Buod

Ang cholera ay isang sakit na nagdudulot ng labis na pagtatae, pagsusuka, at dehydration. Ang kondisyong ito ay dulot ng isang uri ng bacteria na tinatawag na Vibrio cholerae. Maaaring makuha ang bacteria na ito sa pag-inom ng kontaminadong tubig. Subalit, maaari rin itong makuha sa mga pagkaing hinugasan gamit ang kontaminadong tubig, gaya ng mga pagkaing-dagat, prutas, gulay, at bigas.

Kumpara sa pangkaraniwang pagtatae, ang cholera ay mas mapanganib. Sa katunayan, maaari itong magdulot ng pagkasawi ng masiglang tao kahit ilang oras pa lamang siyang naapektuhan ng kondisyong ito.

Kung naapektuhan ng cholera, kailangang dalhin ang pasyente sa ospital upang agarang mabigyan ng lunas. Ang mga pangkaraniwang lunas na ibinibigay sa pasyente ay oral rehydration salts (ORS), antibiotic, zinc supplement, at intravenous fluid (swero).

Kasaysayan

Ang cholera ay nagmula sa salitang Griyego na “kholera.” Noong taong 1642, may mga doktor na nakapaglahad tungkol sa kondisyong ito gaya na lamang ni Jakob de Bondt. Bukod dito, pinaghihinalaan na nagsimula ang cholera sa mga Indian subcontinent sapagkat napakalaganap ng kondisyong ito sa lugar na ito napakaraming siglo na ang nakararaan.

Ayon sa mga tala, nagkaroon ng madalas na cholera outbreak ang Indian subcontinent dahil sa kahirapan nito. Walang matinong napagkukunan ng tubig at naiipon lamang ang mga bacteria. Ang cholera ay naapektuhan din ang Russia noong taong 1917. Pagkatapos nito, naging laganap ang cholera sa Europa, Hilagang Amerika, at iba’t ibang panig ng mundo. Naging laganap ang cholera magmula noong ika-19 na siglo at kumitil ng tinatayang mahigit 10 milyong katao.

Sa kasalukuyan, ang cholera ay isa ng kontroladong sakit nang naging mas maayos at moderno na ang mga sewage at water treatment. Subalit, hindi pa rin tuluyang nawawala ang sakit na tropikal na ito sa ilang mga mahihirap na bansa gaya ng Aprika, Southeast Asia, at Haiti.

Mga Sanhi

Image Source: www.freepik.com

Ang pinakapangunahing sanhi ng cholera ay ang bacteria na Vibrio cholerae. Maaaring makuha ang bacteria na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng kontaminadong tubig sa balon. Hindi dumadaloy ang tubig sa balon kaya naman maaari itong pamahayan ng mga bacteria na nagdudulot ng
  • Pagkain ng mga hilaw na pagkaing-dagat. Karaniwang namamatay ang mga bacteria kapag ito ay nainitan. Subalit, maaaring manatiling buhay ang mga ito kung hindi nailuto nang maayos ang mga pagkaing gaya ng pagkaing-dagat. Maaaring mamahay ang mga bacteria sa mga pagkaing-dagat lalo na kung ang tubig ay kontaminado.
  • Pagkain ng mga kontaminadong prutas at gulay. Kung ang pinaghugasan ng mga prutas at gulay ay kontaminadong tubig, maaaring manatili ang mga bacteria sa mga ito. Dahil dito, iminumungkahi na talupan ang mga prutas at lutuin nang maayos ang mga gulay upang matanggal ang mga
  • Pagkain ng kontaminadong kanin. Maaari ring magdulot ng cholera ang pagkain ng kontaminadong kanin, lalo na kung ang ginamit na panubig ay pinamamahayan ng mga Siguraduhin na naluto nang maayos ang bigas upang mamatay din ang anumang bacteria na nakasama sa tubig.
  • Pagkain ng mga kontaminadong street food. Kung ang mga street food ay hindi malinis ang pagkakahanda, maaaring magdulot ito ng Ilan sa mga street vendor ay may mga maruruming kamay at gumagamit ng tubig na galing sa maruming poso o maging sa kanal.

Mga Sintomas

Image Source: www.freepik.com

Ang mga sintomas ng cholera ay maaaring lumabas ng ilang mga oras o hanggang 5 araw pagkatapos makainom o makakain ng kontaminadong tubig o pagkain. Kung ang isang tao ay naapektuhan ng cholera, maaaring mapansin sa pasyente ang mga sumusunod na sintomas:

  • Labis na pagtatae
  • Labis na pagsusuka
  • Dehydration
  • Pagbilis ng tibok ng puso
  • Panunuyo ng balat
  • Panunuyo ng mga mucous membrane ng mata, ilong, bibig, at lalamunan
  • Pagbagsak ng presyon ng dugo
  • Labis na pagkauhaw
  • Pananakit ng mga kalamnan

Ayon sa mga doktor, ang dumi ng mga pasyenteng may cholera ay masyadong matubig at naihahalintulad sa pinaghugasan ng bigas. Maaaring mayroon din itong malansang amoy. Bukod dito, kapag hindi nalunasan agad ang kondisyon, ang pasyente ay maaaring magtae ng 10 hanggang 20 litro ng dumi.

Dahil sa labis na pagtatae ang naidudulot ng cholera, natagurian ang kondisyong ito bilang “blue death” sapagkat ang balat ng pasyente ay nagiging mangasul-ngasul na dulot ng labis na panghihina.

Mga Salik sa Panganib

Image Source: indaytrending.com

Ang kahit na sinuman ay maaaring magkaroon ng cholera. Subalit, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng kondisyong ito ng dahil sa mga sumusunod na salik:

  • Pagtira sa mga maruruming lugar. Maaaring magkaroon ng cholera kung ang lugar na pinaninirahan ay marumi at walang maayos na sanitasyon. Dahil dito, nanganganib na maapektuhan ang mga pinagkukuhanan ng tubig at maging kontaminado. Malimit ding magkaroon ng cholera sa mga evacuation center.
  • Pagkakaroon ng mababang dami ng stomach acid. Ang bawat tao ay may stomach acid at nagsisilbi itong unang proteksyon laban sa Subalit, ang mga taong may mababang dami ng stomach acid gaya ng mga bata at matatanda ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng cholera.
  • Pagkakaroon ng type O na dugo. Ang mga taong may type O na dugo ay mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng Subalit, hindi pa lubusang malaman ng mga doktor kung ano ang dahilan nito.
  • Pag-inom ng ilang mga uri ng gamot. Ang mga gamot na gaya ng antacid, H2 blocker, at proton pump inhibitor ay nakapagpapababa ng stomach acid ng katawan. Dahil dito, nababawasan ang proteksyon ng isang tao laban sa

Mga Komplikasyon

Ang cholera ay isang kondisyon na hindi dapat balewalain. Kung hindi ito maaagapan, maaaring magresulta ito sa mga sumusunod na komplikasyon:

  • Pagbagsak ng asukal sa dugo o hypoglycemia. Kailangan ng katawan ang sapat na asukal sa dugo dahil dito kumukuha ang katawan ng sapat na lakas. Kung bigla itong bumagsak, maaaring magresulta ito sa seizure (pangingisay), pagkawala ng malay, at maging pagkamatay.
  • Pagbagsak ng dami ng potassium. Kung bumagsak ang dami ng potassium sa katawan, maaaring maapektuhan nito ang puso at mga nerve. Kailangan ng puso at mga nerve ang sapat na dami ng potassium upang gumana sila nang maayos. Kung kulang ito, maaaring tumigil ang pagtibok ng puso at magdulot ng panganib sa buhay ng pasyente.
  • Pagpalya ng bato o kidney failure. Maaari ring pumalya ang bato kung hindi agad nalunasan ang Dahil dito, hindi magawa ng mga bato na ilabas ang anumang mga dumi ng dugo at katawan. Sa pagkaipon ng mga duming ito, maaaring malason ang dugo.

Pag-Iwas

Image Source: www.prnewswire.com

Upang ma-iwasan ang pagkakaroon ng cholera, iminumungkahi na gawin ang mga sumusunod:

  • Ugaliing maghugas ng mga kamay pagkatapos gumamit ng banyo at bago kumain. Gumamit ng sabon at tubig upang mapatay ang mga mikrobyo. Kung walang sabon at tubig, maaaring gumamit ng alkohol o
  • Kumain lamang ng mga pagkaing naluto nang maayos. Hangga’t maaari, iwasan ang pagkain ng mga hilaw na pagkain gaya ng sushi at mga pagkaing ibinebenta sa kalye sapagkat ang mga ganitong uri ng pagkain ay mas madalas pamahayan ng mga mikrobyo.
  • Uminom lamang ng ligtas na tubig. Karaniwang ligtas ang mga bottled water, canned juice, bottled drinks, at maiinit na inumin. Kung walang mabilhan ng mga ito, maaari namang salain at pakuluan muna ang tubig na inumin upang mapatay ang mga
  • Kung maglalagay ng yelo sa inumin, siguraduhin na malinis ang tubig na ginamit sa paggawa nito. Iwasan din ang pagbili ng mga palamig na ibinibenta sa kalye.
  • Hugasan nang mabuti ang mga prutas at gulay. Mas mainam na talupan ang mga prutas at lutuin nang maayos ang mga gulay upang matanggal ang mga mikrobyo nito.

Sanggunian