Gamot at Lunas
Image Source: www.freepik.com
Mga antibiotic at iba pa
Sa mga banayad na uri ng diverticulitis, maaari itong lunasan ng mismong mayroon ng kondisyong ito. Subalit, kasabay nito ay ang pag-inom ng mga antibiotic at pain killer na irereseta ng manggagamot. Dapat ding tandaan na kailangang kumpletuhin ang pag-inom sa mga gamot batay sa reseta ng doktor, kahit pa nawala na ang mga sintomas ng kondisyong ito.
Ang ilan sa mga uri ng antibiotic na maaaring ireseta ng mga doktor para sa diverticulitis ay ang mga sumusunod:
- Ciprofloxacin
- Metronidazole
- Cephalexin
- Doxycycline
Dapat ding tandaan na ang mga antibiotic ay maaaring makaapekto sa bisa ng mga contraceptive na gamot. Ang epektong ito ay maaaring tumagal nang may pitong araw makaraang itigil ang pag-inom ng antibiotic.
Ang pagpapa-ospital naman ay maaaring kailanganin sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:
- May labis na pananakit na hindi kayang lunasan ng mga karaniwang pain killer.
- Hindi kayang uminom ng maraming tubig ang pasyente.
- Hindi kaya ng pasyente na uminom ng antibiotic.
- May mahinang kalusugan ang pasyente.
- May hinala ang manggagamot na mayroong komplikasyon o paghina ng immune system ng pasyente.
- Hindi mabisa ang pagpapagamot sa bahay sa loob ng dalawang araw.
Maaaring operahan ang isang taong may diverticulitis, lalo na kapag ito ay malala na.
Operasyon
Maaaring operahan ang taong nakararanas ng diverticulitis nang mahigit sa isang beses. Kapag hindi na-operahan, maaaring magkaroon ng komplikasyon o kaya ay magkaroon ulit ng diverticulitis ang isang pasyente.
Ang isa pa sa maaaring lunas sa diverticulitis sa pamamagitan ng operasyon ay ang pag-aalis sa apektadong bahagi ng malaking bituka. Ang pamamaraang ito ay hindi makaaapekto sa pagdudumi ng pasyente. Subalit, pagkaraan ng operasyong ito, maaaring paunti-unti lamang ang pagkain ng matitigas na pagkain, lalo na ng karne.