Gamot at Lunas
Kapag hindi nagamot ang gout, ito ay maaaring magdulot ng pagkasira sa mga kasu-kasuan at sa mga tendon ng kalamnan. Kapag nangyari ito, mawawalan ng kakayahan ang bahaging apektado na gumana nang normal. Kaya, kailangang gamutin agad ito.
Ang mga lunas sa gout ay ang mga sumusunod:
- Pagbawas sa pananakit. Kapag lumala na ang pananakit ng gout, ang dapat na gawin ay bawasan ang pananakit at pamamaga ng apektadong bahagi ng katawan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga non-steroidal anti-inflammatory (NSAID) na mga gamot. Maaari ring magrekomenda ang mga doktor ng steroid pill o kaya ay steroid shots.
- Paglalagay ng mga splint. Maaari ring maglagay ng splints sa apektadong bahagi upang maiwasan ang pananakit na dulot ng paggalaw ng mga ito. Kasabay nito ay maaari ring mag-apply ng compression upang magbigay ng dagdag na ginhawa.
- Sa mga malalalang kaso, maaaring kailanganin ang operasyon. Lalo itong kailangan kung nagkaroon ng malubhang pagkapinsala sa tendon o ng labis na pamumuo ng likido sa apektadong bahagi.