Buod

Ang hemochromatosis ay ang pagkakaroon ng labis na iron sa katawan. Sa kondisyong ito, nilalason ng sobrang iron ang mga organ na gaya ng atay, puso, at pancreas (lapay), maging ang mga kasu-kasuan. Kung hindi ito magagamot, maaaring pumalya ang mga bahaging nabanggit at magdulot ng panganib sa buhay ng pasyente.

Mahirap ma-diagnose ang sakit na hemochromatosis. Ito ay sapagkat ang mga sintomas nito ay halos natutulad lamang sa ibang mga sakit. Kapag naapektuhan ng kondisyong ito, ang pasyente ay makararanas ng pananakit ng kasu-kasuan, mabilis na pagkapagod, labis na panghihina, pagbaba ng timbang, at pananakit ng tiyan.

Maaaring magkaroon ng hemochromatosis ang isang tao kung namana niya ang ganitong kondisyon sa kanyang mga magulang. Maaari ring magkaroon ng ganitong kondisyon bunga ng komplikasyon mula sa anemia, sakit sa atay, at sakit sa bato. Dagdag dito, maaari ring maapektuhan ng ganitong kondisyon kung ang isang tao ay madalas na sinasalinan ng dugo.

Upang malunasan ang kondisyon na ito, kailangang sumailalim ang pasyente sa phlebotomy. Bukod dito, maaari ring resetahan ang pasyente ng mga gamot at isailalim sa espesyal na diyeta.

Kasaysayan

Sa wikang Ingles, ang hemochromatosis ay kilala rin sa tawag na “iron overload.” Ayon sa mga tala, ang unang gumamit ng terminong “hemochromatosis” ay si Friedrich Daniel von Recklinghausen, isang German pathologist. Noong taong 1890, inilahad ni Recklinghausen na ang hemochromatosis ay ang pamumuo ng labis na iron sa mga tisyu ng katawan. Noong taong 1935 naman, si J. H. Sheldon, isang doktor mula sa Britanya, ang nagpakita ng kaugnayan ng iron metabolism at ang mga namamana nitong katangian.

Pagsapit ng taong 1996, natuklasan nila Felder at ng kanyang mga kasamahan ang hemochromatosis gene o HFE gene. Ayon sa kanila, namumuo ang iron sa katawan dahil nagkakaroon ng mutation o pagbabago sa HFE gene. Dahil sa pagkakatuklas na ito, ang CDC at National Human Genome Research Institute ng Estados Unidos ay nagtaguyod ng mga pag-aaral upang mas maintindihan pa ang kondisyon na ito.

Mga Uri

Ang hemochromatosis ay mayroong dalawang uri: primary at secondary hemochromatosis. Ang mga mahalagang pagkakaiba nila ay ang mga sumusunod:

  • Primary hemochromatosis. Ang primary hemochromatosis ay ang uri na namamana. Kaya, kung mayroong mga problemadong gene ang mga magulang, maaaring mamana ito ng kanilang mga anak at magkaroon ng
  • Secondary hemochromatosis. Ang uring ito ay bunga na komplikasyon ng iba’t ibang uri ng mga sakit gaya ng anemia, sakit sa atay, at sakit sa bato. Bukod dito, maaari ring magkaroon ng secondary hemochromatosis kung ang isang tao ay madalas na sumasailalim sa blood transfusion o pagsasalin ng dugo.

Mga Sanhi

Image Source: www.freepik.com

Maaaring magkaroon ng labis na dami ng iron sa katawan kung ito ay hindi nailalabas o nagagamit nang wasto. Dahil dito, nalalason nito ang iba’t ibang bahagi ng katawan. Maaaring magkaroon ang isang tao ng hemochromatosis dahil sa mga sumusunod na sanhi:

  • Pagkamana ng problemadong gene. Ang pangunahing sanhi ng hemochromatosis ay ang pagkamana ng problemadong gene mula sa mga magulang. Kung ang parehas na magulang ay mayroon nito, hindi malayong magkaroon din ang mga anak.
  • Pagkakaroon ng anemia. Bagama’t ang anemia ay kilala bilang isang sakit kung saan mababa ang bilang ng mga red blood cell at iron, maaari pa rin itong magdulot ng pagtaas ng iron sa katawan kung may kasama itong pamamaga. Kung ang anemia ay may kasamang pamamaga, napipigilan nito ang katawan na gamitin ang mga naka-imbak nitong iron.
  • Pagkakaroon ng sakit sa atay. Kapag nagkaroon ng sakit sa atay, hindi nito magawang mailabas ang mga sobrang mineral sa katawan gaya ng
  • Pagkakaroon ng sakit sa bato. Kung may sakit sa bato at umabot na ito sa malalang kondisyon, maaaring magkaroon ng iron overload, lalo na kung sumasailalim ang pasyente sa
  • Madalas na pagkakasalin ng dugo. Ang dugo ay naglalaman ng maraming Kaya naman kung madalas na nangangailangan ang isang tao ng blood transfusion, maaari ring magkaroon ng hemochromatosis.

Mga Sintomas

Image Source: vitamins.lovetoknow.com

Ang mga sintomas ng hemochromatosis ay halos natutulad lamang sa mga sintomas ng ibang kondisyon, kaya naman hindi rin ito madaling i-diagnose. Subalit, masasabing mayroong hemochromatosis ang isang tao kung siya ay nakararamdam ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pananakit ng kasu-kasuan
  • Mabilis na pagkapagod
  • Panghihina ng katawan
  • Pagbaba ng timbang
  • Pananakit ng tiyan
  • Kawalan ng gana sa pakikipagtalik

Upang makasigurado ang doktor na hemochromatosis ang kondisyon, kailangang sumailalim ang pasyente sa iba’t ibang diagnostic test gaya ng blood testing, DNA testing, at liver biopsy.

Mga Salik sa Panganib

Image Source: www.freepik.com

Maaaring maapektuhan ng hemochromatosis ang kahit na sinuman. Subalit, ang mga sumusunod na salik ay nakapagpapataas ng posibilidad sa pagkakaroon nito:

  • Lahi o etnisidad. Ang hemochromatosis ay mas nakaaapekto sa mga Caucasian at Northern European, samantalang madalang lamang itong makita sa mga African-American, Hispanic, Asyano, at American Indian.
  • Pagiging babae. Ayon sa pag-aaral, mas madalas maapektuhan ng primary hemochromatosis ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
  • Pagiging matanda. Bagama’t maaari ring magkaroon ng hemochromatosis ang mga bata, mas tumataas ang posibilidad na magkaroon ng kondisyon na ito kapag sumapit na sa edad na 40 hanggang 60 na taong gulang.
  • Pagkakaroon ng hemochromatosis ng mga magulang. Kung ang mga magulang ay may hemochromatosis, malaki rin ang posibilidad na magkaroon nito ang mga anak.
  • Pagkahilig sa alak. Ang labis na pag-inom ng alak ay nakasisira ng atay. Dahil dito, maaaring hindi masala ng atay ang labis na iron sa katawan.

Mga Komplikasyon

Kung hindi agad malalapatan ng lunas ang hemochromatosis, maaaring magbunga ito ng mga sumusunod na komplikasyon:

  • Paglaki ng atay o enlarged liver
  • Pagkakaroon ng liver failure
  • Pagkakaroon ng kanser sa atay
  • Pagsusugat ng atay o cirrhosis
  • Pagiging iregular ng pagtibok ng puso
  • Paghina ng puso o heart failure
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Pagkakaroon ng arthritis
  • Pagkabaog
  • Pag-urong ng bayag (testicular atrophy)
  • Kawalan ng gana sa pakikipagtalik
  • Maagang pagtigil ng regla o menopause
  • Pagiging kulay abo o bronze ng balat
  • Pinsala sa mga pituitary, thyroid, at adrenal gland

Pag-Iwas

Ang namamanang uri ng hemochromatosis ay maaaring hindi ma-iwasan. Subalit, maaaring ma-iwasan ang pagkakaroon ng secondary hemochromatosis sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Pag-ehersisyo araw-araw. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw upang maging maayos ang pagdaloy ng dugo. Sa pamamagitan nito, ang katawan ay maka-iiwas sa pagkakaroon ng anumang problema sa dugo, gaya ng
  • Pangalagaan ang kalusugan ng atay. Ang pagkakaroon ng sakit sa atay ay maaari ring magdulot ng Upang ma-iwasan itong magresulta sa ganitong kondisyon, kailangang pangalagaan ang kalusugan ng atay. Upang hindi magtamo ng pinsala ang atay, bawasan ang pag-inom ng alak at pagkain ng matatabang pagkain.
  • Panatilihing malusog ang mga bato. Upang hindi rin humantong sa hemochromatosis, kailangang umiwas din sa pagkakaroon ng sakit sa bato. Uminom ng maraming tubig upang dumalas ang pag-ihi at mailabas ang anumang dumi sa katawan. Nakatutulong din ang pag-inom ng tubig upang hindi magkaroon ng impeksyon ang daluyan ng ihi. Dagdag dito, iwasan din ang labis na pagkain ng maaalat upang hindi masira ang mga bato.
  • Huwag sobrahan ang pag-inom ng mga iron at vitamin C supplement. Kung umiinom ng mga supplement, sundin lamang ang tamang dosage ng pag-inom nito. Kung minsan, mahigit sa isang tableta ang iniinom sa isang araw kahit na ang nakalagay lamang sa instruksyon ay isang tableta lamang.

Sanggunian