Gamot at Lunas

Image Source: www.dukehealth.org

Kung kasalukuyang naaapektuhan ng herpes, maaaring gawin ng doktor ang mga sumusunod na lunas upang mawala ang mga iniindang sintomas ng pasyente:

  • Antiviral medication. Maaaring magreseta ang doktor ng mga antiviral medication gaya ng acyclovir upang mabilis na mawala ang mga paltos. Kadalasan, ang pasyente ay nangangailangang uminom ng mga antiviral medication sa loob ng 5 araw upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus sa katawan.
  • Painkiller. Maaari ring magbigay ang doktor ng painkiller sa pasyente upang mawala ang nararamdaman nitong pananakit sa ari. Ilan sa mga painkiller na maaaring ibigay sa pasyente ay acetaminophen at ibuprofen. Maaari ring magreseta ang doktor ng mga painkiller cream upang ipahid ito sa mga paltos na masakit at mahapdi.

Bukod sa mga nabanggit na gamot, kailangang sabayan din ito ng wastong paglilinis ng katawan. Upang mabilis humupa ang mga paltos, maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na lunas sa bahay:

  • Paghugas ng mga paltos gamit ang tubig na may asin. Nakatutulong ang paghuhugas ng tubig na may asin upang mabilis na maghilom ang mga paltos. Nakatutulong din ito upang hindi magkaroon ng impeksyon sa balat na sanhi naman ng Ang asin ay isang sangkap na naglalaman ng mga antibacterial property kaya naman ito ay rekomendado ng mga doktor.
  • Pagpahid ng petroleum jelly sa mga apektadong bahagi. Kung hindi makabili ng painkiller cream, maaaring gamitin ang petroleum jelly bilang alternatibo. Nakatutulong ito upang hindi gaanong humapdi at manakit ang paligid ng ari habang umiihi.
  • Pagbuhos ng malamig na tubig sa ari habang umiihi. Maaari ring makabawas ng pananakit sa pag-ihi ang pagbuhos ng malamig na tubig. Ang malamig na temperatura ng tubig ay nakapagbibigay din ng ginhawa at nakapagpapabawas ng pangangati.
  • Paglalagay ng ice pack o malamig na tuwalya sa mga paltos. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong upang mabawasan din ang pananakit at panghahapdi ng mga paltos sa balat. Kung walang ice pack, maaari namang gumamit ng tuwalyang nilublob sa malamig na tubig.
  • Huwag muna makipagtalik. Hangga’t maaari, huwang munang makipagtalik habang hindi pa tuluyang nawawala ang mga paltos. Bukod sa nakahahawa ito, maaaring lumala at pumutok ang mga paltos dulot ng pagtatalik.

Kapag naapektuhan na ng herpes, ang virus ay maaaring hindi na mawala sa sistema ng katawan. Maaaring manumbalik ang mga sintomas nang paulit-ulit, lalo na kung humina ang resistensya ng katawan o kung madalas nakararanas ng stress ang pasyente. Subalit, kung susundin ang mga nabanggit na pag-iingat sa paraan ng pag-iwas, maaaring manatili lamang na “natutulog” o dormant ang virus sa katawan at hindi lumabas ang mga sintomas nito.