Sakit sa Endokrina
Buod
Sa tulong ng endocrine system, ang mga selula ng katawan ay nabibigyan ng kakayahang makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ito ay sapagkat ang sistemang ito ang nagsisilbing chemical messenger ng katawan. Binubuo ang endocrine system ng iba’t ibang mga gland o mga organ na gumagawa ng mga hormone. Ang hormone ay tila kemikal o sangkap ng katawan na tumutulong sa pangangasiwa sa mga selula at nagsasabi sa mga ito kung ano ang mga dapat nilang gawin.
Kabilang sa endocrine system ay ang hypothalamus, pituitary gland, pineal gland, thyroid gland, parathyroid, thymus, mga adrenal, pancreas (lapay), mga ovary (obaryo), at mga testicle (bayag). Ang mga gland na ito ay gumagawa ng kani-kanilang mga hormone at karaniwang may ginagampanan sa pagbabago ng mood ng isang tao, paglaki ng katawan, pangangasiwa ng metabolismo, paghahanda ng katawan sa pagkakaroon ng anak, at paraan ng pagtugon sa stress o anumang uri ng stimulus.
Kadalasan, nagkakaroon ng sakit sa endocrine dahil sa hormonal imbalance. Ibig sabihin, ang alinman sa mga gland ng endocrine system ay napapaunti o napaparami ang paggawa ng mga hormone. Maaaring ito ay dulot ng hindi malusog na pamumuhay o kaya naman ay isinilang nang may problema ang gland. Bukod sa mga ito, maaari ring magkaroon ng sakit sa endocrine kapag ang isang tao ay madalas nakararanas ng stress, may ibang karamdaman, kasalukuyang naggagamot, o kaya naman ay naaksidente.
Dahil ang endocrine system ay binubuo ng iba’t ibang uri ng gland, ang pasyente ay maaaring makaranas ng iba’t ibang mga sintomas batay sa gland na naapektuhan. Maaaring makaranas ang pasyente ng panghihina ng katawan, pagkapagod, pagbaba o pagtaas ng timbang, pagbabago sa paglaki ng katawan, pagbabago sa hugis at katangian ng mukha, pagkabaog, at marami pang iba.
Upang magamot ang sakit sa endocrine system, kailangan munang matukoy ang gland na may problema. Pagkatapos matukoy ito, ang doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot o isailalim ang pasyente sa operasyon. Subalit, kung ang sakit sa endocrine system ay mula pa noong pagkasilang, ang mismong kondisyon ay hindi na magagamot. Halimbawa nito ay ang mga kondisyon na dwarfism at gigantism. Maaaring magbigay lamang ang doktor ng mga gamot kung may hindi magandang nararamdaman ang pasyente.
Kasaysayan ng sakit sa endocrine system
Noon pa man ay mayroon ng mga isinasagawang pag-aaral tungkol sa endocrine system. Batay sa pananaliksik, ang mga sinaunang Tsino ay nagagawa nang maihiwalay ang mga reproductive at pituitary hormone sa ihi ng tao noong 200 BC. Sila ay gumagamit ng mga sangkap na nakuha nila sa mga buto ng namumulaklak na halaman upang maihiwalay ang mga hormone na nabanggit nang sa gayon ay magamit nila ang mga ito sa paggagamot at pag-aaral ng medisina.
Isa pang nakamamanghang tala sa kasaysayan ay ang unang paraan ng pagtukoy ng sakit na diabetes. Ang diabetes ay isa sa mga pinakakilalang sakit sa endocrine system na kung saan ang lapay ay nagkukulang sa paggawa ng mga insulin hormone. Ayon sa mga tala, si Hippocrates, ang tinaguriang “Ama ng Medisina,” ang siyang kauna-unahang nakapag-diagnose ng sakit na diabetes. Subalit dahil wala pang mga modernong kagamitan noon, malalaman lamang na may diabetes ang isang tao sa pamamagitan ng pagtikim sa ihi nito.
Sa pagitan naman ng ika-19 at ika-20 siglo, nagkaroon ng pag-usad sa larangan ng endocrinology sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pag-aaral sa mga hayop, tulad ng aso. Maraming mga aso noon ang ginamit sa pag-aaral upang mas maintindihan pa ang mga sakit gaya ng diabetes at altapresyon. Hanggang sa pagsapit ng taong 1902, ay naimbento ng mga siyentipiko ang salitang “hormone.”
Bukod sa mga aso, ginamit din sa pag-aaral ang mga tandang (lalaking manok). Noong 1849, napansin ni Arnold Adolph Berthold na kapag kinapon ang tandang, ang palong nito ay lumiliit at nawawalan ito ng kakayanan na tumilaok, makipagtalik, at makipagsabong. Pero nang ibinalik ni Berthold ang kinapong bahagi, bumalik ang mga dating katangian ng tandang.
Pagsapit naman ng taong 1899, nagsagawa si Dr. Charles-Edouard Brown-Sequard, isang 72-anyos na doktor, ng eksperimento sa kanyang sarili. Tinurukan niya ang kanyang sarili ng mga sangkap mula sa mga testicle (bayag) ng aso at kunehilyo (guinea pig) upang mapag-aralan ang hormone replacement therapy. Ayon sa doktor, lumakas daw ang kanyang pangangatawan at naging mas maayos ang kanyang panunaw kahit siya ay may edad na. Subalit, ang mga resultang ito ay hindi tinanggap ng karamihan sapagkat maaaring ito raw ay placebo effect lamang. Ibig sabihin, maaaring naikondisyon lamang ni Brown-Sequard ang kanyang utak na may mga pagbabagong magaganap matapos niyang turukan ang kanyang katawan.
Marami pang iba’t ibang pag-aaral ang isinagawa ng mga doktor at siyentipiko noon. Dahil dito, maraming mga gamot at pamamaraan ang nadiskubre upang malunasan ang iba’t ibang uri ng sakit sa endocrine system.
Mga Katangian
Ang endocrine system ay binubuo ng iba’t ibang uri ng gland kaya naman ang pasyente ay maaaring makaranas ng iba’t ibang mga sintomas. Kapag ang isang gland ay may problema o pinsala, magkakaroon ang katawan ng hormonal imbalance. Dahil dito, ang pasyente ay maaaring makaranas ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:
- Pagbaba o pagtaas ng timbang
- Pagkapagod
- Laging nilalamig o naiinitan ang katawan
- Pagtitibi o pagtatae
- Panunuyo ng balat
- Pamamaga o pamimintog ng mukha
- Pagbagal o pagbilis ng pagtibok ng puso
- Panghihina ng mga kalamnan
- Madalas na pag-ihi
- Madalas na pagdanas ng pagka-uhaw
- Pananakit, pamamaga, o paninigas ng mga kalamnan at kasu-kasuan
- Pagnipis ng buhok
- Laging Pagkaramdam ng gutom
- Kawalan ng gana sa pakikipagtalik
- Pabago-bago ng mood (nalulungkot, ninenerbiyos, nag-aalala, o naiinis)
- Panlalabo ng paningin
- Labis na pagpapawis
- Pagkabaog
- Pagkakaroon ng mga kamot (stretchmarks)
Ang mga nabanggit na sintomas ay maaaring parehas maranasan ng mga kalalakihan at kababaihan. Subalit, kung minsan, kapag nagkaroon ng hormonal imbalance ang isang babae o lalaki, malaking pagbabagong pisikal ang nararanasan ng bawat isa. Ang mga kababaihan ay mas nagkakaroon ng mga katangiang panlalaki gaya ng pagdami ng buhok sa mukha o pagkakaroon ng balbas. Samantalang ang mga kalalakihan ay mas nagkakaroon ng mga katangiang pambabae gaya ng paglaki ng dibdib at pagkawala ng mga buhok sa katawan. Kung ang mga kabataan naman ang may sakit sa endocrine system, maaaring hindi agad sila kakitaan ng mga senyales ng pagdadalaga o pagbibinata.
Mga Sanhi
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa endocrine system ang isang tao. Maaaring ito ay dulot ng mga sumusunod:
- May problema o pinsala ang endocrine gland. Maaaring magkaroon ng sakit sa endrocrine system na gaya ng diabetes, bosyo (goiter), at iba pa kapag ang partikular na endocrine gland ay may problema o pinsala. Nagkakaroon ng diabetes ang isang tao kung ang lapay nito ay hindi gumagawa ng sapat na insulin hormone. Maaari namang magkaroon ng bosyo ang isang tao kapag lumaki ang kanyang thyroid gland.
- Hindi malusog na pamumuhay. Ang pagkakaroon ng hindi malusog na paraan ng pamumuhay ay maaari ring magdulot ng sakit sa endocrine system. Isang halimbawa lamang nito ay ang labis na pagkain ng matatamis at matatabang pagkain, na maaaring magdulot Samantala, ang labis na paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog at iba pang sakit na may kinalaman sa pagkakaroon ng anak.
- Isinilang na may problema ang endocrine gland. Kung ang isang sanggol ay isinilang na may problema ang endocrine gland, magreresulta ito sa isang endocrine disorder o kakaibang kondisyon ng katawan. Halimbawa nito ay ang dwarfism at Maaaring magkaroon ng alinman sa mga kondisyon na ito kapag ang pituitary gland ay napapaunti o napapasobra ang paggawa ng growth hormone.
- Dulot ng stress. Ang stress ay maaari ring magdulot ng sakit sa endocrine system at maka-apekto sa balanse ng mga hormone sa katawan. Sa ganitong mga pagkakataon, maaaring makaranas ang pasyente ng pananakit ng tiyan, pagtatae, pagtaas ng presyon ng dugo, at iba pa. Puwede ring maapektuhan ng stress ang kakayanan ng isang tao na magkaroon ng anak.
- May ibang karamdaman. Ang pagkakaroon ng ibang karamdaman gaya ng kanser ay maaari ring magdulot ng sakit sa endocrine system. Dahil ang kanser ay naaapektuhan ang iba’t ibang bahagi ng katawan, maaaring kumalat ito sa ibang mga gland sa endocrine system at magdulot ng komplikasyon.
- Kasalukuyang naggagamot. Kung ang isang pasyente ay kasalukuyang naggagamot, ang endocrine system ay maaaring mapinsala. Ang mga gamot gaya ng amphetamine, benzodiazepine, inhalant, at steroid ay maaaring maapektuhan ang paggawa ng mga reproductive at growth hormone.
- Naaksidente. Ang aksidente ay maaaring magdulot ng pisikal na pinsala sa mga endocrine gland. Dahil dito, maaapektuhan ang dami ng ginagawang hormone ng napinsalang endocrine gland.
Mga salik sa panganib
Bukod sa mga pangunahing sanhing nabanggit, ang mga sumusunod naman ay nakapagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa endocrine system:
- Kasaysayan ng endocrine disorder sa pamilya. Kung ang ilang malalapit na miyembro ng pamilya ay nagkaroon na noon ng mga endocrine disorder, hindi malayong magkaroon din ang isang pasyente nito.
- May mataas na antas ng cholesterol. Ang pagtaas ng dami ng cholesterol sa katawan ay nagpapataas din ng posibilidad na magkaroon ng mga sakit sa endocrine system gaya ng diabetes, hypothyroidism, at Cushing’s syndrome.
- Hindi wastong pagkain. Ang mga taong hindi wasto ang pagkain ay maaari ring magkaroon na mga sakit sa endocrine system. Halimbawa nito ay ang kakulangan sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine, na maaaring magdulot ng bosyo.
- Kakulangan sa pag-eehersisyo. Ang mga taong kulang sa pag-eehersisyo ay maaari ring magkaroon ng sakit sa endocrine system sapagkat ang mga sobrang taba sa katawan ay hindi natutunaw. Sa hindi pagkatunaw ng mga taba, maaaring magdulot ito ng diabetes at iba pang mga karamdaman.
- Pagkakaroon ng isang autoimmune disorder. Maaari ring magkaroon ng sakit sa endocrine system ang mga taong may autoimmune disorder gaya ng Ito ay dahil ang mga kondisyong ito ay nagdudulot ng pag-atake ng mismong immune system ng katawan sa mga organ at tissue nito, sa halip na protektahan ang mga ito. Sa sakit na lupus, nagkakaroon ng pamamaga ang iba’t ibang bahagi ng katawan at maaari nitong maapektuhan ang lapay. Dahil dito, maaaring mamaga ang lapay o magkaroon ng endocrine disorder na tinatawag na pancreatitis.
- Mga buntis. Sa pagbubuntis, nagkakaroon ng maraming pagbabagong hormonal at maaaring magresulta ito sa mga sakit sa endocrine system, gaya ng Sa kondisyon na ito, ang thyroid gland ay gumagawa ng sobrang thyroxine hormone at nagiging dahilan ito upang makaranas ang isang buntis ng mabilis na pagtibok ng puso, pamamayat, palagiang pagsusuka, at iba pa.
- Mga naaksidente o naoperahan. Kung ang bahaging naaksidente o naoperahan ay ang alinman sa mga endocrine gland, maaaring magkaroon ng pansamantala o permanenteng pinsala ang mga ito. Dahil dito, ang naapektuhang endocrine gland ay hindi makagagawa ng sapat na dami ng hormone at magreresulta ito sa hormonal imbalance.
Paggamot at Pag-Iwas
Ang paggamot sa mga sakit sa endocrine system ay karaniwang nahahati sa pagbibigay ng gamot at operasyon batay sa pangangailangan ng pasyente. Ang mga gamot ay inirereseta upang maibsan ang mga nararamdamang sintomas ng pasyente. Ngunit sa kabilang dako, iminumungkahi lamang ang operasyon kung ang naapektuhang endocrine gland ng pasyente ay may mga bukol o kailangan nang tanggalin dahil sa tindi ng kondisyon.
Paggamot sa sakit sa endocrine system
Upang magamot ang anumang sakit sa endocrine system ng pasyente, kailangang matukoy muna kung anong gland ang naaapektuhan nang sa gayon ay malapatan ito ng tamang lunas. Ilan sa mga lunas na maaaring imungkahi ng doktor sa pasyente ay ang mga sumusunod:
- Estrogen therapy. Ang estrogen therapy ay ang pagbibigay ng estrogen o female hormone sa pasyente. Maaaring ito ay isang uri ng tableta o kaya naman ay isang uri ng Kadalasang ibinibigay ito sa mga pasyenteng menopausal o mga kababaihang tumigil na ang pagreregla.
- Vaginal estrogen. Ang vaginal estrogen naman ay ginagamit upang mabawasan ang panunuyo ng ari at masakit na pakikipagtalik. Maaaring ito ay isang uri ng cream o tableta na ipinapahid o isinusuot sa ari ng babae.
- Hormonal birth control. Ang hormonal birth control ay nakatutulong upang mabuntis ang isang babae, lalo na kung hindi regular ang kanyang regla. Ito ay maaaring isang uri ng tableta, patch, injection, vaginal ring, o intrauterine device (IUD). Nakatutulong din ang hormonal birth control upang mabawasan ang mga tigyawat at mga buhok sa mukha.
- Mga anti-androgen na gamot. Kung ang estrogen ay ang female hormone, ang androgen naman ang male hormone. Parehas na mayroong estrogen at androgen ang mga kababaihan at kalalakihan, subalit kung ang isang babae ay may mas mataas na dami ng androgen sa katawan, maaari siyang bigyan ng mga anti-androgen na gamot upang mabawasan ang labis na buhok sa mukha, pagkapanot, at maraming tigyawat.
- Metformin. Ang metformin ay karaniwang gamot ng mga pasyenteng may type 2 diabetes pero ginagamit din ito upang lunasan ang sakit sa endocrine system gaya ng polycystic ovarian syndrome o PCOS. Nakatutulong ito upang mabawasan ang dami ng androgen hormone sa katawan ng babaeng may PCOS upang mas maging malaki ang posibilidad na mabuntis.
- Testosterone therapy. Ang testosterone therapy ay nakatutulong upang dumami ang testosterone ng mga lalaki nang sa gayon ay mas mataas ang posibilidad nila na makabuntis. Maaaring ito ay isang uri ng injection, patch, o gel.
Thyroid hormone therapy. Sa thyroid hormone therapy naman, ibinibigay ito upang maging balanse ang dami ng thyroxine hormone sa katawan. Kadalasang ito ay isang uri ng tableta at ibinibigay ito sa mga pasyenteng may hypothyroidism. - Flibanserin. Ang flibanserin ay isang gamot upang manumbalik ang gana sa pakikipagtalik ng mga menopausal na pasyente.
- Eflornithine. Ang eflornithine ay isang uri ng cream na ginagamit upang hindi magkaroon ng maraming buhok sa mukha ang isang babae. Hindi nito tinatanggal ang mga tumubong buhok sa mukha, pinapabagal lamang nito ang pagtubo ng mga ito.
Bukod sa paggamit ng mga gamot, maaaring operahan din ang isang pasyenteng may sakit sa endocrine system gaya ng mga sumusunod:
- Adrenalectomy. Ito ay ang pagtanggal sa buong adrenal gland.
- Parathyroidectomy. Ito ay ang pagtanggal sa buong parathyroid gland.
- Thyroidectomy. Ito ay ang pagtanggal sa buong thyroid gland.
- Thyroid lobectomy. Ito ay ang pagtanggal sa isang bahagi ng thyroid gland.
- Total pancreatectomy. Ito ay ang pagtanggal ng buong lapay, apdo, at ang maliit na bahagi ng sikmura, maliit na bituka, pati na rin ang pali (spleen).
Pag-iwas sa sakit sa endocrine system
Maaaring iwasan ang pagkakaroon ng mga sakit sa endocrine system, lalo na kung hindi naman isinilang na may problema ang mga gland nito. Nakasalalay ang pagkakaroon ng malusog na endocrine system sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod:
Image Source: blogs.discovermagazine.com
- Panatilihin ang tamang timbang. Ang pagpapanatili ng tamang timbang ay nakatutulong upang maiwasan ang mga endocrine na sakit gaya ng Kasama na rito ang pagpili ng mga masustansyang pagkain.
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Ang mga pagkaing mayaman sa iodine ay nakatutulong upang hindi magkaroon ng sakit sa thyroid ang katawan. Halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa iodine ay mga pagkaing-dagat gaya ng isda, hipon, alimango, at iba pa. Maaari ring haluan ng iodized salt ang mga lutuin upang magkaroon ito ng iodine.
- Kumain ng balanse at masusustansyang pagkain. Upang makaiwas sa kahit na anumang sakit, kumain ng balanse at masusustansyang pagkain. Ugaliing maghain ng mga pagkain gaya ng prutas, gulay, isda, at hindi matatabang bahagi ng karne.
- Mag-ehersisyo araw-araw. Maglaan ng kahit 30 minuto para sa pag-eehersisyo araw-araw. Nakatutulong ito upang mapanatili ang tamang timbang at maging mas maayos ang pagdaloy ng dugo sa katawan.
- Huwag magbisyo. Ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring makaapekto sa paggawa ng mga hormone sa katawan sapagkat ang mga ito ay mayroong maraming mga nakalalasong kemikal.
Mga Uri ng Sakit
Ang endocrine system ay maaaring maapektuhan ng maraming mga uri ng sakit. Batay sa gland na naapektuhan, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng sakit gaya ng mga sumusunod:
Mga sakit sa hypothalamus. Ang hypothalamus ay isang gland na matatagpuan sa ibabang gitnang bahagi ng utak. Gumagawa ito ng mga hormone upang mapangasiwaan ang iba’t ibang aspeto gaya ng temperatura ng katawan, pagkagutom, pagkauhaw, pagkapagod, pagtulog, paglaki at pagbigat ng katawan, pagkakaroon ng gatas ng ina, mga emosyon, at iba pa. Kung magkakaroon ito ng problema o pinsala, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- Hypothalamic disease
- Hypopituitarism
- Neurogenic diabetes insipidus
- Non-24-hour sleep-wake syndrome
- Problema sa paglaki o developmental disorder
- Tertiary hypothyroidism
Mga sakit sa pituitary gland. Ang pituitary gland ay matatagpuan sa ilalim ng utak at ito ay nasa bandang likuran din ng mga sinus. Binansagan itong “master gland” sapagkat maraming ibang gland ang naaapektuhan nito gaya na lamang ng thyroid gland. Kung magkakaroon ito ng pinsala, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- Acromegaly
- Bukol sa pituitary gland (Pituitary tumor/adenoma)
- Cushing’s disease
- Diabetes insipidus
- Empty sella syndrome
- Galactorrhea
- Hyperprolactinemia
- Hyperpituitarism
- Hypopituitarism
- Kakulangan sa growth hormone (Growth hormone deficiency)
- Pagka-higante (Gigantism)
- Pagka-unano (Dwarfism)
- Pickardt-Fahlbusch syndrome
- Prolactinoma
- Septo-optic dysplasia
- Sheehan syndrome
- Syndrome of inappropriate antidiuretic hormone
Mga sakit sa pineal gland. Ang pineal gland ay isang maliit na organ na makikita sa gitna ng utak. Kilala ito bilang “third eye.” Kadalasan, pinangangasiwaan nito ang pagtulog ng isang tao, presyon ng dugo, at iba pa. Sa pagkapinsala ng pineal gland, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na sakit o karamdaman:
- Altapresyon
- Autism
- Hirap sa pagtulog (Insomnia)
- Iregular na paghinga (Breathing irregularity)
- Jet lag
- Kanser
- Kombulsyon
- Mabilis na pagtanda (Accelerated aging)
- Magulong pag-iisip (Agitated state of mind)
- Masakit na ulo
- Matinding pagkalungkot (Depression)
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pagkaantala sa memorya (Memory disruption)
- Panlalabo ng paningin (Impaired vision)
- Pineal calcification
- Psychosis
- Seasonal affective disorder
- Stress
Mga sakit sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay hugis-paru-paro na gland na matatagpuan sa leeg. Ito ang gland na nangagasiwa sa metabolismo ng katawa. Kung magkakaroon ito ng pinsala, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- Anaplastic thyroid cancer
- Bosyo (Goiter)
- Bukul-bukol sa thyroid gland (Thyroid nodules)
- De Quervain’s thyroiditis
- Follicular thyroid cancer
- Graves-Basedow disease
- Hashimoto’s thyroiditis
- Hurthle cell thyroid cancer
- Hyperthyroidism
- Hypothyroidism
- Kanser sa thyroid
- Medullary thyroid cancer
- Papillary thyroid cancer
- Silent thyroiditis
- Thyroid hormone resistance
- Thyroiditis
- Toxic multinodular goiter
Mga sakit sa parathyroid gland. Ang parathyroid gland ay apat na maliliit na gland na matatagpuan din sa leeg. Ito ay gumagawa ng mga hormone upang maging maayos ang paglaki at pagbuo ng mga buto sa katawan. Kung magkakapinsala ito, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- Hyperparathyroidism
- Hypothyroidism
- Kanser sa buto
- Kanser sa parathyroid
- Osteitis deformans (Paget’s disease of bone)
- Osteoporosis
- Rickets
- Osteomalacia
Mga sakit sa thymus gland. Ang thymus gland ay matatagpuan sa bandang itaas na bahagi ng dibdib. Ito ay may kinalaman sa pangangasiwa ng resistensya ng katawan. Kung maaapektuhan ito, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- DiGeorge syndrome
- Kanser sa thymus
- Masthenia gravis
- Severe combined immunodeficiency (SCID)
- Thymic carcinoma
- Thymic hyperplasia
- Thymolipoma
- Thymoma
Mga sakit sa mga adrenal gland. Ang katawan ay mayroong dalawang adrenal gland na matatagpuan sa taas ng mga kidney o bato. Ang mga gland na ito ay nakaaapekto sa paglaki ng tao, pagtugon sa stress, at iba pa. Kung mapipinsala ito, maaaring maranasan ang mga sumusunod na kondisyon:
- Addison’s disease
- Adrenal crisis
- Adrenal insufficiency
- Adrenal gland suppression
- Adrenogenital syndrome
- Adrenoleukodystrophy
- Congenital adrenal hyperplasia
- Cushing’s disease
- Hyperaldosteronism
- Hypoaldosteronism
- Kanser sa adrenal gland
- Multiple endocrine neoplasia
- Pheochromocytoma
- Primary aldosteronism
- Von Hippel-Lindau disease
Mga sakit sa lapay. Ang lapay ay matatagpuan sa likod ng tiyan. Ito ang gland na gumagawa ng insulin upang magkaroon ng normal na dami ng asukal ang dugo. Kapag napinsala ito, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:
- Annular pancreas
- Cystic fibrosis
- Diabetes (at iba pang mga uri nito)
- Diabetes dulot ng pagbubuntis (Gestational diabetes)
- Exocrine pancreatic insufficiency
- Hyperglycemia
- Hypoglycemia
- Idiopathic hypoglycemia
- Insulinoma
- Glucagonoma
- Kanser sa lapay
- Mature onset diabetes of the young
- Pamamaga ng lapay (Pancreatitis)
- Pancreas divisum
- Pancreatic pseudocyst
- Type 1 diabetes
- Type 2 diabetes
- Zollinger-Ellison syndrome
Mga sakit sa mga obaryo at bayag. Ang mga kababaihan ay may dalawang obaryo, samantalang ang mga kalalakihan ay may dalawang bayag. Ang mga ito ang gumagawa ng mga itlog o semilya at nagbibigay kakayanan upang magkaroon ng anak. Kung magkakaroon ng pinsala ang mga ito o magkaroon ng problema pagkasilang, maaaring maranasan ang mga sumusunod:
- Androgen insensitivity syndrome
- Gonadal dysgenesis
- Hindi paggana ng mga bayag (Testicular failure)
- Hindi paggana ng mga obaryo (Ovarian failure)
- Hindi pagkakaroon ng regla (Amenorrhea)
- Huling pagbibinata o pagdadalaga (Delayed puberty)
- Hypogonadism
- Kallmann syndrome
- Klinefelter syndrome
- Maagang pagbibinata o pagdadalaga (Precocious puberty)
- Pagkakaroon ng dalawang ari (Hermaphroditism)
- Polycystic ovarian syndrome (PCOS)
- Turner syndrome
Upang malaman agad kung may problema sa endocrine system, regular na magpatingin sa doktor. Ang doktor na dalubhasa sa paggamot sa mga sakit sa endocrine ay tinatawag na endocrinologist. Subalit, maaari namang magpatingin muna sa isang general practitioner bago lumapit sa mga espesyalistang doktor.
Sanggunian
- https://www.webmd.com/diabetes/endocrine-system-facts#1
- https://www.endocrineweb.com/endocrinology/about-endocrine-system
- https://www.healthhype.com/endocrine-diseases-and-disorders-general-signs-symptoms.html
- https://www.healthline.com/health/hormonal-imbalance#causes
- https://www.healthline.com/health/hormonal-imbalance
- https://www.livescience.com/26496-endocrine-system.html
- https://www.livescience.com/40386-endocrine-system-surprising-facts.html
- https://sunrisehouse.com/addiction-demographics/endocrine-exocrine-systems/
- https://www.healthgrades.com/right-care/endocrinology-and-metabolism/endocrine-disorders#symptoms
- https://mainehealth.org/services/endocrinology-diabetes/endocrine-surgery
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/312628.php
- https://en.wikipedia.org/wiki/Hypothalamic_disease
- https://en.wikipedia.org/wiki/Pituitary_disease
- https://herbpathy.com/Herbal-Treatment-for-Pineal-Gland-Disorder-Cid4955
- https://www.endocrineweb.com/conditions/thyroid/all
- https://healthhearty.com/thymus-gland-diseases
- https://medlineplus.gov/adrenalglanddisorders.html
- https://en.wikipedia.org/wiki/Adrenal_gland_disorder
- https://www.nichd.nih.gov/health/topics/adrenalgland/conditioninfo/types
- https://en.wikipedia.org/wiki/Pancreatic_disease