Gamot at Lunas  

Image Source: unsplash.com

Karaniwang hindi nangangailangan ng gamot ang mga hindi malulubhang kaso ng hepatitis C sapagkat ang karamihan ng viral infection ay nawawala basta mayroong malusog na pamumuhay. Kung malubha naman ang kondisyon, maaari pa rin namang gumaling mula sa sakit na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot.

Malubha man o hindi ang iyong karamdaman, maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na lunas upang gumaling sa sakit na ito:

  • Pagkain ng masusustansyang pagkain. Ang pagkonsumo ng masusustansyang pagkain, gaya ng gulay, prutas, isda, at hindi matabang karne ay nakatutulong upang mabilis agad manumbalik ang lakas ng katawan. Iwasan ang pagkain ng maaalat at matataba sapagkat mabigat ang mga ito sa tiyan at maaari ring magpalala ng kasalukuyang pagkahilo, pagduduwal, at pagsusuka.
  • Pag-inom ng maraming tubig. Sa anumang uri ng viral infection, nakatutulong ang pag-inom ng maraming tubig upang mahugas ang virus sa katawan at manatiling hydrated ang pasyente. Subalit, kung may mga sintomas ng pamamanas at paglobo ng tiyan, kailangang limitahan ang pag-inom ng tubig.
  • Pagpapahinga nang sapat. Ang pagtulog o pagpapahinga ay nakatutulong upang mas mabilis na maghilom ang mga selula ng katawan. Tiyakin na matulog ng 8 oras sa isang araw.
  • Paglilinis ng katawan. Maaaring magdulot ng pangangati ang hepatitis C. Upang maginhawaan, ugaliing maglinis ng katawan. Maligo araw-araw at magsuot ng maluwag at komportableng damit. Subalit, kung ang pasyente ay nilalagnat, maaaring punas-punasan na lang muna ang katawan ng maligamgam na tuig.
  • Pag-inom ng mga antiviral medication. Maaari ring magamot ang hepatitis C sa pamamagitan ng pag-inom ng mga antiviral medication. Halimbawa ng mga gamot na posibleng ireseta ng doktor ay simeprevir, sofosbuvir, ledipasvir, ombitasvir, paritaprevir, ritonavir, dasabuvir, velpatasvir, voxilaprevir, glecaprevir, pibrentasvir, at Batay sa tindi ng kondisyon, maaaring painumin ang pasyente ng ilang mga kombinasyon ng mga gamot na ito.
  • Pag-inom ng mga gamot para sa ibang mga sintomas. Bukod sa mga antiviral medication, maaari ring magreseta ang doktor ng ibang mga gamot upang maibsan ang ibang mga iniindang sintomas ng pasyente. Maaaring magbigay ang doktor ng gamot sa lagnat, pangangati, pagsusuka, pananakit ng katawan, at iba pa.
  • Pagpapabakuna. Bagama’t walang bakuna para sa hepatitis C, maaari pa ring magreseta ang doktor ng mga bakuna para sa hepatitis A at hepatitis B. Ito ay upang ma-iwasan na magkaroon pa ng ibang uri ng hepatitis virus ang pasyente sapagkat maaaring mas lumalala pa ang kondisyon.
  • Liver transplantation. Kung may komplikasyon na ang pasyente, maaari siyang sumailalim sa liver transplantation upang mas humaba pa ang kanyang buhay. Subalit, maaaring mahirapan ang pasyente sa paghahanap ng

Ayon sa mga doktor, ang hepatitis C ay nagagamot at nawawala sa sistema ng katawan ang virus, hindi gaya ng ibang viral infection na hindi na nawawala. Subalit, maaaring abutin ang gamutan ng hanggang 12 linggo. Pagkatapos nito, kailangang suriin muli ang dugo ng pasyente kung matagumpay na nasugpo ang hepatitis C virus sa atay.