Buod

Image Source: www.freepik.com

Ang katawan ng tao ay binubo ng may 206 na mga buto. Ang mga ito ay nagsisilbing suporta ng ating katawan at tumutulong sa pagkakaroon ng maayos na postura, maayos na pagkilos, maging sa maayos na paggana ng ibang bahagi ng katawan.

Subalit, kagaya ng ibang bahagi ng katawan, ang mga buto ay maaaring mapinsala bunga ng aksidente, impeksyon, maging ng iba’t ibang uri ng sakit.

Ang ilan sa mga uri ng sakit sa buto ay ang osteoporosis, osteopenia, osteomalacia, kanser sa buto, at ang Paget’s disease of bone.

Ang mga sakit na ito ay may mga sintomas kagaya ng pamamaga ng mga kalamnan, pananakit ng mga ito, panghihina ng katawan, maging ang madalas na pagkabali ng mga buto.

Ang mga sakit sa buto ay maaaring bunga ng mga namamanang salik. Ang iba naman ay maaaring dahil sa kakulangan ng vitamin D at calcium. Samantala, ang kakulangan ng ehersisyo o paggalaw ng katawan ay maaari ring magdulot ng panghihina ng mga buto.

May mga sakit sa buto na hindi nalulunasan. Subalit, may iba naman na maaaring lunasan sa pamamagitan ng mga gamot, pag-inom ng mga vitamin at calcium supplement, maging ng ilang mga corrective na pamamaraan na kagaya ng sa kaso ng scoliosis.

Paano umaapekto ang mga sakit sa buto sa katawan?

Ang buto sa katawan ng tao ay buhay. Ibig sabihin, ito ay binubuo ng mga selula, kagaya ng iba pang bahagi ng katawan. Sadyang matigas ang mga buto dahil sa pag-calcify nito, isang katangian na kailangan sa ikapananatiling matatag ng buong katawan.

Kaya, kapag nanghina ang mga buto, o kaya ay kinapitan ng mga sakit o karamdaman, ang tao ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng panghihina
  • Pagkakaroon ng kawalan ng kakayahang maglakad o ikilos ang mga braso
  • Pagkakaroon ng pagbaluktot ng gulugod

Dahil dito, napakahalaga na gawin ang lahat ng uri ng pag-iingat upang mapanatili ang kalusugan ng mga buto. Ito na rin ay para mapanataling maayos ng paggana ng buong katawan.

Kasaysayan ng sakit sa buto

Ang mga karamdaman sa buto ay kilala na maging sa sinaunang panahon. Subalit, ang mga pangunahing sakit sa bahaging ito ng katawan ay ganap na naunawaan nitong mga nakalipas lamang ng ilang daang taong.

Noong 1824 ay ipinakilala ni Sir Astley Cooper ang kaugnayan ng katandaan sa paghina ng mga buto. Ang katawagan naman sa kondisyong ito na “osteoporosis” ay inimbento ng Pranses na manggangamot na si Jean Lobstein. Samantala, ang Amerikanong endocrinologist na si Fuller Albright ang umugnay sa sakit na ito sa postmenopausal na kalagayan ng mga kababaihan.

Sa kasalukuyang panahon ay napakalawak na ng kaalaman ng mga dalubhasa ukol sa iba’t ibang uri ng mga sakit sa buto. Subalit, may mga sakit sa bahaging ito ng katawan na hanggang ngayon ay ginagawan pa rin ng mga karagdagang pag-aaral dahil hindi pa matiyak ang kanilang mga sanhi.

Mga Katangian

Image Source: www.freepik.com

May mga uri ng sakit sa buto na umaapekto sa mga sanggol at mayroon din namang mga umaapekto sa mga matatanda, kagaya ng osteoporosis. Ang mga sintomas ng mga karaniwang sakit sa buto ay hindi kaagad mapapansin, lalo na kapag nag-uumpisa pa lamang ito.

Malalaman na ang isang tao ay maaaring may sakit sa buto kung mapapansin ang mga sumusunod na sintomas:

  • Madalas na pagkakaroon ng bali sa buto
  • Pabalik-balik na pamamaga ng mga kalamnan
  • Pabalik-balik na pananakit ng kalamanan
  • Pananamlay
  • Kawalan ng kakayahang maglakad nang maayos at malayo
  • Pagbaluktot ng likod

Kapag napansin ang mga sintomas na ito, lalo na sa mga matatanda, ipinapayo na magpatingin kaagad sa mga orthopedic o osteopathic na doktor.

Mga Sanhi

Ang mga sakit sa buto ay maaaring sanhi ng alinman sa mga sumusunod:

  • Hindi sapat na nutrisyon. Ang kakulangan ng vitamin D at calcium ay nagdudulot ng paghina ng mga buto. Tiyak na napakahalaga ng mga ito sa ikapapanatiling malakas at malulusog ng mga buto.
  • Labis na pag-inom ng mga softdrink. Ang mga softdrink at iba pang mga carbonated na uri ng inumin ay may mga sangkap na nakapagpapahina sa mga buto.
  • Mataas na antas ng protinang galing sa karne ng hayop. Ang malabis na pagkain ng karne ay maaaring magdulot ng pagbaba ng antas ng calcium sa mga buto na magdudulot naman ng paghina ng mga ito.
  • Mga aksidente. Ang pagkakabangga ng katawan nang malakas ay maaaring magdulot ng panandalian o kaya ay permanenteng pinsala sa mga buto.
  • Mga namamanang kondisyon. May ilang uri ng mga namamanang kondisyon, kagaya ng mga metabolic na uri ng sakit, na nagpapahina o pumipinsala sa mga selula ng mga buto.
  • Kakulangan ng ehersisyo. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang kakulangan ng ehersisyo ay maaaring makabawas sa density ng mga buto. Dahil dito, maaaring humina ang mga buto hanggang sa tuluyan ang mga itong mabawasan ng kakayahang suportahan ang buo o ilang bahagi ng katawan.
  • Mga impeksyon. May mga uri ng impeksyong dulot ng bacteria na maaaring magpahina sa mga buto.

Sinu-sino naman ay may mataas na panganib na magkaroon ng sakit sa buto?

Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa buto

Batay sa maraming mga pag-aaral, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga salik ng pagkakaroon ng sakit sa buto:

  • Mga babae. Napatunayan na ang mga babae ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng ilang sakit sa buto, lalo na ng osteoporosis
  • Pagiging matanda. Sa pagtanda ng tao, lalong humihina o kaya ay nababawasan ang density ng mga buto.
  • Mga may kakulangan sa nutrisyon. Ang mga taong nagkukulang ng ilang uri ng bitamina at calcium sa kanilang mga kinakain ay mas lantad sa panganib ng pagkakaroon ng sakit sa buto.
  • Mga may kapamilyang may kondisyon na nagpapahina sa buto. Ang ilan sa mga karamdamang nagpapahina sa buto ay maaaring namamana.
  • Mga taong hindi nag-eehersisyo. Mas mataas ang panganib ng paghina ng mga buto sa mga taong nagkukulang sa pag-eehersisyo.
  • Mga taong umiinom ng ilang uri ng gamot kagaya ng mga proton pump inihibitor. Ang mga gamot na kagaya ng mga proton pump inhibitor (PPI) ay nakaaapekto sa kakayahan ng katawan na i-absorb ang

Paggamot at Pag-Iwas

Ang manggagamot na tumutingin at naglalapat ng lunas sa mga sakit sa buto ay tinatawag na orthopedic doctor o kaya ay osteopathic physician.

Upang matiyak ang kabuuang kalusugan ng mga buto, sinusuri ng manggagamot ang mga ito gamit ang pamamaraang bone mineral density (BMD) screening. Sinusukat o tinitignan nito kung gaano kasiksik ang mga buto na nagiging daan upang malaman ang kabuuang kalagayan nito.

Mga gamot para sa sakit sa buto

Depende sa uri ng sakit o kalagayan ng buto, ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng gamot na maaaring ipainom ng doktor:

  • Cholecalciferol. Ang gamot na ito ay ginagamit upang lunasan ang isang uri ng rickets na hindi nalulunasan ng pag-inom ng vitamin D. Nakatutulong ang gamot na ito upang matiyak na napupunan ang pangangailangan ng katawan, o ng buto, sa vitamin D.
  • Pamidronic acid. Ginagamit ito upang lunasan ang hypercalcemia, o ang pagkakaroon ng labis na dami ng calcium sa katawan, isang uri ng kondisyon na nagpapahina sa mga buto. Ang kondisyong ito ay maaaring may kaugnayan sa pagkakaroon ng kanser sa buto.
  • Zoledronic acid. Ang gamot na ito ay ginagamit din para lunasan ang hypercalcemia of malignancy. Ginagamit din ito para sa mga paysenteng may multiple myeloma at Paget’s disease.
  • Alendronic acid. Ginagamit ang gamot na ito para sa mga kalalakihang may osteoporosis at sa mga kababaihang nasa postmenopausal na bahagi ng kanilang buhay. Maaari ring gamitin ito na panglunas sa Paget’s disease of bone.
  • Ibandronate. Ang gamot na ito ay tumutulong sa pag-iwas sa osteoporosis sa mga postmenopausal na kababaihan.
  • Clodronic acid. Ginagamit ang gamot na ito na panglunas sa hypercalcemia of malignancy.
  • Risedronic acid. Tumutulong ang gamot na ito para lunasan ang osteoporosis sa mga kalalakihan, ang Paget’s disease, maging ang osteoporisis sa mga postmenopausal na mga kababaihan. Nakatutulong din ito sa pag-iwas sa glucocorticoid-induced osteoperosis.
  • Etidronic acid. Ang gamot na ito ay ginagamit para lunasan ang symptomatic Paget’s disease of bone, maging para sa paglunas sa heterotopic ossification pagkatapos na magkaroon ang pasyente ng total hip replacement.
  • Tiludronic acid. Ito ay pangunahing ginagamit para sa paglunas sa Paget’s disease of bone.
  • Calcium supplement. Kung nagkukulang ng calcium sa katawan, maaaring punan ito sa pamamagitan ng calcium supplement. Malaki ang naitutulong nito sa ikapananatiling malakas at para sa kabuuang kalusugan ng mga buto.

Mga corrective na lunas

Para naman sa scoliosis, maaaring itama ang postura sa pamamagitan ng pagpapasuot ng isang uri ng brace sa taong apektado nito. Maaari ring isagawa ang operasyon upang ituwid ang gulugod.

Pag-iwas sa mga sakit sa buto

Image Source: www.freepik.com

Ang pinaka-mainam pa rin na paraan upang mapanatili ang kalusugan at lakas ng buto ay ang pag-iwas sa mga kondisyong maaaring magdulot ng pinsala sa mga ito.

Ang mga sumusunod ay ang mga mabibisang paraan upang makaiwas sa mga sakit sa buto:

  • Pagpili sa mga pagkaing mayaman sa Ang calcium ang nagpapatibay sa mga buto. Kaya, ipinapayo na pumili ng mga pagkaing mayaman dito. Ang ilan sa mga pagkaing maaaring mapagkunan ng calcium ay ang gatas, keso, soya, sardinas, at ilang uri ng mga berdeng gulay. Kung malubha ang kakulangan ng calcium sa katawan, maaaring ipayo ng manggagamot ang paggamit ng mga calcium supplement.
  • Pagpili sa mga pagkaing mayaman sa vitamin D. Mahalaga ang vitmain D para sa kabuuang kalusugan ng katawan, lalo na ng mga buto. Tumutulong ito upang mabilis na ma-absorb ng katawan ang Kung labis ang kakulangan ng vitamin D sa katawan, lalo na sa mga matatanda, maaaring ipayo ng mga manggagamot ang pag-inom ng mga vitamin D supplement. Ang bitaminang ito ay maaaring matagpuan sa mga matatabang isda, kagaya ng tuna at mackerel. Maaari rin itong makuha sa atay ng baka, keso, at sa mga pula ng itlog.
  • Sapat na ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong sa ikapananatili ng bone mass. Kaya, ipinapayo ng mga dalubhasa na mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 na minuto bawat araw. Ang pinaka-mainam sa lahat ng uri ng ehersisyo ay ang paglalakad nang may katamtamang bilis. Para naman sa mga walang kakayahang mag-ehersisyo bunga ng pinsala sa katawan o ng kapansanan, maaari silang sumailalim sa mechanical stimulation kung saan inaalalayan ng makina ang kanilang paggalaw. Sa ganitong paraan ay nabibigyan ng sapat na ehersisyo ang kanilang katawan.
  • Pag-iwas sa mga aksidente. Ang isa sa pinakamalaking banta sa kalusugan ng mga buto ay ang pagkabagsak o iba pang uri ng mga aksidente. Batay sa tindi, puwede magdulot ang isang aksidente ng pagkabali ng buto na maaari o hindi na maaaring lunasan—lalo na sa mga matatanda na. Kaya, tiyakin na sapat ang kaayusan sa loob ng tahanan, maging sa kapiligiran kung saan walang gaanong mga sagabal na maaaring magdulot ng aksidente. Kung maaari, iwasan din ang mga gawain na maaaring maglagay sa sarili sa mga panganib, katulad ng mga extreme sport.

Ang isa pa sa mga hakbang para mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa buto ay ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa mga iba’t ibang uri ng mga ito.

Mga Uri ng Sakit

Narito ang iba’t ibang mga sakit at karamdaman na umaapeto sa buto:

  • Achondroplasia. Ito ay isang uri ng genetic na sakit na kung saan nagkakaroon ng hindi maayos na pagbabago ng cartilage sa pagiging ganap na buto. Dahil dito, ang mga mahahabang buto na kagaya ng femur ay hindi maayos na tumutubo.
  • Avascular necrosis. Ito ay ang pagkamatay ng mga tissue ng buto bunga ng kakulangan ng pagdaloy ng dugo. Bagama’t ito ay karaniwang umaapekto sa mga dulo ng femur, maaari rin nitong maapektuhan ang ilang bahagi ng mga buto.
  • Bali sa balakang. Ang pagkakabali ng buto sa balakang ay maaaring umapekto sa kahit na kanino. Ito ay maaaring bunga ng aksidente, pagkakahulog o pagkakabagsak, maging ng paghina ng buto.
  • Bali sa buto (fracture). Ito ay ang pagkakaroon ng bali sa buto bunga ng pressure o kaya ay ng Maaaring ito ay dulot din ng kahinaan ng buto bunga ng mga namamana o congenital na mga salik.
  • Bali sa buto na may pagbuwag ng kasu-kasuan (fracture–dislocation). Sa kondisyong ito ay magkasabay na nagkaroon ng bali sa buto at ng pagkabuwag ng mga kasu-kasuan. Maaaring hindi kaagad maibalik sa dating posisyon ang mga kasu-kasuan bunga ng pagkakabara ng isang maliit na piraso ng buto rito. Ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng operasyon.
  • Bone cyst. Ang kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng mga bukol sa buto na hindi naman nagdudulot ng kanser. Ang mga bukol na ito ay karaniwang mistulang mga sisidlan na may lamang likido.
  • Bursitis. Ang sakit na ito ay tumutukoy sa pamamaga ng mga bursa o mga bahaging nagsisilbing sisidlan ng likido na matatagpuan sa mga pagitan ng mga buto, litid, kasu-kasuan, maging ng mga kalamnan.
  • Caffey syndrome. Ang sakit na ito ay isang uri ng namamanang kondisyon na karaniwang umaapekto sa mga sanggol. Ito ay nagdudulot ng pamamaga ng periosteum, o bahagi ng buto kung saan nabubuo ang mga bagong buto at maging sa mga bone cortex ng mga bisig, balikat, at ibabang bahagi ng panga. Ang sakit na ito ay karaniwang may kalakip na lagnat at pagkabalisa ng sanggol.
  • Callus. Ito ay ang pamumuo ng mga mala-buto o kaya ay mga cartilaginous na bahagi kung saan ay nagkaroon ng bali sa buto kapag ito ay gumagaling na.
  • Cleidocranial dysostosis. Ito ay isang hindi pangkaraniwang uri ng sakit mula sa pagka-sanggol. Maaari rin itong mamana. Sa sakit na ito ay walang collarbone na tumutubo, o kaya ay napaka-liit ng mga ito. Nagdudulot din ito ng hindi maayos na pagkabuo ng bungo o ng hindi maayos na pagtubo ng mga ngipin.
  • Ewing tumor of bone. Ang sakit na ito ay ang pagkakaroon ng mga tumor sa buto na maaaring magdulot ng kanser, lalo na sa mga lalaking Caucasian ang lahi na may edad na 20 na taong gulang pababa. Ang sakit na ito ay karaniwang nag-uumpisa sa mga mahahabang buto sa katawan.
  • Fibrous dysplasia. Ang sakit na ito ay hindi pangkaraniwan na umuusbong mula sa pagkabata. Sa kondisyong ito, ang mga matitigas na buto ay napapalitan ng mga mabalahibong tissue, na karaniwang nasa isang bahagi lamang ng katawan, lalo na sa mga mahahabang buto.
  • Gout. Isang uri ng kondisyon kung saan namamaga at nananakit ang lang mga daliri ng mga kamay o ng mga paa.
  • Hip dysplasia. Ang kondisyong ito ay ang hindi maayos na pag-usbong ng mga joint sa balakang. Dahil dito, ang taong may ganitong uri ng kondisyon ay hindi kayang maglakad nang matagalan o malayuan.
  • Kanser sa buto (bone cancer). Ito ay isang uri ng kondisyon kung saan ay mayroong hindi mapigilian na pagdami ng mga abnormal na selula sa buto. Kapag hindi naagapan, ang kanser sa buto ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng
  • Mandibulofacial dysostosis. Ang sakit na ito ay isang uri ng hindi pangkaraniwang namamamang kondisyon. Ito ay may autosomal-dominant na mga pagkakakilanlan, kagaya ng pagkakaroon ng maliliit na mga buto sa pisngi at panga, labis na magkakahiwalay na mga mata, maging ang hindi maayos na pag-usbong ng mga talukap ng mga mata.
  • Marble bone disease. Ito ay isang hindi pangkaraniwang sakit kung saan ang mga buto ay nagiging labis na siksik, matigas, at marupok. Lumalala ang sakit na ito habang lumalaki ang mga buto. Ang mga cavity ng marrow ay magiging siksik din sa mga buto.
  • Melorheostosis. Sa sakit na ito, may mga hindi pangkaraniwang tumutubo sa mga cortical na bahagi ng buto. Nagdudulot ito ng pananakit, paninigas, maging ng hirap sa pagkilos sa apektadong bahagi na karaniwan ay sa mga braso o hita.
  • Metabolic bone disease. Ang kondisyong ito ay alinman sa mga sakit na nagdudulot ng hindi maayos na pagtubo ng mga buto. Ang ilan sa mga ito ay ang osteoporosis, rickets, osteomalacia, osteogenesis imperfecta, marble bone disease (osteopetrosis), maging ang Paget’s disease of bone.
  • Ito ay ang pagkakaroon ng isang tumor na hindi naman nakapgdudulot ng kanser na maaaring gawa sa cartilage o kaya ay sa buto. Ito ay maaaring namamana o kaya ay bunga ng mga aksidente.
  • Osteochondrosis. Ito ay isang pansamantalang kondisyon sa buto na karaniwang umaapekto sa mga bata. Sa kondisyong ito, ang epihysis ng buto ay namamatay bunga ng kakulangan ng dugo at unti-unting napapalitan sa loob ng ilang taon.
  • Osteoclastoma. Ito ay ang tumor na pangunahing matatagpuan sa mga dulo ng mga mahahabang buto sa may gawing tuhod. Maaari rin itong matagpuan sa mga kasu-kasuan sa pulso (wrist), sa braso, maging sa
  • Osteogenesis imperfecta. Ito ay isang uri ng hindi pangkaraniwan at namamanang kondisyon ng mga connective tissue. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga marurupok na buto na madaling mabali. Ito ay bunga ng isang genetic defect kung saan may kakulangan sa pagkakaroon ng protein collagen sa buto na tumutulong sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan nito.
  • Osteoma. Ito ay maliit na tumor sa buto na karaniwang umaapekto sa bungo. Ito ay karaniwang tumutubo sa late childhood o kaya ay sa young adulthood ng tao. Ang osteoma ay hindi nagdudulot ng
  • Osteomalacia. Ito ay isang uri ng kondisyon kung saan ang mga buto ng isang taong nasa sapat nang edad ay patuloy na lumalambot. Ito ay bunga ng hindi sapat na mineralization ng buto. Ito ay tinatawag na rickets sa mga bata.
  • Osteomyelitis. Ito ay impeksyon sa mga tissue ng buto. Ang kondisyong ito ay bunga ng mikrobyong Staphylococcus aureus, na umaapekto sa mga buto sa pamamagitan ng mga daluyan ng dugo.
  • Osteoporosis. Ang sakit na ito ay ang pagnipis ng mga buto. Nagdudulot ito ng pagkabali ng mga buto kahit sa bahagya lamang na pressure o Ito ay isa sa mga uri ng metabolic na uri ng sakit sa buto.
  • Osteosarcoma. Ito ay isang karaniwang uri ng kanser sa buto na pangunahing umaapekto sa mga dulo ng mga mahahabang buto, lalo na sa mga tuhod, balakang, at sa mga balikat. Hindi matiyak ang sanhi ng sakit na ito, subalit maaaring salik ang mga namamanang kondisyon at ang radiation therapy sa pagkakaroon nito.
  • Paget’s disease of bone. Ang sakit na ito ay isang uri ng pabalik-balik na kondisyon sa buto na umaapekto sa mga taong nasa middle age. Nagdudulot ito ng labis na pagkapinsala ng buto. Ang sakit na ito ay maaaring umapekto sa isang bahagi lamang ng buto, subalit maaari rin namang umapekto sa lahat ng buto sa buong katawan.
  • Rickets. Ang sakit na ito ay karaniwang umaapekto sa ga mga sanggol at mga bata. Nagdudulot ito ng paglambot ng mga buto na humahantong sa abnormal na pagtubo ng mga ito. Ito ay bunga ng kakulangan ng vitamin D.
  • Scoliosis. Ito ay ang patagilid na pagkurba o pagbaluktot ng gulugod na karaniwang nangyayari sa mga panahon ng biglaang pagtangkad ng tao bago sumapit ang pagbibinata o pagdadalaga (puberty).
  • Stress fracture. Ito ay ang pagkabali ng buto bunga ng malalakas na pressure o Tintawag din itong march fractures, dahil karaniwan itong umaapekto sa mga bagong recruit na mga sundalo na nasalang sa mga matitinding pagsasanay.

Sanggunian