  • Amyloidosis
  • Angiomyolipoma
  • Analgesic nephropathy
  • Anticoagulant-related nephropathy
  • Antiphospholipid syndrome
  • Anti-TNF-alpha therapy-related glomerulonephritis
  • APOL1 mutations
  • Apparent mineralocorticoid excess syndrome
  • Aristolochic acid nephropathy
  • Arteriovenous malformations and fistulas of the urologic tract
  • Autosomal dominant hypocalcemia
  • Balkan endemic nephropathy
  • Baradong daluyan ng ihi o urinary tract obstruction
  • Baradong pantog o bladder tamponade
  • Bardet-Biedl syndrome
  • Bartter syndrome
  • Beer potomania
  • Beeturia
  • Beta-Thalassemia renal disease
  • Bile cast nephropathy
  • BK polyoma virus nephropathy in the native kidney
  • Bladder sphincter dyssynergia
  • Border-Crossers’ nephropathy
  • C1q nephropathy
  • C3 glomerulopathy
  • C3 glomerulopathy with monoclonal gammopathy
  • C4 glomerulopathy
  • CAKUT (Congenital anomalies of the kidney and urologic tract)
  • Calcineurin inhibitor nephrotoxicity
  • Cannabinoid hyperemesis acute renal failure
  • Capillary leak syndrome
  • Cardiorenal syndrome
  • Carfilzomib-indiced renal injury
  • CFHR5 nephropathy
  • Charcot–Marie–Tooth disease with glomerulopathy
  • Chinese herbal nephropathy
  • Cholesterol emboli kidney injury
  • Churg–Strauss syndrome
  • Chyluria
  • Ciliopathy
  • Cisplatin nephrotoxicity
  • Cold diuresis
  • Colistin nephrotoxicity
  • Collagenofibrotic glomerulopathy
  • Collapsing glomerulopathy/Collapsing glomerulopathy related to CMV
  • Combination antiretroviral (cART) related-nephropathy
  • Congenital nephrotic syndrome
  • Congestive renal failure
  • Conorenal syndrome (Mainzer-Saldino syndrome or Saldino-Mainzer disease)
  • Contrast nephropathy
  • Copper sulphate intoxication acute renal failure
  • Cortical necrosis
  • Crizotinib-related acute kidney injury
  • Cryocrystalglobulinemia
  • Cryoglobuinemia
  • Crystalglobulin-induced nephropathy
  • Crystal-induced acute kidney injury
  • Crystal-storing histiocytosis
  • Crystal meth-associated cortical necrosis
  • Cystic kidney disease
  • Cystinuria
  • Dasatinib-induced nephrotic-range proteinuria
  • Deferasirox (Exjade) nephrotoxicity
  • Dense deposit disease (MPGN type 2)
  • Dent disease (X-linked recessive nephrolithiasis)
  • DHA crystalline nephropathy
  • Diabetic kidney disease
  • Dialysis disequilibrium syndrome
  • Diffuse mesangial sclerosis
  • Djenkol bean poisoning acute kidney injury (Djenkolism)
  • Dugo sa ihi o hematuria
  • Dysproteinemia
  • EAST syndrome
  • Erdheim-Chester disease
  • Fabry’s disease
  • Familial hypocalciuric hypercalcemia
  • Fanconi syndrome
  • Fraser syndrome
  • Fibronectin glomerulopathy
  • Fibrillary glomerulonephritis and immunotactoid glomerulopathy
  • Fraley syndrome
  • Focal sclerosis
  • Focal glomerulosclerosis
  • Focal segmental glomerulosclerosis
  • Galloway Mowat syndrome
  • Genitourinary tuberculosis
  • Giant cell (temporal) arteritis with kidney involvement
  • Gitelman syndrome
  • Glomerular diseases
  • Glomerular tubular reflux
  • Goodpasture syndrome
  • Green smoothie cleanse nephropathy
  • HANAC syndrome
  • Harvoni (Ledipasvir with Sofosbuvir)-induced renal injury
  • Hantavirus infection podocytopathy
  • Heat stress nephropathy
  • Hemolytic uremic syndrome (HUS), Atypical hemolytic uremic syndrome (aHUS)
  • Hemophagocytic syndrome
  • Hemorrhagic cystitis
  • Hemorrhagic fever with renal syndrome (HFRS)
  • Hemosiderinuria
  • Hemosiderosis
  • Hepatic glomerulopathy
  • Hepatic veno-occlusive disease, Sinusoidal obstruction syndrome
  • Hepatitis C-associated renal disease
  • Hepatocyte nuclear factor 1beta–associated kidney disease
  • Hepatorenal syndrome
  • High altitude renal syndrome
  • Hindi makontrol na pag-ihi o urinary incontinence
  • HIV-associated immune complex kidney disease (HIVICK)
  • HIV-associated nephropathy (HIVAN)
  • HNF1B-related autosomal dominant tubulointerstitial kidney disease
  • Horseshoe kidney (Renal fusion)
  • Hunner’s ulcer
  • Hydrophilic polymer emboli
  • Hydroxychloroquine-induced renal phospholipidosis
  • Hypocomplementemic urticarial vasculitic syndrome
  • Hypokalemic periodic paralysis
  • Iced tea nephropathy
  • Ifosfamide nephrotoxicity
  • IgA Nephropathy
  • IgG4 Nephropathy
  • Immersion diuresis
  • Immune-checkpoint therapy-related interstitial nephritis
  • Impeksyon sa bato o pyelonephritis
  • Impeksyon sa daluyan ng ihi o urinary tract infection (UTI)
  • Infliximab-related renal disease
  • Interstitial cystitis
  • Interstitial nephritis
  • Ivemark’s syndrome
  • JC virus nephropathy
  • Joubert syndrome
  • Kakulangan ng dami ng dugo sa bato o renal infarction
  • Kakulangan ng isang bato o renal agenesis
  • Kakulangan ng calcium sa dugo o hypocalcemia
  • Kakulangan ng magnesium sa dugo o hypomagnesemia
  • Kakulangan ng phosphate sa dugo o hypophosphatemia
  • Kakulangan ng potassium sa dugo o hypokalemia
  • Kakulangan ng sodium sa dugo o hyponatremia
  • Kakulangan sa adenine phosphoribosyltransferase
  • Kanser sa bato o renal cancer
  • Ketamine-associated bladder dysfunction
  • Labis na aldosterone sa dugo o hyperaldosteronism
  • Labis na calcium sa dugo o hypercalcemia
  • Labis na urea sa dugo o uremia
  • Labis na magnesium sa dugo o hypermagnesemia
  • Labis na oxalate sa ihi o hyperoxaluria
  • Labis na pag-iihi o diuresis
  • Labis na phosphate sa dugo o hyperphosphatemia
  • Labis na potassium sa dugo o hyperkalemia
  • Labis na sodium sa dugo o hypernatremia
  • Labis na tubig sa dugo o hypervolemia
  • Lead nephropathy and lead-related nephrotoxicity
  • Lecithin cholesterol acyltransferase deficiency (LCAT deficiency)
  • Leptospirosis renal disease
  • Light chain deposition disease, Monoclonal immunoglobulin deposition disease
  • Light chain proximal tubulopathy
  • Liddle syndrome
  • Lightwood-Albright syndrome
  • Lipoprotein glomerulopathy
  • Lithium nephrotoxicity
  • Loin pain hematuria
  • Lupus, Systemic lupus erythematosis
  • Lupus kidney disease, Lupus nephritis
  • Lupus podocytopathy
  • Lupus-like nephritis
  • Lyme disease-associated glomerulonephritis
  • Lysinuric protein intolerance
  • Lysozyme nephropathy
  • Malakoplakia
  • Malalang pagkapinsala ng bato o acute kidney failure/injury
  • Malarial nephropathy
  • Malignancy-associated renal disease
  • Maling posisyon ng bato o ectopic kidney
  • Maling posisyon ng ureter o ectopic ureter
  • McKittrick-Wheelock syndrome
  • Meatal stenosis
  • Medullary cystic kidney disease
  • Medullary sponge kidney
  • Megaureter
  • MELAS syndrome
  • Membranoproliferative glomerulonephritis
  • Membranous nephropathy
  • Membranous-like glomerulopathy with masked IgG kappa deposits
  • MesoAmerican nephropathy
  • Metabolic acidosis
  • Metabolic alkalosis
  • Methotrexate-related renal failure
  • Microscopic polyangiitis
  • Milk-alkalai syndrome
  • Minimal change disease
  • MUC1 nephropathy
  • Multicystic dysplastic kidney
  • Multiple myeloma
  • Myeloproliferative neoplasms and glomerulopathy
  • Nail-patella syndrome
  • NARP syndrome
  • Nephrocalcinosis
  • Nephrocystin-1 gene deletions and ESRD
  • Nephrogenic diabetes insipidus
  • Nephrogenic systemic fibrosis
  • Nephronophthisis due to nephrocystin-1 gene deletions
  • Nephroptosis
  • Nephrotic syndrome
  • Neurogenic bladder
  • Nodular glomerulosclerosis
  • Non-gonococcal urethritis
  • Nutcracker syndrome
  • Oligomeganephronia
  • Orofaciodigital syndrome
  • Orotic aciduria
  • Orthostatic hypotension
  • Orthostatic proteinuria
  • Osmotic diuresis
  • Osmotic nephrosis
  • Ovarian hyperstimulation syndrome
  • Oxalate nephropathy
  • Pagdami ng asukal sa ihi o glycosuria
  • Page kidney
  • Pagkakaroon ng bukol sa bato o renal cyst
  • Pagkakaroon ng nana sa bato o renal abscess
  • Pagkakaroon ng protina sa ihi o proteinuria
  • Pagkapinsala ng pantog o bladder rupture
  • Paghahati ng ureter o duplicated ureter
  • Paglobo ng ugat ng bato o renal artery aneurysm
  • Pamamanas o edema
  • Paninikip ng ugat ng bato o renal artery stenosis
  • Papillary necrosis
  • Papillorenal syndrome (Renal-Coloboma syndrome, Isolated renal hypoplasia)
  • Peritoneal-renal syndrome
  • POEMS syndrome
  • Podocyte infolding glomerulopathy
  • Post-infectious glomerulonephritis
  • Polyarteritis nodosa
  • Polycystic kidney disease
  • Posterior urethral valve
  • Post-obstructive diuresis
  • Preeclampsia
  • Propofol infusion syndrome
  • Proliferative glomerulonephritis with monoclonal IgG deposits (Nasr disease)
  • Propolis-related renal failure
  • Pseudohyperaldosteronism
  • Pseudohypobicarbonatemia
  • Pseudohypoparathyroidism
  • Pulmonary-renal syndrome
  • Pyonephrosis
  • Radiation nephropathy
  • Refeeding syndrome
  • Reflux nephropathy
  • Rapidly progressive glomerulonephritis
  • Renal arcuate vein microthrombi-associated acute kidney injury
  • Renal hypouricemia
  • Renal osteodystrophy
  • Renal tubular acidosis
  • Renin secreting tumors (Juxtaglomerular cell tumor)
  • Reset osmostat
  • Retrocaval ureter
  • Retroperitoneal fibrosis
  • Rhabdomyolysis
  • Rheumatoid arthritis-associated renal disease
  • Rubraca (rucaparib)-related increase in creatinine
  • Sakit sa bato o kidney stones (nephrolithiasis)
  • Sarcoidosis renal disease
  • Salt wasting nephropathy
  • Schimke immuno-osseous dysplasia
  • Scleroderma renal crisis
  • Serpentine fibula-polycystic kidney syndrome, Exner syndrome
  • Sickle cell nephropathy
  • Spontaneous renal artery dissection
  • TAFRO syndrome
  • Tea and toast hyponatremia syndrome
  • Tenofovir-induced nephrotoxicity
  • Thrombotic microangiopathy associated with monoclonal gammopathy
  • Trench nephritis
  • Trigonitis
  • Tuberous sclerosis
  • Tubular dysgenesis
  • Tumor lysis syndrome
  • Uremic optic neuropathy
  • Ureteritis cystica
  • Ureterocele
  • Urethral caruncle
  • Urethral stricture
  • Urogenital fistula
  • Uromodulin-associated kidney Disease
  • Vancomycin-associated cast nephropathy
  • Vasomotor nephropathy
  • Vesicointestinal fistula
  • Vesicoureteral reflux
  • VGEF inhibition and renal thrombotic microangiopathy
  • Von Hippel-Lindau disease
  • Waldenstrom’s macroglobulinemic glomerulonephritis
  • Warfarin-related nephropathy
  • Wegener’s granulomatosis
  • Wunderlich syndrome
  • Zellweger syndrome, Cerebrohepatorenal syndrome

Ang sakit sa bato ay isang nakapangangambang kondisyon. Wala itong pinipili na edad o kasarian. Subalit, madali naman itong maiwasan. Basta mayroong malusog na pamumuhay, bababa ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito.

Sanggunian