Gamot at Lunas
Image Source: www.freepik.com
Ang paglunas sa bulok na ngipin ay batay sa tindi ng kondisyon at sa kinalulugaran nito. Ilan lamang sa mga maaaring isagawa ng dentista upang malunasan ito ay alinman sa mga sumusunod:
- Fluoride treatment. Kung ang ngipin ay mayroon pa lamang na mga plaque at wala pang butas, maaaring tanggalin ang mga ito sa pamamagitan ng fluoride treatment. Sa paraang ito, ang dentista ay magrereseta lamang ng gel, foam, o toothpaste na may mas mataas na dami ng Kailangan lamang itong isipilyo sa ngipin araw-araw upang matanggal ang mga plaque.
- Paglalagay ng mga filling. Ang paglalagay ng mga filling ay isang uri ng restoration method na naglalayong manumbalik sa dating itsura ang bulok na ngipin. Ang mga filling ay tila semento para sa mga ngipin na binubuo ng mga composite resin, porcelain, at dental amalgam. Mabisa lamang ang prosesong ito kung ang mga butas sa ngipin ay maunti at maliliit pa lamang.
- Paglalagay ng mga crown. Sa prosesong ito, ang bulok na ngipin ay lalagyan ng crown, tila itong hugis-ngipin na takip na isusuklob sa bulok na ngipin. Bago lagyan ng crown ang bulok na ngipin, tatanggalin muna ng dentista ang lahat ng nabulok na nabahagi upang hindi ito kumalat pa. Batay sa nais ng pasyente, maaari siyang pumili ng kulay puti, ginto, o silver na crown.
- Root canal. Kung ang naaapektuhang bahagi ay ang pinakang-ugat ng ngipin, maaaring magsagawa ang dentista ng root canal procedure. Sa paraang ito, tila huhukayin ng dentista ang nabulok na ugat ng ngipin sa gilagid, pagkatapos ay tatapalan ang naukang bahagi ng Dahil nagdudulot ng bahagyang pananakit ang prosesong ito, maaaring magreseta ang doktor ng pain reliever.
- Tooth extraction o pagbunot ng ngipin. Kung hindi na maisasalba pa ang bulok na ngipin, maaaring bunutin na lamang ito ng dentista. Kung marami ang bulok na ngipin na tinanggal, maaari naman magsuot ng pustiso ang pasyente.
Ang mga prosesong gaya ng filling, crown, at root canal ay may kamahalan, kaya naman karamihan sa mga pasyenteng may mga bulok na ngipin ay nanaisin na lamang na ipabunot ang mga ito upang matanggal ang pananakit.