Buod

Ang Cushing syndrome ay isang hormonal condition na mayroong malawak na epekto sa katawan ng tao. Ipinanangalan ang sakit na ito kay Harvey Cushing, isang Amerikanong neuroseurgeon at pathologist na unang nakapaglarawan ng sakit na ito.

Ang mga taong mayroong Cushing syndrome ay may labis na dami ng cortisol sa katawan. Ang cortisol, na kung minsan ay tinatawag na stress hormone, ay ginagawa at inilalabas ng mga adrenal gland para tulungan ang katawan na gampanan ang mga mahahalagang proseso tulad ng pag-kontrol ng blood sugar at pagpigil sa mga pamamaga.

Samakatuwid, ang labis na dami ng cortisol sa katawan ay may mga hindi kanais-nais na epekto, kagaya ng pagtaas ng timbang, labis na katabaan, at ang madalas na pagkakaroon ng mga impeksyon.

Maaaring lunasan ang Cushing syndrome sa pamamagitan ng mga gamot na nagpapababa sa produksyon ng cortisol. Puwede ring sumailalim sa operasyon ang pasyente, batay sa uri at sanhi ng kaniyang Cushing syndrome.

Kasaysayan

Ang kasaysayan ng Cushing syndrome ay unang naitala noong ika-20 na siglo, bagama’t ang mismong kondisyon na ito ay maaaring umiral na kahit noon pang mga sinaunang panahon.

Noong 1932, inilarawan ni Harvey Cushing, isang Amerikanong neurosurgeon, ang kaniyang mga natuklasan na nag-uugnay sa mga pisikal na katangian sa isang uri ng tumor sa pituitary gland. Ang kondisyong ito sa pituitary gland ay kilala ngayon bilang Cushing syndrome.

Subalit kalaunan, napag-alamang marami sa mga pasyente na taglay ang mga sintomas ng kondisyong ito ay wala namang tumor sa pituitary gland. Mula noon, ang katawagang Cushing syndrome ay ginamit na para sa mga kondisyong kaugnay ng pagkakaroon ng labis na pagtaas ng cortisol sa katawan. Samantala, ang Cushing’s disease ay ginamit naman sa mga pasyente na may mga sintomas na dulot lamang ng mga tumor na naglalabas ng adrenocorticotropic hormone (ACTH). Ito ay isang hormone inilalabas ng katawan bilang panlaban sa stress.

Mga Uri ng Cushing Syndrome

Ang sakit na Cushing syndrome ay mayroong dalawang uri: ang exogenous at endogenous na mga kondisyon.

Exogenous Cushing syndrome

Ang uring ito ng Cushing syndrome ay kadalasang dulot ng matagal na pag-inom ng mga gamot tulad ng corticosteroid o glucocorticoids na may mataas na dosis. Puwede ring makapagdulot ng exogenous Cushing syndrome ang mga gamot na may istrukturang kahalintulad ng cortisol. Ilang halimbawa nito ay dexamethasone, methylprednisolone, at prednisone. Kabilang din dito ang mga itinuturok na corticosteroid para sa pananakit ng mga kasu-kasuan at likod.

Madalas na pinaiiinom ng mataas na dosis ng mga gamot na ito sa mga pasyenteng may hika, lupus, at rheumatoid arthritis. Binibigyan din ng mga gamot na ito ang mga sumailalim sa organ transplant upang hindi i-reject ng katawan ang inilipat na bahagi.

May mga uri rin naman ng steroidal na gamot na tila hindi nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng Cushing syndrome. Ilan sa mga nasabing gamot ay mga steroidal cream na ginagamit na panglunas sa eczema at mga nilalanghap na mga steroid na uri ng gamot para sa hika. Gayunpaman, patuloy pa ring pinag-aaralan ang mga pangmatagalang epekto ng mga ito.

Endogenous Cushing syndrome

Ang uring ito ng Cushing syndrome ay bunga ng mga salik na nasa loob mismo ng katawan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang Cushing’s disease (na hindi dapat ipagkamali sa Cushing syndrome), kung saan may mga tumor na tumutubo sa pituitary gland. Puwede ring sa adrenal gland tumubo ang nasabing tumor na nagtutulak sa paggawa at paglalabas ng cortisol kahit hindi pa ito kailangan ng katawan.

Mga Sanhi ng Cushing Syndrome

Ang pangunahing sanhi ng Cushing syndrome ay ang labis na dami ng cortisol sa katawan. Ang cortisol, na kilala rin bilang stress hormone, ay maraming mahahalagang ginagampanan sa katawan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Pag-regulate sa pressure ng dugo
  • Pagpapahupa sa mga pamamaga
  • Pagtulong sa tamang na pagtibok ng puso at maayos na daloy ng dugo
  • Pagtiyak sa tamang patugon ng katawan laban sa stress
  • Pag-regulate sa metabolismo ng protina, carbohydrates, at mga taba upang magamit ng katawan bilang energy o lakas

Nagkakaroon ng labis na dami ng cortisol sa katawan sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Pagkakaroon ng tumor sa pituitary gland (pituitary adenoma). Ang tumor na ito ay madalas na benign o hindi nagdudulot ng kanser. Ang pituitary gland ay nasa ilalim ng utak at ito ang naglalabas ng ACTH. Ang hormone na ito ay siyang nagtutulak sa mga adrenal gland para gumawa at maglabas ng mas marami pang Ang kondisyong ito ay tinatawag na Cushing’s disease na mas karaniwang nakaaapekto sa mga kababaihan. Ito rin ang pinaka-karaniwang uri ng endogenous Cushing syndrome.
  • Mga tumor na naglalabas ng ACTH. Sa mga pambihirang pagkakataon, may mga tumor na tumutubo sa mga bahagi ng katawan na hindi naman karaniwang naglalabas ng ACTH. Ang mga tumor na ito ay puwedeng benign o puwede rin namang malignant o nagdudulot ng kanser. Ang mga tumor na ito na naglalabas ng ACTH ay karaniwan ding tumutubo sa mga baga, sa lapay o spleen, sa thyroid, at maging sa thymus gland.
  • Pagkakaroon ng pangunahing sakit sa adrenal gland. May uri ng Cushing syndrome na hindi dulot ng labis na cortisol. Sa halip, puwedeng ang sakit ay dulot ng mga kondisyon sa mga adrenal gland. Ang pinaka-karaniwang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng benign tumor na tumutubo sa adrenal cortex, isang uri ng kondisyon na kung tawagin ay adrenal carcinoma. Puwede ring maging sanhi ng Cushing sydrome ang Conn’s syndrome ngunit hindi ito madalas na mangyari.
  • Pagkakaroon ng malignant na tumor sa adrenal cortex. Hindi pangkaraniwan ang ganitong sanhi ng pagtaas ng antas ng cortisol sa katawan. Gayunpaman, puwedeng magdulot ang tumor na ito ng Cushing syndrome kasabay ng kanser.
  • Familial Cushing syndrome. Sa mga bihirang pagkakataon, may mga taong namamana ang isang kondisyon kung saan may tumutubong mga tumor sa isa o higit pa sa mga endocrine gland. Ito ay nakaaapekto sa antas ng cortisol sa katawan na siya namang nagdudulot ng Cushing

Kagaya ng nabanggit sa naunang bahagi, maaari ring magdulot ng Cushing syndrome ang matagalang pag-inom ng gamot na may pagkakahalintulad sa cortisol. Kadalasang inirereseta ang mga gamot na ito sa mga pasyenteng may hika, rayuma, at lupus.

Mga Sintomas ng Cushing Syndrome

Image Source: www.dermatologytimes.com

Maraming mga sintomas ang Cushing syndrome na sa unang tingin ay hindi gaanong magdudulot ng pagkabahala. Gayunpaman, dapat pa ring maging mapagmatiyag, lalo na kung sabay-sabay ang paglabas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Mabilis na pagtaas ng timbang
  • Labis at mabilis na pagtaba ng katawan
  • Pamumuo ng mga taba, lalo na sa may tiyan, sa mukha, sa pagitan ng mga balikat, at itaas na bahagi ng likod na nagdudulot ng bahagyang pagkakuba
  • Pagkakaroon ng kulay lila na mga stretch mark sa dibdib, mga braso, tiyan, at mga hita
  • Pagnipis ng balat na madaling magkapasa at magsugat
  • Pagkakaroon ng pinsala sa balat na matagal gumaling
  • Pagkakaroon ng maraming tigyawat o acne
  • Mabilis na pagkapagod o pagkahapo
  • Panghihina ng mga kalamnan
  • Pagiging glucose intolerant
  • Labis na pagka-uhaw
  • Madalas na pag-ihi
  • Madalas na pagkakaroon ng masakit na ulo

Puwede ring magdulot ang Cushing syndrome ng tinatawag na cognitive dysfunction. Ito ay ang kakulangan at mabilis na paglipas ng atensyon, kawalan o kahirapn sa pagbuo ng short-term memory, at pagbagal ng kakayahang mag-isip. Sa ibang mga pagkakataon, nagkakaroon din ng anxiety at depression ang mga pasyenteng may Cushing syndrome

Samantala, ang mga kababaihang may Cushing syndrome ay maaaring magkaroon ng labis na mga buhok sa mukha at sa katawan. Puwede ring maging iregular ang kanilang menstrual cycle o pagreregla. Ang mga bata naman na may Cushing syndrome ay karaniwang labis na mataba at may mabagal na paglaki.

Ang iba pang sintomas ng Cushing syndrome sa mga kalalakihan ay mga sumusunod:

Mga Salik sa Panganib

Image Source: www.bbc.co.uk

Napatataas ng mga sumusunod na salik ang panganib sa pagkakaroon ng Cushing syndrome:

  • Pagiging babae, bagama’t hindi pa matukoy sa ngayon ang dahilan sa likod nito
  • Pagiging edad 25 hanggang 40 na taong gulang
  • Pagkakaroon ng type 2 diabetes
  • Pagkakaroon ng altapresyon o high blood pressure
  • Labis na katabaan o pagiging obese
  • Pangmatagalang paggamit ng mga corticosteroid na uri ng gamot
  • Pagkakaroon ng tumor sa pituitary gland
  • Pagkakaroon ng primary adrenal gland disease o kaya ay ng benign nodular enlargement ng mga adrenal gland
  • Pagkakaroon ng tumor na naglalabas ng ectopic ACTH, isang uri ng hormone na tumutulong sa pag-regulate ng antas ng cortisol sa katawan.

Mga Komplikasyon ng Cushing Syndrome

Kapag hindi kaagad nalunasan, ang Cushing syndrome ay puwedeng magdulot ng mga sumusunod na komplikasyon:

  • Pagnipis at paghina ng mga buto o osteoporosis
  • Altapresyon at type 2 diabetes kung hindi ito pre-existing sa pasyente
  • Madalas na pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang impeksyon
  • Paghina ng kalamnan

Pag-Iwas sa Cushing Syndrome

Ang isa sa mga paraan sa pag-iwas sa Cushing syndrome ay ang hindi pag-inom ng mga steroid na uri ng gamot. Kung sakaling mayroon kang sakit na mga corticosteroid ang pangunahing mabisang gamot, kausaping mabuti ang iyong doktor ukol rito.

Samantala, kung may natagpuang tumor sa iyong pituitary gland, kumonsulta sa iyong doktor kung puwedeng sumailalim sa isang operasyon upang tanggalin ang tumor. Kung hindi ito matatanggal, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng Cushing syndrome.

Not sure if this part is relevant since this is already discussed in the next section.

Sanggunian