Buod

Ang Graves’ disease ay isang uri ng sakit na umaapekto sa thyroid gland. Ito ay ipinangalan sa Irish na manggagamot na si Robert James Graves na siyang kinikilalang isa sa mga pangunahing naka-obserba sa sakit na ito. Subalit, tinatawag din itong Basedow’s disease, mula sa pangalan ng Aleman na manggagamot na bukod na naka-obserba rin sa kondisyong ito noong 1840: si Karl Adolph van Basedow.

Ang sakit na ito ay isang uri ng autoimmune na kondisyon na nagdudulot ng paggawa ng thyroid gland ng labis na dami ng thyroid hormone. Ang Graves’ disease ang karaniwang pinaka-sanhi ng pagkakaroon ng hyperthyroidism. Subalit, hindi pa matukoy ang tiyak na sanhi ng sakit na ito. Ang tanging nalalaman ukol dito ay ang labis na pagiging aktibo ng thyroid gland. Kung bakit nangyayari ito ay palaisipan pa rin para sa mga manggagamot hanggang ngayon.

Ang ilan sa mga sintomas ng Graves’ disease ay ang pagluwa ng mga mata, ang pagkapal ng isang bahagi ng balat, pagiging balisa, mabilis na pagpintig ng puso, maging ang pagiging maselan sa maalinsangang kapaligiran. Ang ilan naman sa mga lunas sa Graves’ disease ay ang pag-inom ng mga gamot na tumutulong sa pagbawas sa sakit, radioidine therapy, maging ang operasyon kung saan ay tinatanggal ang thyroid.

Kasaysayan

Ang mga katangian ng Graves’ disease ay napansin at inilarawan na noon pang ika-12 na siglo ng Persyanong manggagamot na si Sayyid Ismail al-Jurjani. Iniugnay niya ang sakit na bosyo o goiter sa exophtlamos sa kaniyang aklat na Thesaurus of the Shah of Khwarazm—isa sa mga pangunahing talahulugang pang-medisina noong panahong iyon.

Noon namang 1835 ay inilarawan ng Irish na manggagamot na si Robert James Graves ang kondisyong ito bilang isang uri ng goiter na may exophthalmos. Dahil dito, ang sakit na ito ay ipinangalan din sa kaniya. Kalaunan, ang mga katawagang Graves’ disease at Graves disease ay naging katanggap-tanggap na paraan ng pagtukoy sa kondisyong ito.

Noon namang 1840 ay bukod na inilarawan ng Aleman na manggagamot na si Karl Adolph von Basedow ang sakit na ito. Dahil dito, ang Graves’ disease ay tinawag na Basedow’s syndrome sa kontinente ng Europa. Tinawag din itong Basedow’s disease o Morbus Basedow sa lugar na ito. Dahil naman sa katangian ng sakit na ito, ang Graves’ disease tinawag ding exophthalmic goiter. Ang iba pang mga katawagan sa Graves’ disease ay ang mga sumusunod:

  • Parry’s diseae
  • Flajani’s diseae
  • Flajani-Basedow syndrome
  • Marsh’s disease

Ang mga katawagang ito ay hango sa pangalan ng mga manggagamot na sina Caleb Hillier Parry, James Begbie, Giuseppe Flajani, at Henry Marsh. Ang mga ulat ng mga manggamot na ito ukol sa kondisyong ito ay nalathala may ilang taon bago pa nakilala ang paglalarawan ni Robert James Graves ukol dito.

Anu-ano naman ang mga sanhi ng sakit na Graves’ disease?

Mga Uri

Ang ilan naman sa mga uri ng Grave’s disease batay sa mga subdivision ay ang mga sumusunod:

  • Graves’ dermopathy. Tinatawag din itong localized myxedema o kaya ay thyroid dermopathy. Ito ay ang bihirang pagsumpong ng autoimmune na thyroiditis, lalo na ng Graves’ disease. Ang pangunahing sintomas nito ay ang pagkapal ng isang bahagi ng balat.
  • Graves’ orbitopathy. Ito ay isang uri ng autoimmune na sakit sa mga retroocular tissue ng mga taong may Graves’ disease. Tinatawag din itong Graves’ ophthalmopathy, subalit ito ay pangunahing sakit sa Dahil dito, mas angkop ang katawagang Graves’ orbitopathy sa kondisyong ito.
  • Graves’ ophthalmopathy. Kilala rin ito bilang thyroid eye diseae (TED). Ito ay isang uri ng autoimmune inflammatory disorder ng orbit at ng mga periorbital tissue. Ang pangunahing palatandaan nito ay ang pag-urong ng itaas na talukap ng mga mata, pamamaga at pamumula ng mga ito, pagkakaroon ng conjunctivitis, maging ang pagluwa ng mga mata.

Anu-ano naman ang mga kilalang sanhi ng Graves’ disease? Papaano nagkakaroon ang tao nito?

Mga Sanhi

Ang Graves’ disease ay bunga ng pagkapinsala o kaya ay ng hindi maayos na paggana ng resistensya ng tao. Subalit, patuloy pang pinag-aaralan ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito.

Ang isa sa mga pinaka-mahalagang tungkulin ng immune system ng tao ay ang paggawa ng mga antibody. Ang mga ito ay may kakayahang patayin ang mga mikrobyong nagdudulot ng sakit, kagaya ng mga virus at bacterium, maging ang ilan pang mga bagay o sangkap na maaaring makapinsala sa katawan. Ang isa sa mga bahagi ng katawan na gumagawa ng antibody ay ang thyroid gland na matatagpuan sa leeg.

Subalit, sa kaso ng Graves’ disease, ang immune system tumutulak sa thryoid na maglabas ng labis na dami ng mga thyroid hormone. Bunga nito, ang tao ay nagkakaroon ng hyperthyroidism at ng hindi maayos na paggana ng immune system.

Anu-ano naman ang mga palatandaan ng pagkakaroon ng Graves’ disease? Anu-ano ang mga sintomas ng sakit na ito?

Mga Sintomas

Image Source: www.medicalnewstoday.com

May kahirapan ang pag-diagnose sa sakit na Graves’ disease, dahil ang mga sintomas nito ay kadalasang may hawig sa ibang uri ng mga sakit. Subalit, ang ilan sa mga karaniwang sintomas nito ay ang mga sumusunod:

  • Pagbagsak ng timbang kahit magana pa rin sa pagkain
  • Pagkabalisa at panginginig ng katawan
  • Pagiging iritable
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagiging maselan sa maalinsangang panahon
  • Labis na pagpapawis
  • Pananakit ng dibdib
  • Pagbilis ng papintig ng puso
  • Pagkakapos ng hininga
  • Pagiging madalas ng pagdumi kahit hindi nagtatae
  • Pagkakaroon ng hindi regular na regla
  • Panghihina ng mga kalamnan
  • Hirap sa pagkontrol sa sakit na diabetes
  • Pagkakaroon ng bosyo o goiter
  • Paglaki at pagluwa ng mga mata
  • Pagkaduling at iba pang problema sa paningin
  • Pagkapal ng balat
  • Pagkakaroon ng Turner syndrome
  • Pagkakaroon ng celiac disease
  • Pagkakaroon ng pterygium
  • Pagkakaroon ng dystonia
  • Pagkakaroon ng cushing syndrome
  • Pagkakaroon ng anal fissure
  • Pangangasim ng sikmura

Maaari bang magkaroon ng sakit na ito ang sinuman? Anu-ano ang mga salik na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng Graves’ disease?

Mga Salik sa Panganib

Image Source: unsplash.com

Napapataas ng mga sumusunod na salik ang panganib sa pagkakaroon ng sakit na ito:

  • Kasaysayan sa pamilya. Napag-alamang ang sakit na ito ay namamana. Kaya, ipinalalagay ng mga dalubhasa na may isang uri ng gene na nagdudulot ng sakit na ito.
  • Kasarian. Higit na mataas ang panganib ng mga kababaihan na magkaroon ng sakit na ito kaysa sa mga kalalakihan.
  • Edad. Napatunayan sa mga pag-aaral na karaniwang umaapekto ang sakit na ito sa mga taong may 40 na taong gulang pababa.
  • May taglay na ibang autoimmune na kondisyon. Ang mga taong may sakit sa immune system, kagaya ng type 1 na diabetes o kaya ng rheumatoid arthritis ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng Graves’ disease.
  • Pagkakalantad sa mga emosyonal at pisikal na stress. Ang stress ay maaaring maging daan sa ikapagkakaroon ng Graves’ disease, lalo na sa mga taong mayroong ganitong sakit sa pamilya.
  • Pagbubuntis. Ang pagbubuntis, maging ang panganganak, ay nagpapataas din sa panganib ng pagkakaroon ng kondisyong ito, lalo na kung ang ina ay may kamag-anak na nagtataglay ng sakit na ito.
  • Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay maaaring puminsala sa resistensya ng katawan. Kapag humina ang resistansya, maaaring maging lantad ang katawan sa iba’t ibang uri ng karamdaman, kabilang na ang Graves’ disease.

Anu-ano ang mga komplikasyon na maaaring maging resulta kapag hindi nalunasan ang sakit na ito?

Mga Komplikasyon

Ang mga sumusunod ay mga komplikasyon na maaaring idulot ng Graves’ disease:

  • Problema sa pagbubuntis o pangangak
  • Mga sakit sa puso
  • Thyroid storm na kilala rin bilang accelerated hyperthyroidism o thyrotoxic crisis
  • Pagrupok ng mga buto

Maaari bang iwasan ang sakit na Graves’ disease?

Pag-Iwas

Image Source: unsplash.com

Hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na sanhi ng Graves’ disease. Subalit, napakalaki ng kinalaman ng genetics sa pagkakaroon ng sakit na ito. Dahil dito, kapag ang isang tao ay may kamag-anak na nagtataglay ng kondisyong ito, mayroong panganib na sila man ay mayroon o magkakaroon nito.

Ipinapayo sa mga taong may kamag-anak na may Graves’ disease na sikaping magkaroon ng malusog na uri ng pamumuhay. Ang ilan sa mga pamamaraan upang magawa ito ay ang mga sumusunod:

  • Pag-iwas sa paninigarilyo, na kilalang nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng Graves’ disease
  • Pags-ehersisyo nang wasto at sapat
  • Pag-iwas sa stress sa pamamagitan ng mga gawaing nakalilibang at nakapagpakakalma

Sanggunian