Gamot at Lunas

Image Source: unsplash.com

Ang hyperopia ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin o mga contact lens. Maaari ring malunasan ang kondisyon na ito sa pamamagitan ng operasyon. Upang mas maintindihan ang mga lunas na ito, basahin ang mga sumusunod:

  • Salamin o mga contact lens. Ang pagsusuot ng salamin o mga contact lens ay ang pinakasimpleng paraan upang malunasan ang Bagama’t hindi nito naitatama ang hugis ng eyeball ng taong may hyperopia, nagagawa ng mga ito na mai-focus nang tama ang liwanag na pumapasok sa mga mata.

Hindi maitatama ng mga simpleng reading eyeglasses ang paningin ng taong may hyperopia. Nangangailangan ito ng prescription glasses/lenses o mga salamin/contact lens na rekomendado ng doktor. Bago bigyan ng prescription glasses/lenses ang pasyente, nangangailangan munang suriin ng doktor ang mga mata ng pasyente upang makapagpagawa ng pinaka-angkop na salamin o mga contact lens para rito.

Dahil ang cornea ay may kakaibang pagkurba o mas patag ang eyeball, ang karaniwang uri ng prescription glasses/lenses na ibinibigay sa pasyente ay isang convex lens. Ang convex lens ay isang uri ng lente na ginagamit sa salamin na may paumbok na hugis upang mapunan nito ang pagkapatag ng mga mata. Kapag isinuot na ng pasyente ang kanyang prescription glasses/lenses, makakakita na siya nang mas maayos kahit sa malapitan.

  • Iba’t ibang uri ng operasyon sa mata. Kung hindi komportable magsuot ng salamin o mga contact lens, maaaring sumailalim sa operasyon sa mata upang umayos ang paningin. Ilan lamang sa mga operasyong maaaring isagawa sa pasyenteng may hyperopia ay ang mga sumusunod:
  1. Laser-assisted in situ keratomileusis (LASIK). Ito ang pinaka-karaniwang uri ng laser eye surgery. Sa operasyong ito, gagawa ang maninistis ng maliit na flap mula sa mismong Ito ay upang matanggal ang ilang mga layer sa loob ng cornea nang sa gayon ay maisaayos ang hugis nito. Pagkaayos ng mga kurba ng cornea, ibabalik ang maliit na flap sa dati nitong posisyon. Posible lamang ang operasyong ito kung malusog at makapal ang cornea ng mata at kung hindi ito masyadong patag.
  2. Laser-assisted subepithelial keratectomy (LASEK). Sa LASEK surgery naman, ang maninistis ay gagawa ng napakanipis na flap sa epithelium o balat lamang ng Pagkatapos nito, gagamit siya ng laser para baguhin ang hugis ng mga outer layer nito. Susundan naman ito ng paglalagay ng maninistis ng bagong epithelium sa cornea. Kumpara sa LASIK surgery, mas mabilis maka-recover sa operasyong ito.
  3. Photorefractive keratectomy (PRK). Ang PRK surgery ay natutulad sa LASEK surgery. Subalit, sa halip na lagyan ng bagong epithelium ang cornea, hahayaan na lamang na natural itong bumalik habang gumagaling ang mata.

Bagama’t may laya ang pasyente na mamili kung anong uri ng lunas sa mata ang gustong gawin, mas mainam pa ring makinig sa mungkahi ng doktor kung ano ang pinakamaiging solusyon sa kanyang kondisyon.