Buod

Ang fecal incontinence o bowel incontinence ay ang hindi mapigilang paglabas ng dumi dahil sa kawalan ng kontrol sa rectum o tumbong. Sa kondisyon sa digestive system na ito, ang pasyente ay madalas makaramdam na kailangan niyang dumumi. Kung minsan naman, napapadumi na ang pasyente sa kanyang saluwal nang hindi niya nalalaman. Maaari ring mapansin na palaging may bahid ng dumi ang saluwal ng pasyenteng may fecal incontinence.

Maraming dahilan kung bakit nakararanas ng fecal incontinence ang isang tao. Maaaring napunit ang mga kalamnan ng kanyang puwetan o mga anal muscle, bunga ng mahirap na panganganak. Maaari ring nagtamo ng trauma ang mga anal muscle dulot ng injury o kaya naman ay operasyon. Bukod sa mga ito, maaari ring makaranas ng fecal incontinence ang isang tao kung may karamdaman siya sa utak o spinal cord.

Maaaring malunasan ang fecal incontinence sa pamamagitan ng pagbabago sa diyeta, pag-inom ng mga gamot, at pagsasagawa ng mga anal strengthening exercise. Kung ang kondisyon naman ay may kalalaan, maaaring sumailalim ang pasyente sa isang operasyon.

Kasaysayan

Walang gaanong tala ang naglalahad tungkol sa kasaysayan ng fecal incontinence. Ang madalas na naaapektuhan ng kondisyong ito ay mga kababaihan. Ayon sa datos, tinatayang 20 milyong kababaihan ang mayroong fecal incontinence sa Estados Unidos. Ang mga karaniwang sanhi nito ay dala ng katandaan at pagtatamo ng trauma sa panganganak.

Sa kasalukuyan, nilulunasan ang fecal incontinence sa pamamagitan ng paggamit ng mga stool-bulking agent o mga gamot na nakapagpabubuo ng dumi. Gumagamit din ng mga motility regulator gaya ng loperamide hydrochloride upang mabawasan ang pagkulo ng tiyan na nagreresulta sa madalas na pagdumi.

Pagsapit ng taong 2015, naaprubahan ng FDA ng Estados Unidos ang Eclipse System (Pelvalon), isang uri ng vaginal insert na ginagamit bilang panglunas sa fecal incontinence ng mga kababaihan. Ang Eclipse System ay mayroong isang balloon o lobo na maaaring bombahan ng hanging gamit ang isang pump. Kapag ang lobo ay may hangin, ang mga anal muscle ay bahagyang sumisikip kaya naman nai-iwasan ang imboluntaryong pagdumi. Kapag tinanggalan naman ang lobo ng hangin, maaaring makadumi ang pasyente.

Dahil sa paglawak ng kaalaman tungkol sa fecal incontinence at pag-imbento ng mga aparato na gaya ng vaginal insert, hindi na malayong gumaling mula sa kondisyon na ito.

Mga Uri

Ang fecal incontinence ay mayroong iba’t ibang mga uri. Ilan sa mga uri nito ay ang mga sumusunod:

  • Urge incontinence. Sa uring ito, ang isang tao ay nakararamdam na kailangan niyang dumumi subalit kailangan niyang magmadali upang makaabot sa banyo.
  • Flatus incontinence. Ang flatus incontinence ay kilala rin sa tawag na wind incontinence. Ito ay dahil sa hindi malaman ng pasyente kung ang tumbong niya ay napupuno na ng dumi o hangin lamang.
  • Passive incontinence. Ito ay ang paglabas o pagtagas ng dumi nang hindi nalalaman ng pasyente. Mabibigla na lang ang pasyente na napadumi na pala siya.
  • Anal and rectal incontinence. Sa uring ito, hindi magawang kontrolin ng pasyente ang kanyang rectal canal at anal sphincter dulot ng pinsala sa mga nerve
  • Overflow incontinence. Nagkakaroon ng kondisyong ito kapag mayroong nakabarang matigas na dumi sa tumbong. Dahil dito, ang lumalabas o tumatagas lamang ay ang malalambot na dumi.

Mga Sanhi ng Fecal Incontinence

Image Source: www.clipartwiki.com

Iba’t iba ang mga maaaring sanhi ng fecal incontinence. Kadalasan, nagkakaroon ng fecal incontinence dahil nagkaroon ng pinsala ang anal muscle o kaya naman ay mga nerve nito. Ilan lamang sa mga karaniwang sanhi nito ay:

  • Pagkapunit ng anal muscle dahil sa panganganak. Kapag ang anal muscle ay nagkaroon ng punit, ang mga nerve na kumokontrol sa mga kalamnan na ito ay napipinsala rin. Kadalasan, ito ay dulot ng hirap sa panganganak.
  • Pagtatamo ng trauma ng mga anal muscle. Ang mga anal muscle ay maaari ring magkaroon ng trauma bunga ng injury o kaya ay nakaraang operasyon sa bahaging ito. Kung ang trauma ay hindi agad malulunasan, mahihirapang makadumi nang maayos ang pasyente.
  • Pagkakaroon ng mga neurological disorder. Isa rin sa mga pangunahing sanhi ng fecal incontinence ay ang pagkakaroon ng mga neurological disorder na gaya ng stroke, dementia, at spinal cord injury. Dahil ang mga nerve ng katawan ay may pinsala, hindi magawang makapagdala ng mensahe ang utak sa mga anal muscle kung kailan dapat dumumi ang pasyente.
  • Pagtitibi. Maaari ring magdulot ng fecal incontinence ang pagtitibi. Dahil hindi mailabas ang matigas na dumi, ang mga kalamnan ng tumbong ay lumalawak at humihina at ito ay nagreresulta sa pagtagas ng malalambot na dumi.
  • Pagtatae. Kung ang pasyente ay nagtatae, humihina rin ang mga kalamnan ng tumbong. Dahil dito, lalong lumalala ang pagtatae ng pasyente.
  • Pagkakaroon ng almoranas. Kung ang puwetan ay may almoranas, maaaring hindi ito magsara nang tuluyan na siyang nagiging sanhi ng pagtagas ng dumi.

Mga Sintomas

Image Source: www.medicalnewstoday.com

Masasabing may fecal incontinence ang isang tao kung nakararamdam ng mga sumusunod na sintomas:

  • Madalas makaramdam na kailangang dumumi
  • Hindi nakaaabot sa banyo sa tuwing ninanais dumumi
  • Aksidenteng pagdumi sa saluwal nang hindi nalalaman
  • Pagkakaroon ng bahid ng dumi sa saluwal
  • May kasamang dumi sa pag-utot
  • Napapadumi kapag nag-eehersisyo o nagbubuhat

Mga Salik sa Panganib

May mga ilang salik na maaaring makapagpataas ng posibilidad sa pagkakaroon ng fecal incontinence at ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagiging matanda. Kung ang edad ay nasa 65 taong gulang pataas, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng fecal incontinence sapagkat ang mga anal muscle ay humihina na.
  • Pagiging babae. Gaya ng nabanggit noong una, ang mga babae ang madalas magkaroon ng kondisyon na ito bunga ng hirap sa panganganak o kaya naman ay pagsapit sa yugto ng menopause.
  • Pagkakaroon ng pangmatagalang kondisyon. Ang mga pangmatagalang kondisyon gaya ng diabetes, multiple sclerosis, dementia, at iba pa ay kabilang din sa mga salik sa panganib ng fecal incontinence. Ang mga kondisyong ito ay kadalasang nagdudulot ng pinsala sa mga nerve ng katawan at maaari ring maapektuhan ang mga nerve ng mga anal muscle.
  • Pagkakaroon ng physical disability. Kung ang isang tao ay physically disabled, maaari ring mapadalas ang pagdumi sa saluwal bunga ng hirap sa pagkilos.

Mga Komplikasyon ng Fecal Incontinence

Kung hindi agad malulunasan ang fecal incontinence, maaaring magkaroon ang pasyente ng mga komplikasyon gaya ng mga sumusunod:

  • Pagkairita ng balat sa paligid ng puwetan
  • Pangangati at pananakit ng puwetan
  • Pagsusugat ng puwetan
  • Matinding depresyon dulot ng pagkahiya

Ang madalas na pagdumi ay madalas magdulot ng pagkairita ng balat. Bukod dito, maaari ring makaranas ng matinding depresyon ang pasyenteng may fecal continence bunga ng kahihiyang napapadumi siya sa saluwal.

Pag-Iwas

Image Source: unsplash.com

Upang maka-iwas sa pagkakaroon ng fecal incontinence, mangyaring gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:

  • Iwasan ang pagtitibi. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw, kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber gaya ng prutas at gulay, at mag-ehersisyo araw-araw upang maging regular ang pagdumi.
  • Iwasan ang pagkakaroon ng Maghugas ng mga kamay bago kumain at siguraduhing malinis ang tubig na iniinom at ang mga pagkaing kinakain.
  • Dahan-dahan lang umiri habang dumudumi. Ang pag-iri nang malakas at biglaan ay maaaring magdulot ng pagkapunit o panghihina ng mga anal muscle. Maaari rin itong magdulot ng pinsala sa mga nerve

Sanggunian